🍁 | O52

366 7 1
                                    

Jaemin's POV

"Wag!!"

"J-jaemin..."

"Paalam Jiheon..."

Napabangon ako mula sa aking pagkakahiga. Naramdaman ko saaking pisngi ang mga luha. Bakit ako umiyak?

Sabado ngayon at naalala ko ang mga sinabi saakin ni Jisung. Baka nga may kulang. Baka nga hindi sapat ang ala ala ko. Baka nga iyon ang pinaka-importanteng detalye na nakalimutan ko.

"Oh Nana ang aga mo ngayong gumising?" bati saakin ni Mama.

"Ma, may year book po ba noong nasa Busan pa tayo?"

Nginitian niya ako at inabot saakin ang isang libro.

"Nakaka-alala ka na ba anak?"

"Hindi pa po lahat." sabi ko. Hinawakan ni mama ang kamay ko.

"Hayaan mo anak, malalaman mo din kung paano nangyari iyan sa iyo."

Na Jae Min 나 재민Class A 9

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Na Jae Min
나 재민
Class A 9

"Ma, wala po ba na mas bata saakin?"

"Huh? Ah oo nga pala, nagpabili ka nga pala noong sa batch ni Jiheon. Late ko na ito nakuha, pagkatapos mo na naaksidente."

Baek Ji Heon백 지 헌Class B 6

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Baek Ji Heon
백 지 헌
Class B 6

"Napakagandang bata talaga." puri ni mama bago siya lumabas ng bahay.

Binuklat ko pa ang libro at nakita ang isang pamilyar na babae.

Binuklat ko pa ang libro at nakita ang isang pamilyar na babae

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ahn Yu Jin
안 유진
Class B 6

Siya! Siya ang babaeng napanaginipan ko! Siya ang babaeng tumulak kay Jiheon para mabangga si Jiheon. Kaya ko sinalba si Jiheon dahil sa kanya!

Tumunog ang aking cellphone.

From Unknown Number:
Hello Nana :)

From Unknown Number:
Ako nga pala si @//nanaloops

From Unknown Number:
Ako ang greatest fan mo :)

Nahagis ko ang aking cellphone dahil sa kilabot. Posible kayang...

From Unknown Number:
Ako nga pala din si Yujin :) hahaha

Nataranta ako at mabilis na tinakluban ang libro na binigay saakin ni Mama.

Kung siya ang tumulak kay Jiheon... bakit kinakaibigan parin siya ni Jiheon? Ang bait naman ni Jiheon.

"Anak may bisita ka."

"Jaemin Hyung!" sigaw ni Jisung.

"Oh bakit?"

"Naalala mo na ba hyung?" tanong saakin ni Jisung. Magsasalita pa sana ako kaso may mga papel at newspaper siyang nilabas.

"Ano yan?"

"Hyung ito ang mga balita tungkol sayo 2 years ago. Kung hindi mo man maalala, pagkatapos natin na magpromote ng Chewing Gum ay babalik ka sana sa Busan para kay Jiheon."

"Ayon sa nabasa ko, hindi ka na daw na-interview dahil sa back injury mo pero hindi sinabi sa report na nakalimot ka."

"Hindi din nasabi sa report na sinalba mo si Jiheon at hindi din nakasaad doon kung sino ang tumulak kay Jiheon para mabangga siya ng sasakyan."

"Kung hindi ka sana nakalimot, mapaparusahan agad kung sino ang gumawa. Pero, may isa pa na option. Ang CCTV."

"Ang pinagtatakha ko lang ay walang kahit anong video ang lumabas noong mga oras na naaksidente ka. Parang nag-skip ng time?"

"Kaya hyung, posible kaya na may kinalaman ang SM Ent sa hindi pagkalat ng balita?"

Kung pag-iisipan ng mabuti. Wala nga akong napansin na CCTV footages. Nagbihis ako at niyaya si Jisung sa Starbucks.

"Dito talaga hyung? Hindi kaya may sumunod saatin?"

"Wala naman siguro." saad ko. Hinilera namin by date ang mga articles tungkol sa aksidente ko.

NA JAEMIN, WILL NOT BE ABLE TO PROMOTE WITH NCT DREAM TEMPORARILY.

Naalala ko nanaman ang mga hinanakit ko dahil hindi ako nakasama sa dream noon.

Seryoso na sana ako kaso si Jisung ay nahagikhik sa tapat ko. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Ano ba yan Jisung?"

"Hyung, kinikilig lang ako. Papunta na kasi siya hehe." inirapan ko siya. May kalandian din pala na itinatago itong batang ito.

"Sino ba naman iyan?"

"Yung nililigawan ko hyeong~" sabi niya at tuloy tuloy na hinigop ang strawberry frappe niya.

"Ano ba naman iyan mochi, wag na pabitin. Sino ba kasi yang nililigawan mo?"

"Huh? Hindi ko ba nasabi sa iyo hyung? Si Jiheon. Si Jiheon ang nililigawan ko."

Shit, oo nga pala.

×××
selcughs: HAPPY 1K VIEWS YEOREOBUN ♡ SARANGHAE HEHE 💚

Stream Simon Says 😄😘

❛ ⁿᵃⁿᵃ ً ⁿ‧ʲᵐTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon