🍁 | O49

346 9 3
                                    

Jiheon's POV

Pagkagising na pagkagising ko ay narinig ko ang mga kaluskos sa kusina.

"Kung bakit mo naman kasi nilagyan ng mantika yung tubig. Jusko po." -kuya Juho

"Eh iyon ang turo saakin ni Mark hyung eh. Para daw malambot yung itlog." -kuya Jeno

"Bakit palalambutin? Mas maganda kapag matigas." -kuya Juho

"Hyung napaka ano mo--" Hindi ko na pinatapos sa pagsasalita si kuya Jeno.

Kinuha ko ang isang box ng cereal at fresh milk. Nilagay ko iyon sa isang bowl. Sinimangutan naman ako ng mga kuya ko.

"Ano ba iyan Jiheon, pinagluto ka namin tapos iyang cereal ang kakainin mo?" nginitian ko si Kuya Juho.

"Hyung!!!!!!!" sigaw mula sa labas. I think it's Lele?

"Oh Chenle napapunta ka?"

"Eh kasi naman inutusan ako na sunduin ko daw si Jiheon sabi ni J---- *cough* *cough* kaya ayon." hindi ko masyadong naintindihan ang sinabi ni Lele.

Pagkatapos ko na kumain ay hinila agad ako ni Lele palabas at doon ko siya nakita.

Pagkatapos ko na kumain ay hinila agad ako ni Lele palabas at doon ko siya nakita

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"H-hi Jiheon!" bati saakin ni Jisung.

"Hello!" bati ko pabalik. Umubo si Lele kaya tinapik ko ang likod niya. Inabot din kaya siya ng nyebe kahapon gaya ko? Ang lamig lamig nga ngayon eh.

Akala ko ay maglalakad kami papunta sa school pero sa harap namin ay tumigil ang isang sasakyan at ang nagdadrive noon ay si Mark.

"Jisung ha." sabi ni Mark kay Jisung habang naka ngisi. Napakamot naman si Jisung sa batok niya hawang medyo namumula. Hala baka nilalamig na din siya!

Sa unahan sumakay si Lele kaya ang katabi ko ngayon ay si Jisung. Binuhay ni Jisung ang kanyang cellphone at nag type. Ipinakita niya iyon saakin.

Gusto kita Jiheon. Matagal na.|

Hindi agad ako nakapag-salita. Nag-type ulit siya.

Hindi mo naman boyfriend si hyung diba?|

"Huh? Sino?" bulong ko sa kanya.

Jaemin Hyung|

Napalunok ako. Hindi ko nga naman siya boyfriend.

"Oo hindi." bulong ko ulit.

"Liligawan kita Jiheon." bulong ni Jisung saakin.

"Oy Jiheon, Jisung, nasa school na tayo ha." sabi ni Mark. Nalito naman ako sa sinabi niya.

"JiJi couple." dagdag pa ni Mark.

Pagkababa ko ng sasakyan ay sumalobong saakin si Jaemin. Nginitian niya ako habang tumatama sa kilay niya ang light pink niyang buhok.

Huh? Bakit naging light pink? Nagpakulay ba siya ng buhok?


❛ ⁿᵃⁿᵃ ً ⁿ‧ʲᵐTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon