🍁 | O53

330 6 0
                                    

Jaemin's POV

Inismidan ko sila Jisung sa harap ko. Hindi ako makapaniwalang naglalandian sila sa harap ko. Anlandi pala ni Jisung.

Siya ang nagsabi na mag-imbestiga kami pero siya ang hindi nagseseryoso dito.

Nag-pekeng ubo ako. Pero hindi nila iyon napansin. Tinuturuan pa ni Jisung si Jiheon na magsulat gamit ang kanyang kanang kamay. Kaya nakahawak ang kamay ni Jisung sa kamay ni Jiheon.

"Kung wala lang din kayong itutulong, umalis na kayo." naiirita kong saad. Hinahawakan ulit ni Jisung ang kamay ni Jiheon.

"Sige hyung mag dedate pa kam--"

"Ito naman hindi mabiro!" sigaw ko at tumawa. Pero pilit ang tawa ko.

Napabuntong hininga na lamang si Jisung at umupo ulit pero hindi niya parin binibitawan ang kamay ni Jiheon.

Bakit ganito? Bakit ako naiirita kay Jisung? Sila na ba ni Jiheon? Eh ano naman kung sila na ni Jiheon? Bakit ba nagagalit ako?

Dumating na ang order ni Jiheon kaya napatahimik si Jisung at pinagmasdan lang si Jiheon habang umiinom siya.

Napatingin din sa kanya si Jiheon at nginitian siya ni Jiheon. Sa akin lang siya nangiti ng ganyan ah! Sa akin lang naman... dati.

Binuklat ko ang mga articles at isang pahina ang kumuha sa atensyon ko.

Yujin Ahn is rumored to be the step daughter of Lee Soo Man.

Ayon sa artikulo. Hindi daw ginagamit ni Yujin ang "Lee" na apelyido ng pangalan niya para maiwasan ang gulo.

Hindi daw nabigyan ng sapat na atenyon si Yujin kaya mga bagay na gusto niya lang ang naibibigay ni Lee Soo Man. Spoiled siya ng nanay niya.

Ang sabi ay pinagtakluban ni Lee Soo Man ang kaso ni Yujin at iniwasan na makulong ang nanay ni Yujin.

Kung ganoon nga ang nangyari ay paniguradong wala akong laban kay Yujin.

Masasalita sana ako kaso pagkatunghay ko ay nagpapacute si Jisung kay Jiheon.

"Hoy ano ba naman iyan. Mga kabataan nga naman ngayon!" suway ko sa kanila. Nilingon naman ako ng ibang tao sa loob ng Starbucks.

"Hyung!"Sabi ni Jisung. Nginitian naman ako ni Jiheon.

"Sana sinama mo din si Renjin, may gusto siya sa iyo 'di ba?"

Hindi ko na lang pinansin si Jiheon. Tinago ko na ang mga articles at nagsimulang kainin ang banana bread.

Ano nga ba ang mayroon kay Yujin?

❛ ⁿᵃⁿᵃ ً ⁿ‧ʲᵐTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon