Jaemin's POV
Dumaan ako sa junior highschool department para dalhan si Jiheon ng juice. Siya kasi ang nagupdate sa mga fans ko kaya dapat ko siyang pasalamatan.
I peeked through her room pero wala siya doon. May mga tumawag saakin at bumati kaya nginitian ko sila.
May nakasagi saaking likod at ramdam kong medyo kumirot ito. Dahil siguro sa practice. Imposible namang bumalik pa iyon. Sabi saakin ni Ty hyung baka daw tuluyan na akong paalisin kung bumalik iyon.
"Ay sorr-- OMG?! NANA?" Yujin exclaimed. Ngumiti ako sa kanya. Napatingin siya sa hawak kong juice.
"Para saakin ba iyan? Omg salamat." hindi na ako nakapag salita dahil nakuha niya na ang juice at pumasok sa kanilang room.
I closed my fist. Jaemin kalma. Bibili na lang ako ng bago. Pumasok na sa loob ng classroom ang teacher nila Jiheon ngunit wala parin doon si Jiheon.
"Bakit daw absent si Jiheon?" rinig kong tanong nung teacher.
"Nasobrahan po sa kape. Yun ang sabi ni Chani hyung." isang lalaki ang may saad.
"Sobrang pabibo lang kase!!" sigaw ni Yujin na nagpainis saakin. Akala ko ba kaibigan niya si Jiheon?
"HAHAHA OO NGA!!" pagsang ayon ng iba.
Umalis na ako sa junior highschool department at nagtungo palabas ng gate. Naabutan pa ako ni Jeno kaya kinausap pa ako.
"Uy saan ka pupunta?"
"Diyan lang sa tabi." wala ko sa mood na saad. Naging seryoso naman si Jeno.
"May nangyari ba?"
"Bibili lang ako ng juice." sabi ko. Tinapik niya ako na medyo nagpasakit saakin likod. Dumating din si Renjun at nakitang nasaktan ako.
"Jeno alam mo naman na maaring--"
"Hayy oo." malungkot na saad ni Jeno. Inakbayan ko silang dalawa.
"Tara na lang kasi.. samahan niyo ako." sabi ko nang nakangiti kahit masakit talaga.
Nang makadating kami sa cafe ay hindi parin maiwasan ni Jwno ang magtanong.
"Bakit tatlo ang binili mo eh nakabili nanaman kami ni Renjun?"
"Wala."
"Ibibigay niya lang iyan kay Jiheon" sabi ni Renjun habang nainom ng tsaa.
"Tss. Pinagpapalit mo na pala kami ni Renjun." sabi ni Jeno. Tiningnan siya ni Renjun ng masama.
"Ikaw lang."
"Pero tama ka.. para sa kanya 'to . Kaso hindi daw siya pumasok."
"Oo nga... nasa ospital siya ngayon." simpleng sabi ni Renjun. Napatayo ako at kinuha ang mga juice na binili.
"O saan ka pupunta?" tanong ni Jeno habang kumakain ng tinapay.
"Sa ospital."
"Teka-- sama ako!!" sabi ni Jeno at nag ayos na din ng bag.
"May klase pa ha." si Renjun.
"Sumama ka na lang din.. di ka nanaman papapasukin nung guard." sabi ko.
Habang nagdridrive si Mark hyung ay tingin siya ng tingin saakin.
"Hyung mababangga tayo kung ganyan ka." sabi ko.
"Ngayon lang kita nakitang ganyan ka seryoso Jaemin." sabi ni Mark hyung. Parang pusa namang tumango si Jeno. Pa-cute talaga itong isang 'to.
Na ku-cutan ka naman...
Nang makarating na kami sa ospital ay nanguna si Renjun dahil siya ang may alam kung saang room si Jiheon.
Pagkadating sa room ay nandoon din ang doktor ni Jiheon na chinecheck si Jiheon habang natutulog.
"Bakit po siya na-ospital?" tanong ko.
"Nasobrahan sa kape iho. Stressed din siya sa isang bagay ngunit ayaw sabihin saakin ng kuya niya ang bagay na iyon. Mabuti at sinabi saakin ni Jiheon nung nagising siya." sabi ni doc.
"Ano daw po? Ano po yung bagay na nagpapastress sa kanya?"
"Naaksidente daw yung boyfriend niya at hindi daw siya maalala... akala ng iba, back injury pero ang totoo ay nagkaamnesia din siya. Kawawa naman itong si Jiheon. Sige maiwan ko muna siya sa inyo."
Bago makaalis ang doktor ay tinanong siya ni Renjun.
"Wala po bang nagbabantay sa kanya?"
"Wala. Two weeks na siyang nasa ospital."
Parang gumuho ang mundo ko ng marinig ko iyon.
Nasaan na ang kuya niya? Si Chani? Yung iba pa niyang nakakausap sa Twitter at Facebook? Nasaan ang mga taong iyon??
Umalis na si Jeno at Renjun kaya naiwan na lamang ako ditong mag-isa.
Mabuti na lamang at nakakain na kami at nakabili ng pagkain habang papunta dito. Si Mark hyung na daw ang bahala sa excuse letter ko.
"Nana wag mo akong kalimutan.."
"Nana si Yujin na ba?"
"Kababata din naman kita ah?"
"Ang sakit sakit Nana."
"Na Jaemin mahal kita." pagkasabi noon ni Jiheon ay nagising siya na may luha sa pisngi.
"Ayos ka lang ba?" tanong ko sa kanya. Hinaplos ko ang kanyang pisngi na may luha at nginitian siya.
"J-jaemin? P-paanong--"
"Uminom ka muna ng gamot. Ikaw ang may sabi saaking bawasan ang pag inom ng kape tapos nainom ka din pala."
"Once lang naman ako uminom." saad niya. Uminom siya ng gamot
"Paano nangyari ito?"
"Ang last kong inom ng kape ay yung nag date kami ni Yujin. Minsan lang naman kasi kami magbonding kaya pinagbigyan ko na." nakangiti niyang saad.
I closed my fist. Trying to calm myself. So that's what a friend is?
"Wag ka na ulit sasama sa kanya." sabi ko habang sinusubuan siya ng hotpot na binili ni Renjun.
"Huh? Bakit naman? Bakit ikaw? Sumasama ka kaya sa kanya. Gusto mo ba siya?" she asked. I sighed.
"Hindi sa ganon.. hindi siya mabuting kaibigan para sa iyo." sabi ko sa kanya.
"Then let's make a deal. Lalayuan ko siya, lalayuan mo siya-- PLUS papayagan mo akong tawagin ka na Nana. Deal?" she asked. Now she seemed to be excited. Dahil ba sa kape ito?
"Fine fi--"
"Salamat Nana!!" niyakap niya ako.
Hindi ko alam pero sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Parang noong hinalikan ko siya ng mabilis. Parang may kuryenteng dumaloy sa aking katawan na nagpagaan saaking nararamdaman.
I hugged her too.
BINABASA MO ANG
❛ ⁿᵃⁿᵃ ً ⁿ‧ʲᵐ
Short Story✓〔COMPLETED〕 罗渽民 °. j a e m i n ❜ e p i s t o l a r y ─────────── 🍃 in which jiheon likes jaemin's pink hair not knowing that it is a type of disease