Chapter 21: Girls Night Out

245 4 0
                                    

Hating-gabi na ay gising na gising pa ang lahat sa HQ. Palakad-lakad si Redj habang nasa tenga ang cellphone.

Magdamag na nyang tinatawagan si Rinoa pero hindi ito sumasagot. Nang puntahan nya ito sa bahay ay wala ito doon. Nagpunta na rin sila sa DL pero wala din doon si Keisha.

Ang sabi ni Euri nang tawagan nila ito ay umuwi lang daw si Reiko para magpalit ng damit. Agad din itong umalis nang walang pasabi. Kahit si Eutrist ay hindi rin alam kung nasaan ang amo.

"Ano, Ametheist, umuwi na ba sya?" tanong ni Redj sa assistant ni Rinoa na kausap nya sa cellphone.

"Wala pa rin po, Sir Redj" sagot ni Ametheist.

"Okay, balitaan mo ako agad pag umuwi o tumawag na sya"

Matapos makipag-usap sa assistant ni Rinoa ay hinarap naman ni Redj sina Maycko.

"Anong sabi ni Ivory?"

"Hindi daw umuwi doon si Keish" sagot ni Maycko .

"Saan kaya nagpunta sina unnie?" malungkot na tanong ni AnJaeng sa sarili.

"May mga GPS ang cellphones nila di ba?" paniniyak ni Meyn "Baka pwede nating i-locate"

"Sige, buhayin mo si Darius at ipahanap mo sila sa kanya" pambabara ni Maycko sa kapatid.

"Hindi nyo ba alam paganahin ang tracker device?" tanong ni Eros.

"Hindi pinapahawakan ni Darius ang laptop nya sa kahit sino sa amin" sagot ni Fince.

"Naka-usap mo na ba si Zi?" tanong ni Griff kay Merwin "Baka alam nya kung nasaan si Rei"

"Galit yun sakin kaya hindi nya saagutin ang tawag ko" sagot ni Merwin "Kahit si Ryu-ge hindi rin nasagot"

"Tinawagan ko kanina si Ryu-oppa kaso assistant nya lang sumagot" imporma ni AnJaeng.

Napa-isip naman sila kung paano makikita ang mga babae.

.

.

.

.

.

.

.

Samantala, magkakasama naman ang tatlo. Naroon sila sa bar na pagmamay-ari ng kambal na Mikami. Tahimik ang ambiance ng bar. Hindi iyon katulad ng iba na may malakas na music at mga nagsasayawan. Sophisticated ang design at theme ng bar. Halatang mga socialites ang parokyano. Mga mayayamang naghahanap ng katahimikan matapos ang buong araw na pagpapayaman ang majority customers nila.

Naka-upo lang sila sa bar area habang umiinom. Si Sakon ang bartender ng gabing iyon habang ang kakambal nitong si Ukon ang waiter.

"Anong masamang hangin ang nagdala sa inyo dito?" tanong ni Sakon.

"Mind your own business, Sakon" mataray na sagot ni Keisha.

"That's what I'm doing here" pambabara naman ni Sakon habang nagpupunas ng baso.

"You know what, hindi bagay sa image nyo ang business nyo" komento ni Reiko.

"You're right" sang-ayon naman ni Rinoa "When you said we're going to Mikami's Bar, I was expecting na mausok at maingay dito"

"Looks can be decieving" nasabi na lang ni Sakon.

Maya-maya pa ay may tatlong lalaki ang lumapit at umakbay sa kanila. Hindi naman nila inalis ang mga kamay ng mga ito. Kahit si Sakon ay napangisi lang.

"Hindi nyo yata kasama ang leader nyo?" puna ni Reiko.

"May date" tipid na sagot ng lalaking naka-akbay sa kanya na si Yuta.

We Are UnderCovers - ZoomUniversity Book2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon