KELLY’S POV
Nasa labas na kami ng bahay pero hindi pa rin nababa si Wendell. Takang tumingin ako sa kan’ya pero daretso lang s’yang nakatingin sa harapan at mukhang malalim ang iniisip n’ya.Simula no'ng nalaman ko na marami palang problema si Wendell dahil sa Family at Company nila, nakaramdam ako ng awa sa kan’ya kahit hindi naman n’ya ‘yon kailangan.
"W-Wendell?” tawag ko sa kan’ya tsaka lang s’ya lumingon.
"Hindi muna ako papasok, Kelly." Sabi n'ya habang nakangiti. "Umuwi kana, anong oras na rin."
"H-Hindi ka man lang ba papasok kahit saglit?" takang tanong ko.
"Hindi na, nag message sa'kin si daddy. May inuutos s'ya sa akin eh." Kumamot pa s’ya ng kilay at pilit na ngumiti.
Pakiramdam ko ay may problema s’yang hindi sinasabi kaya hindi nalang ako nangulit pa.
“A-Ahhh gano'n ba. S-Sige bababa na ako. Maraming salamat, Wendell. Hindi mo ako pinabayaan. Tatanawin kong utang na loob ‘to, dahil pinagaan mo ang nararamdaman ko.” Ngumiti ako sa kan’ya at ganoon rin s’ya sa akin.
"You're Always welcome kelly. Wala ‘yon, okay? Nakatulong ka rin naman sa akin dahil napagsabihan din kita ng mga problema ko. So, fair lang tayo.”
Tinanggal n’ya ang seatbelt n’ya at gano'n rin ang ginawa ko. Lumabas s’ya at mabilis na pumunta sa pintuan ng passenger seat para Pagbuksan ako ng pintuan.
"Tandaan mo 'yung sanabi ko, Nandito ako kung sakaling may problema ka." Inalalayan n’ya akong makalabas ng kotse n’ya. Ngumiti ako sa kan’ya at tumango.
"Maraming Salamat talaga Wendell, S-Salamat sa lahat." Nakangiting pasalamat ko sa kan'ya.
Nagulat pa ako ng bigla n'ya akong Yakapin. Para akong nanigas sa ginawa n’ya. "W-Wendell...”
“Ang tawag dito ay bestfriends hug.” Natatawa n’yang bulong habang nakayakap pa rin sa akin. Hindi ako nakasagot dahil sa ginawa n’ya. “Salamat kasi ikaw ‘yung nand’yan para sakin, kaya fair lang tayo okay? Magkaibigan na tayo.”
"M-Mag bestfriend na tayo?" Tanong ko.
S’ya ang unang humiwalay sa yakap namimg dalawa at nakangiting tumingin sa akin. Nakikita ko ang kislap sa mga mata n’ya. Hindi katulad kanina na ang lungkot lungkot ng mata n’ya.
"Syempre. kasi nand’yan ka for me, and i’m here for you. Don't worry, mapagkakatiwalaan ako sa lahat. For you, kelly. I will do everything just to make you feel better and happy." nakangiting sabi n'ya at tsaka n’ya ako ulit niyakap.
Pangalawang beses na pero lalo akong nailang sa ginawa n’ya. Hindi ko alam kung ginagawa n’ya lang talaga ang mga ganito dahil ganito s’ya magpasalamat.
BINABASA MO ANG
Mr. Masungit Meets Mrs. Manyak
RomanceUNDER CONSTRUCTION || EDITED Story Published: October,1 2018