Chapter 8

21.2K 254 1
                                    

   
   
WENDELL’s POV
    

Napapabuntong-hininga na lang ako habang natingin kay Kelly na nakayuko at mukhang malalim ang iniisip. Kinukutkot n’ya pa ang daliri n'ya at nakikita ko ang panginginig ng mga kamay n’ya.

What’s happening to her?

Masyado ba s’yang nasaktan sa mga tanong ko kaya gan’yan s’ya?

Hindi na ulit ako nagsalita. Alam ko namang nasasaktan s'ya sa mga tinatanong ko dahil nababasa ko iyon sa bawat Expression ng mukha n’ya.

Nag-isip ulit ako ng sasabihin para mabasag ang katahimikan naming dalawa.

"Kelly." Nakangiting tawag ko sa kan’ya. Nag-angat s’ya ng tingin sa akin at kitang kita ko sa mata n'ya ang Sobrang lungkot. “Gusto mo bang pumunta sa kung saan? Like Gumala, mag mall, Manood ng Movie or kung saan mo gustong pumunta?” Tanong ko at nabigla naman s'ya. “Yung bahay n’yo...” Tumingala pa ako para tignan ang bahay nila ni Wiz. “Masyadong malaki, kaya ka siguro nalulungkot?”

Actually, kanina ko pa napapansing hindi s’ya komportable sa'kin. Hindi naman kami masyadong Close ni Kelly dahil si Wiz talaga ang kaibigan ko simula noong mga bata palang kami pero nakakaramdam ako ng Awa para sa kan’ya.

“H-Hindi..” Nag-iwas s’ya ng tingin. “Sanay na ako dito sa bahay at hindi naman ako mahilig umalis.” pilit ang ngiting sabi n’ya habang nakatingin sa baba. “B-Baka magalit si Wiz kapag umalis nanaman ako.”

"Tss. May pakielam pala ang isang 'yon?" Sabi ko at nabigla naman s'ya. “S-Sorry, but I'm just telling the truth.”

Bakit naman magagalit si Wiz? Akala ko ba ay ganoon pa rin ang Relasyon nila? Don’t tell me? marunong ng magalit si Wiz sa mga bagay na pang Couple. psh!

“Meron o wala man s’yang pakielam sa akin. Hindi pa rin ako aalis dito, hindi naman ako mahilig Gumala.” May bahid na inis na Sabi n’ya.

"O-Okay, S-Sorry." Napapahiyang sabi ko.

Hindi na ulit ako nagsalita dahil mukhang hindi n’ya nagustuhan ang huling sinabi ko. Maya maya lang ay dumating na si manang.

"Oh, Para sa gwapong Bisita." Nakangiting sabi ni manang, Nginitian ko nalang s’ya.

Inilapag n’ya ang tatlong Orange Juice at tatlong Chocolate Slice Cake sa mesa. Umayos s’ya ng tayo at tumingin sa akin. “Tatawagin ko lang si Wiz.” Nakangiting sabi n'ya at umalis na.

Tumingin ako kay Kelly na nakangiti na sa akin. Ngumiti rin ako sa kan’ya at tumango.

“Kain na tayo.” Nakangiting alok n’ya pero hindi ko s’ya sinagot.

Tinitignan ko ang bawat galaw n’ya. Kung paano n’ya hiwain ang Cake gamit ang Knife at kung paano n’ya iyon kainin gamit ang fork.

"Saan ka nga pala papunta noong nakita kita paglabas ng bahay n’yo?” Nakangiting tanong ko.

Sumubo pa muna s'ya ng hinawa n’yang cake bago  n'ya iyon nginuya.

Cute.

Inubos n'ya muna sa bibig n’ya ang kinakain n’ya bago s’ya nagsalita.

"Mag s-swimming sana hehe."

"Talaga? Naistorbo ba kita?” Pigil ang ngiting tanong ko. Mabilis s’yang umiling.

Mr. Masungit Meets Mrs. ManyakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon