Chapter 5: First Mission

339 4 5
                                    

Kinabukasan ay maagang nagising ang lahat dahil maaga ang mga klase nila.

Nauna pang umalis ang LC kay Eros. Iniwan nila ang Detective na nagkakape.

Sakay ng kani-kanilang mga sasakyan ang lahat nang pumasok sa ZU. Nagmistulang car show ang parking lot dahil sa magagarang sasakyan na pumarada doon.

"You go ahead guys" wika ni Keisha pagka-baba nila ng sasakyan "Dadaan muna ko sa LR"

"Samahan na kita, may kailangan din akong kunin dun eh" prisinta ni Reiko.

"Sama din ako" saad naman ni Rinoa.

"Ikaw AJ, di ka sasama sa kanila?" tanong ni Fince.

"Aniyo(no)" sagot ni AJ.

Nagtuloy na sa klase ang iba habang ang tatlong babae naman ay dumiretso sa LR.

"Anong kukunin mo, Rei" tanong ni Keisha pagkapasok nila sa LR.

"Wala, inaantok lang ako" sagot ni Reiko sabay hilata sa sofa.

"Ikaw Keish, ano bang gagawin mo dito?" tanong naman ni Rinoa.

"Wala, tinatamad akong pumasok eh" sagot ni Keisha sabay bukas ng laptop.

"Bwiset, kala ko pa naman may importante kayong gagawin dito"

Naupo na lang sa sofa si Rinoa at nagbasa ng magazine.

"Ne, Keish" tawag ni Reiko sa kaibigan "Samishii desho(nakaka-miss di ba)"

"Desho ne" sang-ayon ni Keisha.

"Ano nanaman yang pinag-uusapan nyo?" sabat na tanong ni Rinoa.

"Gusto nyo bang dalawin si Jazz?" wala sa topic na yaya ni Reiko.

Nagkatinginan lang sila at saka sabay-sabay na tumayo at lumabas ng LR.

.

.

.

.

.

.

"Kailan kaya sya magigising" napapaisip na tanong ni Keisha.

"Mukang nag-eenjoy sya sa panaginip nya eh" biro ni Rinoa.

"Baka nananaginip na may jowa sya" gatong pa ni Reiko.

Nakapalibot sila sa kamang hinihigaan ni Jazz. Nakakabit pa rin sa kanya ang minor life support. Medyo namayat na ito at maputla na rin.

"Gumising ka na dyan bakla!" biglang bulalas ni Rinoa "Bibigyan kita ng maraming fafa pag gumising ka"

Natawa na lang sila sa sinabi ni Rinoa.

.

.

.

.

Alas-cinco ng hapon nang umuwi sila. Wala pa si Eros kaya naman sinimulan na nila ang paghahanda para sa mission.

"Okay guys, here's the plan" simula ni Fince "Gonzales will be attending a masquerade ball tonight. Ladies, you'll have to get as close as possible to the subject. Noa and Rei will be waitresses while Keish and AJ will be guests. AJ, you have to get the card key. Sina Rei ang bahalang mag-cover sayo. Pagkakuha mo, ibigay mo kaagad kay Win, he'll be waiting at the entrance. Win, Ayc, Ryu, Redj and Meyn will go to Gonzales' house to get the diamond. Zi and the ladies will stay at the party to keep an eye out in case magdecide syang umuwi ng maaga. Griff, we'll be the one to make sure na walang makakalabas ng venue."

We Are UnderCovers - ZoomUniversity Book2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon