Chapter 7

21.1K 264 6
                                    

KELLY's POV

Hindi ko alam kung anong pumasok sa Utak ko kung bakit hinila ko si hubby paakyat at ngayon ay nasa kwarto na kami.

Bakas sa mukha n'ya ang pagtataka pero hanggang ngayon ay hindi pa rin s'ya makapag salita.

Huminga ako ng malalim at pinakalma ang sarili ko. Napaka bilis kasi ng tibok ng puso at hindi ko iyon kapag pigilan.

Ano bang ginagawa ko? huhu.

Pero nandito na kami!

Tumingin ako sa kan'ya na daretso lang s'yang nakatingin sa mga mata ko. Pilit n'yang Binabasa ang nasa mata ko kaya iniiwas ko iyon.

"Hu..hubby." Kinakabahang tawag ko. Tumingin ako sa kan'ya pero hindi n'ya inaalis ang tingin n'ya sa akin. Lalong kumunot ang noo n'ya at nagsalubong ang dalawa n'yang kilay.

Tumikhim muna s'ya at inayos ang pagkakatayo n'ya. Inilagay n'ya ang dalawa n'yang kamay sa loob ng Bulsa n'ya at Seryosong tumingin sa akin.

"W-What does this mean?!" Kahit naguguluhan s'ya ay halata sa boses n'ya ang galit.

May bagay akong gustong Iparamdam sa kan'ya. Alam kong nakakahiya pero ewan ko kung bakit nadadala ako sa emosyon ko ngayon.

Ito na ba 'yung sinasabi nilang Desire kapag mahal mo talaga ang isang tao? kasi iyon ang nararamdaman ko ngayon.

Napakabilis ng tibok ng puso ko. Gustong gusto kong sabihin kay hubby kung gaano ko s'ya kamahal. Na ayokong mawala s'ya sa akin at

Mag-anak na kaming dalawa...

Napailing ako sa naisip ko.

Panay ang buntong hininga ko. Pakiramdam ko ay umurong ang dila ko at hindi ako makapag salita ngayon.

"Tititig ka nalang ba d'yan?" Bakas ang pagkainip sa boses ni Wiz. Seryoso pero bahid ang Inis sa kan'yang mukha habang nakatitig sa akin.

Lumunok muna ako at tumingin sa kung saan.

Ano ba kasing naisip ko at pumunta kami dito?!

Talagang sa kwarto pa namin ha?

Ano nalang ang iisipin n'ya?

"Ano ba, Kelly!" Lalo akong nataranta ng itinaas na n'ya ang boses n'ya.

"Gu..gu..g-gusto kita!" Kahit natataranta ay pilit ko iyong isinatambi. Dahan dahan akong tumingala para tignan s'ya.

Napatingin na ako sa kilay n'ya, sa pisngi n'ya, sa Ilong n'ya at Labi n'ya para 'wag lang magsalubong ang paningin namin.

"L-Lahat ng s-sayo... gu-gusto ko, Wiz." Naramdaman ko ang pangingilid ng mga luha ko. Lalong nagsalubong ang kilay n'ya pero hindi pa rin s'ya nagsalita. "K-Kahit.." Bumuga ako ng hangin sa bunganga para mabawasan ang kabang pilit na nilalamon ako. Pero this time, tumingin na ako sa mga mata n'ya. Pilit kong nilaban ang tingin n'ya kahit hinang hina na ako. "Kahit ako ang masaktan sa huli, Wiz."

"Ano bang sinasabi mo?!" Inis at takang tanong n'ya. Yumuko ako at Pumikit.

Ano nga bang ibig kong sabihin?

Alam kong naguguluhan s'ya ngayon pero bakit ko nga ba s'ya dinala dito?

Dahan dahan akong Nagmulat ng mata at tumingin sa kan'ya.

Hinawakan ko ang magkabilaang pisngi n'ya at Nakita ko ang Sunod sunod n'yang paglunok at ang pagtaas-baba ng Adams Apple n'ya.

Pinilit kong 'wag manginig ang kamay ko pero bigo ako. Nanginginig 'yon pero hindi ko na iyon pinansin pa.

Mr. Masungit Meets Mrs. ManyakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon