Chapter 5

21.7K 503 8
                                    

   
KELLY’s POV
      
    
Lahat ng mga sinabi ni mama na parte ng katawan ni Wiz na pupunasan ko ay napunasan ko na. Sa sobrang bagal kong kumilos dahil sa pakikipag laban ko sa bilis ng tibok ng puso ko ay hindi ko napansing nakatulog na pala si hubby.

♡(˃͈ દ ˂͈ ༶ )

Hindi ako umalis sa pwesto ko sa tabi n'ya kahit na tapos naman na akong gawin ang mga gagawin.

Ang sarap n'yang titigan kahit natutulog s'ya. Napaka kinis at puti ng kan'yang mukha. Napaka Pula ng labi n'yang manipis. mahaba ang pilik mata n'ya at makapal. Grabe! Napaka Perfect n'ya! Kahit yata titigan ko magdamag ang mukua n'ya ay hindi ako mapapagod at mauumay.

(ノ*0*)ノ

Muling nag FLASHBACK sa isip ang pagpapakilala ni Wiz kay Claire sa harap ko mismo at sa harap ng mga Magulang n'ya.

Parang nanliit nga ako no'n sa pinakilala n'ya. Bagay na bagay sila ni Claire. Kung wala nga siguro ako ay matagal na silang kinasal at sila pa ngayon.

Kasalanan ko lahat ng 'to eh. lalo na kapag araw araw na masungit si Wiz na para bang sinasabi n'ya na kasalanan ko ang lahat kung bakit nangyari ito sa amin.

Dahil ba hindi ko pinigilan ang mga magulang namin?

Wala naman akong lakas para gawin 'yon eh. Bakit s'ya? madami naman s'yang kaya para hindi matuloy ang kasal namin pero hindi n'ya ginawa.

Sabagay, mga bata pa kami noon. kakatungtong lang namin sa Pagiging ganap na Teenager. at masyadong ma-awtoridad si tito Manuel, Ang daddy ni Wiz.

Kung hindi daw s'ya papayag na ikasal sa akin ay hindi daw magiging Vice Chairman si Wiz. Wala daw itong mamanahin at sisigurahin n'ya daw na maghihirap si Wiz.

Napatingin ako ulit kay Wiz. Nakaramdam ako ng Awa para sa kan'ya.

Naiintindihan ko s'ya kung bakit ganito ang pakikitungo n'ya sa akin. Alam kong marami s'yang pangarap para sa kanila ni Claire pero nandito ako.

Tinakot s'ya ni Daddy Manuel. Kaya siguro hindi na n'ya kinayang lumaban.

(╥﹏╥)

Sobrang gustong gusto ko talaga si Wiz noon. Crush na Crush ko s'ya kahit noong nag-aaral pa lang kami. Hindi pa nga alam ng mga kaklase ko na ang Sikat na Child of the Owner ng University namin ay nakikita ko araw araw dahil sa mga magulang namin.

Pero wala pa kaming ideya ni Wiz na ikakasal na pala kami kaya palagi kaming pinagsasama ng mga magulang namin.

Unang pagkikita namin ni Wiz ay na Love at first sight ako. halos yata ng mga babae ay magiging ganoon dahil napaka Gwapo n'ya! Kahit hindi ka n'ya pansinin ay parang may mag-uudyok pa rin sayo na magpapansin kahit hindi n'ya nakikita miski sa Gilid ng mga mata n'ya.

Ang sarap sa Feeling no'n sa akin dahil First time ko magkagusto sa lalaki. At s'ya ang unang nagustuhan ko.

(つ≧▽≦)つ

Ang tingin ko sa sarili ko sa Relasyon nila ni Claire ay isa akong Malaking Sagabal, Udlot at PAEPAL sa Pagmamahalan nila. Pero wala rin akong magawa.

(っ˘̩╭╮˘̩)っ

Ako na mismo ang Nagmaka-awa sa Daddy ni Wiz at kay Papa dahil sila ang magkaibigan at nag Desisyon na Ikasal kami ni Wiz. Gusto kong itigil nila ang plano nila dahil natatakot ako kay Wiz. Kapag kinasal kami ay baka Saktan n'ya ako at ako ang Pagbuntungan ng mga galit n'ya.

Lalo akong kinabahan noong nalaman kong naghiwalay si Claire at si Wiz. Hindi ko alam ang dahilan. Isa lang naman ang dahilan eh. Dahil sa akin. Dahil sa kasal.

Mr. Masungit Meets Mrs. ManyakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon