Chapter 12

21.3K 267 7
                                    

     
   
WIZ's POV
    

Hindi ko mapigilan ang bilis ng tibok ng Puso ko.

-,-

Kahit ayoko ay hindi ko iyon mapigilan. Napaka bilis no'n at nararamdaman ko pa ang ulo ni kelly na nakasiksik sa akin kaya lalong nagwawala ang puso ko.

Anytime ay pwede na itong kumawala sa hawla at magtatatalon talon sa sahig.

“Masaya akong ikaw ang binigay ng D’yos sa akin, h-hubby. Mananatili ako sa tabi mo hanggang sa kaya ko. Hindi kita iiwan, mahal na mahal kita.”

Nagulat ako sa sinabi n’ya pero hindi ko ‘yon pinahalata. kahit pagmulat ng mata ay ayokong gawin. Baka kung ano nanamang masabi ko sa kan’ya at baka kung ano nanaman ang pumasok sa  isip n’ya.

Pero sa isip ko ay sana totoo ang mga sinabi n’ya.

Naamoy ko pa ang buhok n’yang amoy baby shampoo at nararamdaman ko pa ang balat n’yang malamig. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti.

-,-

Pero mabilis ko ‘yong tinanggal.

Halos ilang taon na kaming nagsasama ni Kelly sa iisang bahay at kwarto pero ngayon lang namin nagagawa ang mga ganitong bagay.

Dahil may feelings na ba ang isa sa amin?

Nagulat ako ng bigla n'yang siilin ng halik ang labi ko!

>,<

Sa gulat ay naimulat ko ang mga mata ko. Agad na tumama sa paningin ko ang mga mata n’yang nakapikit habang Hinahalikan n’ya ako.

Aba, namimihasa s’ya ha! Porket hindi ako makagalaw 

-,-

Napaka bilis ng kabang naramdaman ko. Hindi ko alam at masama mang pag kumparahin, ibang iba ang halik ni Kelly sa akin keaysa kay Claire. Damang dama ko kung gaano ako kamahal ni Kelly. Ramdan na ramdam ko ang bawat pagsiil n’ya sa mga labi ko at iba ang epekto no'n sa akin!

hindi ko masisisi ang sarili ko, kapag nawala ako sa katinuan dahil sa ginagawa mo, kelly!

Pilit n'yang inaabot ang dila ko ang gamit ang dila n’ya. Kaya hindi ko mapigilan ang namumuong saya sa dibdib ko.

Iba magmahal ang Isang 'to!

Hindi ko na mapigilan ang sarili kong labi. Naramdaman ko ang sarili kong hinahalikan na rin s’ya. Naramdaman ko pang nagulat s’ya sa ginawa kong pagtugon dahil naiangat n’ya pa ang dalawa n’yang balikat. Hindi ko na ‘yon pinansin pa at pinagpatuloy ko nalang ang ginagawa ko.

Hindi ko alam ang nararamdaman ko ngayon. Naguguluhan ako. Pero hindi ko maitatangging nagugustuhan ko ang nagyayari sa amin ni Kelly.

Pakiramdam ko ay ito ang pambawi n’ya sa buong araw na init ng ulo ko sa kan’ya. Pakiramdam ko ay nawala lahat ng inis ko simula kaninang umaga dahil sa ginagawa n’ya sa akin ngayon.

Lalong lumalim ang halik naming dalawa ng hawakan ko ang pisngi n’ya.

Hindi ko mapigilan ang sarili kong ipakita sa kan’ya kung gaano ako nasasabik halikan ang labi n’ya kapag ngumunguso s’ya sa harapan ko minsan.

Naawang ang labi ko ng dahan dahan n’yang ilayo ang labi n’ya sa akin. Napalunok ako at dahan dahang nagmulat.

"H-Hubby." Nakikita ko ngayon ang pagkagulat sa mga mata n’ya. Nag-iwas ako ng tingin dahil nakaramdam ako ng hiya. Pakiramdam ko ay natutunaw ang puso ko. “Mahal kita.”

Mr. Masungit Meets Mrs. ManyakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon