Chapter 24: Meyn's Girl!

266 5 0
                                    

Nasa kalagitnaan sila ng pag-uusap tungkol sa pagharap sa presidente nang mag-ring ang phone ni Maycko.

"Oh Meyn, problem?" bungad na tanong ni Maycko pagsagot sa tawag ng kapatid.

"I have a date tonight kaya hindi ako makaka-uwi ng mga 3 days" sagot ni Meyn.

"Ngayong gabi yung date mo pero 3 days kang mawawala?" bulalas na tanong ni Maycko.

"Yeah, gusto daw kasi ni Ruan mag-beach. Pahiram narin ng presidential suite mo"

"Which resort?"

"Tol, isa lang naman ang Beach Resort na sole property mo. Sige na, see you guys in 3 days".

Hindi na naka-sagot si Maycko dahil pinatayan na sya ng phone ni Meyn.

"Mukang tinamaan yata yang si Meyn dun sa babae nya ah" puna ni Fince.

"3 days sa beach resort nyo?" paniniyak pa ni Rinoa "Mukang malapit ka nang magka-pamangkin"

"Wlanghiya nga yun eh" reklamo naman ni Maycko "Sa pres. suite ko pa"

"Sa ArcResort!?" halos pasigaw na bulalas ni Reiko.

Noon lang naisip ni Maycko ang sinabi ng kapatid nya na isa lang ang sole property nya na beach resort.

"Anong meron sa resort ni Ayc-ge at gulat na gulat ka, jiejie?" tanong ni DaoZi.

"It's a very nice resort, xiaodi" sagot ni Reiko "One of the most famous resorts in Maldives"

"Maldives, as in The Republic of Maldives?" hindi makapaniwalang bulalas ni Keisha. "That's in india right?"

"Nope, it's an independent nation" sagot naman ni Ryusaki.

"Hey love" tawag ni Reiko kay Maycko "May date sina Griff, Meyn at Win-ge, ako ba hindi mo yayayain mag-date?"

Sinabayan pa ni Reiko ng puppy eyes at pouty lips and pagsasabi kay Maycko.

"Tayo na lang mag-date, jiejie" sabat naman ni DaoZi.

"Back off Zi, ako gustong kasama eh" saway naman ni Maycko sabay baling kay Reiko "Let's go, love"

Walang paalam na umalis ang dalawa. Naiiling na lang ang mga naiwan.

"Tara bebe" yaya naman ni Rinoa "Labas din tayo"

"First time mo magyaya, bebe" eksaherado namang puna ni Redj.

"Ayaw mo di wag!"

"Tara na nga di ba, ikaw lang hinihintay ko eh"

Holding hands pang umalis sina Rinoa at Redj.

Nagkatinginan naman sina Eros at AnJaeng at sabay pang napangiti sa isa't isa. Walang salitang tumayo ang mga ito at saka umalis.

"Ang daya!" sigaw ni Keisha.

"Gusto mong gumala, Ryu-ge?" yaya ni DaoZi.

"Hindi kita type, Zi" birong sagot naman ni Ryusaki.

"Yah! Wo shi nanren!(I'm a man)"

"Xishuo(kidding)" natatawang wika ni Ryusaki sabay tayo mula sa pwesto nya "Let's go"

"Hoy, iiwan nyo kami dito?" pigil naman ni Fince

"Eh di mag-date din kayo ni Keish-jie" sagot ni DaoZi sabay takbo palabas.

Nagka-tinginan na lang ang dalawang naiwan.

"Ah, mo i!" iritadong saad ni Keisha saka umalis na rin at iniwan si Fince kaya naman nagpasya ang binata na mag-gala na rin.

We Are UnderCovers - ZoomUniversity Book2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon