Chapter 36: Gifts of Love

285 6 1
                                    

Linggo ng umaga ay nasa tapat ng isang maliit na bahay si Jazz. Kabababa lang nya mula sa Ford Everest nya at naiiling na sinusuri ang labas ng bahay.

"Nakakaloka talaga itey" bulong ni Jazz sa sarili. Napansin nyang pinagtitinginan na sya ng mga kapitbahay kaya naglakad na sya papunta sa pinto ng bahay.

Pagkatok nya ay isang binatilyo ang nagbukas ng pinto. Sa tantya nya ay nasa katorse lang ito.

"Ano pong kailangan nila?" tanong ng binatilyo.

"Nandyan ba si Maricris?"

"Tulog pa po eh. Sino po ba kayo?"

"Kaibigan nya ko. May importante lang akong kailangan sa kanya. Pwede bang tumuloy?"

"Ah sige po"

Pinapasok na si Jazz sa loob ng bahay. Tumambad sa kanya ang kabuuan ng bahay. Iisa ang sala at dining area. Wala ring division ang kitchen. Sa isang sulok ay may maliit na pinto na sa hula nya ay banyo. sa kabilang bahagi naman ay dalawang pinto na sa tingin nya ay kwarto.

"Sinong bisita natin?" tanong ng may edad nang babae. "Maupo ka hijo"

Naupo naman si Jazz sa isang silya sa dining.

"Kayo po ba ang mother ni Maricris?" balik tanong ni Jazz.

"Ako nga, isa ka ba sa pinagkaka-utangan ng anak ko?" tanong pa ng ginang sabay upo sa harap ni Jazz. "Pasensya ka na at wala pa kaming maibabayad sayo ngayon. Hindi pa kasi sumasahod ang asawa ko"

Hinaianan naman ng binatilyo ng kape si Jazz at saka naupo rin sa silyang katabi ng ina nito.

"Kuya, kung pwede sana wag mo muna singilin si ate."

"Hindi po ako nagpunta dito para maningil" sagot ni Jazz "Susunduin ko lang po sya kasi may lakad kami"

"Ganoon ba. Eh saan ba ang punta nyo?"

"Ah eh, pinasundo lang po kasi sya sa akin"


Noon naman bumukas ang isa sa mga pinto ng kwarto at lumabas si Maricris.


"Anong ginagawa mo dito?" gulat na bulalas ni Maricris nang makita si Jazz.

"Ay te, kaloka ka. Baka gusto mong maghilamos muna bago ka mag-hysterical dyan."

Napatakbo naman si Maricris sa banyo para maghilamos. Napansin ni Jazz na nakatitig sa kanya ang mag-ina.

"Hijo, wag mo sanang mamasamain pero, bakla ka ba?" alinlangang tanong ng ginang.

"Ay yes po, mother. Since birth po"

Napatango na lang ang ginang. Maya-maya pa ay lumabas na si Maricris at naupo sa silyang walang katabi.


"Bakit ka ba nandito?" seryosong tanong ni Maricris.

"Nalimutan mo na ba? May usapan kayo ni Noa ngayon"

"Sinong Noa?"

"Yung nagbigay sayo ng calling card"

"Ano bang kailangan nyo sakin?"

"Mabuti pa magbihis ka na at sa kanila mo na lang itanong"

"Ayoko nga, baka kung saan mo ko dalhin no"

"Nakakaloka talaga tong bilat na to" bulong ni Jazz sabay lapag ng isang black folder sa harap ni Maricris.

"Ano naman to?"

We Are UnderCovers - ZoomUniversity Book2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon