CHAPTER 1

28.6K 583 12
                                    

WIZ's POV
      
     

PAGABI na ng makauwi ako sa bahay. tumawag si daddy at Marami naman s'yang Binalita about Bussiness doon sa France.

Pagka-park ng kotse ay pumasok na ako sa loob ng bahay. Dumaretso ako sa taas para magpalit ng damit. Nakita kong nakahiga doon si Kelly at Nakadapa pa. Napapikit ako.

Gawain ba ng isang matinong babae ang naka-bra lang kapag matutulog?!

She's my wife but that's not enough reason or excuses to do this kind of sh*t!

Pinagtataka ko kung Bakit Ganito ang Babaeng 'to? Asawa ko s'ya pero alam naman n'ya sa sarili n'ya na hindi ko s'ya gusto and We don't like each other.

Pero bakit ganito na s'ya? Nag iba na s'ya, Ang Dating Mahinhin n'yang Personality ay naging Gan'yan na, Wild. I have no Idea kung bakit n'ya ginagawa ‘to. Alam kong may plano s'ya dahil kahit hindi ko s'ya masyadong nakakausap, kabisado ko s'ya dahil matagal ko na rin s'yang nakakasama.

Nag hubad ako at iniwan ko sa katawan ko ang Short at Saka Dumaretso sa Banyo at tsaka Naligo. Pagkatapos ay Lumabas ako ng Naka Roba lang at Bumaba para Kumain ng Hapunan.

Gusto kong malaman kung kumain na ba s’ya. But no!— I don't care! Wala akong pakielam sa ibang babae. Si Claire lang ang gusto ko. I still miss her, i still love her.

Pagkatapos kong kumain ay nanuod ako ng News sa sala para makapag Relax na rin. Malakas ang Ulan ngayon dahil may Bagyo. May kung sino ang Pumasok sa Isip ko kaya lalo akong nanlamig.

Kamusta kana kaya? N-Natupad mo na ba 'yung mga pangarap mo d'yan? D*mn, Honey i really miss you.

Huminga ako ng Malalim sa mga Naiisip ko. Naghiwalay kami Hindi dahil alam n'yang May Asawa na ako. Naghiwalay kami for Her Dreams. Pero Dahil mahal na mahal ko s'ya, Inintindi ko s'ya at hinihintay ko s'ya Hanggang Ngayon. 'yun kasi ang pinanghahawakan ko. Ayoko s'yang mawala sa buhay ko. S'ya 'yung nagpabago sa akin. I like her Attitude kahit sinasabi sa akin ng iba na masama ang Ugali n'ya pero— I don't Care! Ang mahalaga gusto ko s'ya, Mahal namin ang isa't isa. Mali ang sinasabi nila, dahil mas kilala ko si Claire.

"Hintayin mo ako Wiz. Gusto ko pagbalik ko, Hiwalay na kayo. Gusto ko pagbalik ko magsimula na tayo. Kahit bawal, Kahit masaktan ang Magulang at asawa mo ang mahalaga masaya tayo."

Hindi mawala sa Isip ko ang Sinabi n'yang 'yan, Sobrang bigat ng loob ko ang mga sinabi n'ya. Nakaka Gulo ng Isip ang mga sinasabi n'ya sa akin. Hindi ko s'ya maintindihan kung Selfish ba s'ya or she just worried about our Relationship.

Para kasing kalmado s'ya at Alam n'ya sa sarili n'ya na Hihiwalayan ko si Kelly anytime na kahit ako mismo, Hindi ko alam kung magagawa ko ba ‘yun. Dahil una sa lahat, Hindi pwede dahil 'yon ang Pinagkasunduan ng mga magulang namin. Ang ikasal kaming dalawa sa isa't isa.

I took a deep breath. Kahit naman Ganito ako ay May pakielam naman ako sa mga Magulang ko, I know naman na Ayaw nila kay Claire dahil iba ang Ugali ni Claire sa Ibang tao. Ganoon daw kasi s'ya kapag hindi n'ya gusto ang isang tao o kapag hindi s'ya gusto ng isang tao. She has many reasons for being like that and I understand her.

Mr. Masungit Meets Mrs. ManyakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon