Chapter 20: Conflict

272 4 0
                                    

Lunes na lunes ng umaga ay nakabusangot si DaoZi. Mag-isa syang naglalakad sa hallway patungo sa classroom nya. Lahat ng makasalubong nyang bumabati sa kanya ay hindi nya pinapansin. Kunot-noong nilalampasan nya lahat ng bumabati sa kanya.

Pagdating sa classrom ay agad syang umupo sa pwesto nya. Ni hindi man lang nya binati ang prof na nagsisimula na ng lecture.

"You're late, Mr. Guo" puna ng prof.

"I know sir" inis na sagot ni DaoZi "So what?"

"Young man, I know you are one of the owners of this school but, it's not right to talk back to your professor like that" sermon ng guro.

"Haishi zuo ni de gongzuo!(just do your job)" singhal naman ni DaoZi.

Imbes na sumagot ay kinuha ng prof ang cellphone at tila may tine-text ito.

"I can't speak chinese so I called a translator" wika ng guro pagkatago ng cellphone nya "Para naman magka-intindihan tayo"

"Ni zen fanren(you're really annoying)" bulong pa ni DaoZi.

Maya-maya pa ay biglang pumasok si Reiko nang hindi man lang kumakatok.

"Jiejie!" bulalas ni DaoZi "Bakit ka nandito?"

"Miss Goong is known as ZU's communication ambassadress since she can convey in korean, japanese and ofcourse, chinese" saad ng prof "Tutulungan nya akong ipa-intindi sayo ang tamang pag-galang sa mga mas matanda sayo"

"Marunong akong gumalang" singhal ni DaoZi "Sa mga taong kagalang-galang"

"Zuguole, DaoZi" sita naman ni Reiko kaya biglang natahimik si DaoZi at napayuko.

"Duibuqi(sorry)" bulong ni DaoZi.

"Sorry abot this, Sir" hinging-paumanhin naman ni Reiko sa guro "Can I take DaoZi with me?"

"Sure, Miss Goong. I think Mr. Guo is just having a bad day" naka-ngiting sagot naman ng guro "Hindi naman sya laging ganyan"

Tumango na lang si Reiko at saka lumabas kasama si DaoZi

"What's wrong, Xiaodi?" kalmadong tanong ni Reiko habang naglalakad sila patungo sa canteen.

"It's Win-ge" parang batang sumbong ni DaoZi "He was up all night talking to that XiaWei"

"So? Maybe they were just catching up with each other. Matagal silang hindi nagkita di ba?"

"Pero hindi na nga sila dapat nag-uusap"

"Bakit ba kasi? Dahil ba mag-ex na sila?"

"They were supposed to be engaged na. Kaso nag-back out yung parents ni XiaWei"

"Jie" pagtatama ni Reiko "XiaWei-jie ang dapat tawag mo sa kanya, di ba?"

"Ikaw lang ang jiejie ko" maktol pa ni DaoZi "Saka sina Keish-jie at Noa-jie. Pero ikaw ang pinka-love ko"

Natawa naman si Reiko. Gustong-gusto nya talaga kapag nagiging isip-bata ito.

"Ituloy mo na yung kwento mo"

"Ah, oo nga pala. Win-ge and that XiaWei is was engaged to be married na kaso nga nalaman ng parents ni XiaWei na half-chinese lang si Win-ge, eh gusto kasi nilang mapangasawa ng anak nila eh full blooded chinese. Kaya nilayo nila yung anak nila kay Win-ge. Sa sobrang lungkot ni Win-ge, nag-tangka syang mag-suicide. Nag-overdose sya ng gamot. Good thing, Ryu-ge saw him at alam nya kung ano yung nilaklak ni Win-ge kaya naka-hanap agad sya ng paraan para makontra yung gamot. After that, naging super cold na ni Win-ge. Hindi na sya madalas magsalita saka ayaw na rin nya lumabas ng bahay"

We Are UnderCovers - ZoomUniversity Book2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon