Chapter 35: Fince's Cashier Girl

271 6 0
                                    

Tila mga espiyang naka-sunod lang ang magkakaibigan kay Fince. Nakita nilang pumasok ito sa convinient store at bumili ng siopao.

"Siopao?" takang usal ni Griff "Kailan pa sya nahilig sa siopao?"

"Teka, mukang hindi pa kilala nung MC si Fince ah" puna ni Reiko.

"MC?" baling ni Maycko sa dalaga.

"Maricris"

"Ang playboy natin mukang natorpe na" biro ni Meyn.


Matamang nanonood lang sila nang mapansing may limang lalaki ang pumasok sa store at mukang si Fince talaga ang pakay nila.


"Those were the guys who attacked Fince last time" imporma ni Ryusaki. "Members of a fraternity"

"Bakit ba mga lapitin ng gulo ang mga nagugustuhan nyo?" tanong ni Reiko sabay baling kay Meyn.

"Oh, ako nanaman nakita mo" kontra naman ng binata.

"True naman kaya" sang-ayon naman ni Jazz kay Reiko "Si Yuki lang yata ang relax eh"

"Buti pa ko" pagmamalaki pa ni Rinoa.

"Ikaw kasi may dala ng gulo" pambabara naman ni Keisha.

"Aish, joyonghi(be quiet)" saway ni AnJaeng sabay turo sa loob ng store "Mukang kailangan na ni Fince-oppa ng back-up."


Nang ituon nila muli ang pansin kay Fince ay nakita nilang pinalilibutan na ito ng mga lalaki. Mukang nakikipag-negosasyon pa ang binata at tila pinakikiusapan ang mga ito na lumabas.


Walang salitang naglakad si Maycko papunta sa store kaya napasunod na lang ang iba.

Dumiretso ang mga babae sa counter kasama si Jazz habang sina DaoZi at Ryusaki naman ay tila mga ordinaryong customer na nagtitingin sa paligid. Naka-tayo lang si Merwin sa may pinto at nagbasa ng magazine.

Nilapitan nina Maycko, Meyn, Redj at Griff si Fince.


"Hey Fince, new friends mo?" balewalang tanong ni Maycko sabay baling sa mga lalaking naka-palibot kay Fince.

"Mga fans ko" birong sagot naman ni Fince

"Hoy, kung ayaw nyong madamay, wag kayong makialam dito" sita ng isang lalaki.

"Pre relax ka lang" pang-aasar pa ni Meyn "Kung gusto mo, sa labas na lang nating pag-usapan to"

"Kayo ang lumabas. Wala kayong kinalaman dito"

"Kaibigan kasi namin yang hinihingan nyo ng autograph eh" katwiran pa ni Redj.

"Anong autograph?"

"Eto oh" wika ni Fince sabay sapak sa isang lalaki "Para yan sa pag-sira ng gwapo kong mukha nung nakaraan"


Gumanti naman ang isa kaya nagka-gulo na sa store.


"Hi Maricris" masiglang bati ni Reiko sa takot na cashier.

"Ah huh? paano mo nalaman ang pangalan ko?" halong pagtataka at takot na tanong ni MC.

"Ayan oh, nameplate" pamimilosopo ni Keisha sabay turo sa nameplate nya.

"Ah eh, sandali lang ah. Tatawag lang ako ng pulis"

"No need. Hayaan mo na sila dyan" aat ni Rinoa habang kumakain ng magnum.

"Oy san mo nakuha yan?" tanong ni Reiko.

We Are UnderCovers - ZoomUniversity Book2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon