Chapter 10

20.7K 235 10
                                    

   
   
WIZ’S POV

PAGKABUKAS ko ng Shower ay tinuon ko ang dalawa kong kamay sa pader. Yumuko ako at hinayaang dumaloy ang tubig sa buo kong katawan.

Nababadtrip pa rin ako. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakauwi si Kelly.

Ano bang pinag gagawa nila? Bakit ang tagal? Saan sila pumunta?

Ramdam ko ang pangungunot ng noo ko at pagsasalubong ng dalawa kong kilay. Tinapos ko na ang pagligo ko at lumabas na ng banyo.

Napabuntong hininga ako ng masilayan ko ang bintana. Magdidilim na pero wala pa rin sila.

Sabi ko ay wala akong pakielam. bakit simula no'ng umalis sila ay hind nai ako mapakali?

Pumasok ako sa Walk-in Closet at doon nagbihis. Tinignan ko pa ang sarili ko sa Whole body mirror tsaka ako lumabas.

Umupo ako sa gilid ng kama at inis na sinabunutan ko ang buhok ko gamit ang dalawa kong kamay.

bakit ba ako nakakaramdam ng ganito ngayon? Wala naman akong pakielam dati. Pero parang bigdeal na sa akin ang pag alis ni kelly?

tss. siguro ay wala lang talaga akong tiwala kay Wendell dahil babaero s’ya.

~* Phone Ringing *~

I took a deep breath bago naglakad papunta sa side table.
      
~ Mommy's Calling ~

Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng disappointed ng malaman kong si mommy ang tumatawag.

Huminga muna ako ng malalim bago ko kinuha ang Cellphone ko at sinagot ‘yon.

“Hello, Mom?” Pinilit kong ‘wag iparamdam sa kan’ya ang inis na nararamdaman ko.

“Hellooooo Sonnnn!” Masayang bungad n’ya. “I miss you, alam mo ba ‘yon ha? Why did you take so long to answer my call?”

“S-Sorry, mom. Kagagaling ko lang sa sakit kaninang umaga.” Malumanay kong sagot.

“Mabuti naman kung okay kana, Son.” Bakas ang saya sa boses ni mommy. “How’s kelly? Where is she?”

Lalo akong na badtrip sa tanong n’ya.

“Look, Mom. Kung s’ya ang dahilan kung bakit kayo tumawag, bakit sa akin kayo tumatawag ngayon?” Inis na tanong ko.

‘wag mong hanapin sa akin ang babaeng nakikipag date sa ibang lalaki. tss.

“Bakit ang sungit mo, Son? tinatanong lang naman kita ih.” Malungkot n’yang sabi. bumuntong hininga ako.

“M-Mom, Hindi ko alam kung nasaan s’ya dahil wala naman akong Pakie—”

“Wala kang pakielam? Wala kang alam? Wala kabang magandang isasagot sa akin? Palagi nalang ‘yan ang sinasagot mo kapag tinatanong kita! Nasaan ba s'ya? bakit hindi mo alam? Paano kami magkaka apo kung gan’yan ka sa kan’ya ha?!”

"M-Mom! Ano ba 'yang p-pinagsasabi n'yo?!” Inis na bulyaw ko.

"Tapos pati ako sinisigawan mo na huhuhu." Kunyaring umiiyak na sabi n’ya.

“M-Mom, h-hindi po okay? Badtrip lang po talaga ako nga—”

“Sige na. Pasensya na kung naistorbo kita. Pati ako ay nadadamay sa init ng ulo mo. Bye.”

Mr. Masungit Meets Mrs. ManyakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon