KELLY's POV
Sa totoo n'yan, wala talaga akong balak sumama kay Wendell. Kaso no'ng sinabi ni Wiz na wala s'yang pakielam sa akin ay doon lang ako sumama.
Ang bigat sa dibdib kapag sinasabi n'ya 'yon.
Wala talaga s'yang pakielam sa nararamdaman ko.
Nilibre ako ni Wendell sa Restaurant na nasa loob ng Mall at Gumala rin kami. Akala ko nga ay uuwi na kami pagkatapos pero nagkamali ako.
Napatingin pa ako kay Wendell dahil nilampasan n'ya ang Subdivision namin.
"S-Saan tayo pupunta?" Hindi ko pinahalata sa kan'ya ang pagkabalisa ko. ngumiti s'ya pero ang mga tingin n'ya ay nasa dinadaanan namin.
Mabait naman si Wendell kahit kaunting oras pa lang kaming nagsasama. Pakiramdam ko ay nakilala ko na agad ang totoo n'yang Ugali. Mabait s'ya at Gentleman. Palangiti rin s'ya at Mahinahon kung magsalita kaya hindi s'ya nakakailang kausapin.
"Pupunta tayo sa lugar kung saan ako palagi napunta kapag nakakaramdam ako ng lungkot at problema." Matamis ang ngiting sumilay s'ya sa akin.
Pilit akong ngumiti at tumingin nalang sa labas.
hindi man lang nabawasan ng kahit kaunti ang lungkot ko.
(╥﹏╥)
"We're here, kelly." Hindi ko napansin na tumigil na pala ang sasakyan.
Pinatay muna ni Wendell ang makina at tsaka tinanggal ang Seatbelt n'ya. Inalis ko na rin ang Seatbelt ko.
"I am sure na magustuhan mo 'to." Nakangiting sabi n'ya sa akin at tsaka s'ya lumabas ng Sasakyan. Sinundan ko lang s'ya ng tingin ng umikot ito at lumapit sa Pintuan ng Passenger Seat. Pinagbuksan n'ya ako ng sasakyan. "Let's Go?" Iniabot n'ya pa ang palad n'ya sa akin.
Nginitian ko muna s'ya at inabot iyon. Inalalayan n'ya akong Lumabas ng sasakyan n'ya.
Ang boba ko. Hinihiling ko na si Wiz ang gumagawa nito sa akin? baliw na talaga ako.
Hindi binitawan ni Wendell ang kamay ko habang naglalakad kami. Hinayaan kong gawin n'ya 'yon dahil para sa akin ay naging kaibigan ko na rin s'ya.
Sa lahat ng ginawa n'ya sa akin ngayon araw, hindi ko pa ba matatawag na isang kaibigan 'yon? Masyado s'yang naging mabait sa akin pero hindi ko alam ang dahilan n'ya kung bakit n'ya ito ginagawa.
Nakaramdam ako ng malamig na hangin na yumakap sa katawan ko kaya nag angat ako ng tingin sa Harapan ko.
Napaawang ang labi ko ng makita ko ang Napaka Gandang dagat na nasa harapan namin ngayon ni Wendell.
Hindi ko magawang magsalita. Sa sobrang tahimik ng lugar ay tanging ang Hangin at mga Alon sa dagat lang ang Naririnig.
Lalo iyong gumanda dahil sa palubog na araw at repleksyon ng araw sa tubig.
Parang gumanda at gumaan ang pakiramdam ko dahil sa nakita ko.
"This is my place." Narinig kong sabi ni Wendell sa gilid ko pero hindi ko s'ya tinignan. Alam kong nakangiti s'ya. "Noong bata ako, Dito ako napadpad. Pinangako ko pa nga sa sarili ko na bibilhin ko ang lugar na 'to dahil nakakapag pagaan s'ya ng nararamdaman ko." Masayang kwento n'ya habang malayo pa rin ang mga tingin n'ya.
Ang tagal ko ring hindi nakakita ng dagat simula noong nag-asawa ako. Simula kasi ng ikasal ako ay lagi nalang akong nasa bahay.
"Kamusta ang pakiramdam mo, Kelly?" Tsaka ko lang s'ya nilingon. Nakangiti s'ya sa akin na para bang natuwa s'ya sa naging Reaksyon ko. "Gumaan na ba ang loob mo?"
BINABASA MO ANG
Mr. Masungit Meets Mrs. Manyak
RomanceUNDER CONSTRUCTION || EDITED Story Published: October,1 2018