WIZ's POV
Nagbabasa ako ng libro sa sala ng lumapit sa akin si manang. hindi ko s'ya tinignan pero nakikita ko s'ya sa gilid ng mata ko.
"Oh Hijo, Itinimpla na kita ng kalamsi Juice, Inumin mo ito." Inilagay n'ya 'yon sa glass table na nasa harap ko. “Kamusta ang Pakiramdam mo? magaling kana ba?”
"Medyo." Walang Ganang sabi ko.
"Aba't anong oras na't wala pa rin si kelly. Saan kaya pumunta ang isang 'yon." Tila tinatanong ang sariling sabi n'ya. bakas ang pag-aalala sa tono ng boses n'ya. Bumuntong hininga ako at nagpanggap na walang pakielam.
Hindi mahilig si kelly na pumunta ng mall ng s'ya lang mag-isa. Pangalawa ay nasa Cavite ang mga magulang n'ya at imposibleng pumunta s'ya doon dahil hindi s'ya marunong bumyahe mag-isa. Pangatlo, wala s'yang kaibigan na pupuntahan n'ya anytime. Pang Apat, Ano bang pakielam ko sa kan'ya diba?
Hanggang ngayon ay nagtataka pa rin ako. Bakit ba nagbitiw s'ya ng Ganoong Salita? Kilala n'ya ang Ex ko dahil Pinakilala ko s'ya sa Parents ko bago ang Kasal namin ni Kelly. Baka sakali kasing may magbago sa plano nilang pagpapakasal sa akin kay Kelly kaya pinakilala ko si Claire, pero nagkakamali ako. Lalo ko pa pala silang nabigyan ng dahilan para ikasal ako sa kan'ya!
Naramdaman kong Wala na si Manang sa tabi ko kaya napatingin ako sa Main door. Halos dalawang Oras na s'yang Wala. Wala akong Ideya kung nasaan s'ya dahil hindi ko naman alam kung saan s'ya pumupunta. Hindi naman s'ya pala-kaibigan.
“Ano bang pakielam ko!?” Inis na sabi ko sa sarili.
Inis kong ibinalik ang tingin ko sa libro. pero parang wala akong maintindihan sa binabasa ko! I took a deep breath at sinikap kong ituon nalang sa libro ang aking atensyon.
Ano bang nangyayari sa akin? tss.
Hindi naman ako ganito dati. kapag umaalis s'ya ay wala akong pakielam kung uuwi pa s'ya o hindi na. Ipinapanalangin ko pa nga dati na hindi na s'ya umuwi dahil matutuwa ako kapag nangyari 'yon. Gusto kong mapagod s'ya sa akin at s'ya na mismo ang kusang makipag hiwalay.
Pero ano 'tong nararamdaman ko ngayon? Alam kong iba na 'to! alam kong bago ito.
-,-
Hindi ko na napansin ang mga oras na lumilipas. may kung ano sa akin na maghintay. Pero sino at ano bang hinihintay ko diba?!
Sinarado ko ang Libro at humugot ng malalim na hininga.
"Hello Hubby!" Nagsimulang bumilis ang Kabog ng dibdib ko!!
F*ck this feeling, i hate this!!
-,-
( ̄ヘ ̄;)
Napapalunok pa ako dahil biglang bumilis ang takbo ng puso ko at para bang gusto na iyong kumawala sa loob ng dibdib ko!
Bakit ba sa t'wing tatawagin n'ya akong gan'yan at darating s'ya ng hindi ko Inaasahan ay parang biglang tatalon ang nasa loob ng dibdib ko?
kabaklaan! Siguro ay mabilis lang talaga akong magulat!
Oo! ganoon nga 'yun, Wiz! Walang meaning 'yan! tss!
Tumingin ako sa kan'ya. Pinakita kong wala akong pakielam sa Presensya n’ya.
"Where have you been?" Salubong ang Kilay na tanong ko. Nagkunwaring wala akong pakielam pero umupo s'ya sa tabi ko na para bang Wala s'yang narinig! "F*ck! I said, Where have you been, kelly!?" Hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Kung kumilos kasi s'ya ngayon ay parang ilang minuto lang s'yang nawala!
BINABASA MO ANG
Mr. Masungit Meets Mrs. Manyak
RomanceUNDER CONSTRUCTION || EDITED Story Published: October,1 2018