Chapter 30: ShipJackers

268 5 4
                                    

Pinalutang ni Jazz ang submarine, sampung metro ang layo mula sa barko upang maiwasang may maka-pansin doon.


Nang makalabas na sila ay muli nang lumubog ang submarine. Sumisid naman sila at tahimik na lumangoy papunta sa barko. Hindi na sila gumamit ng diving gear dahil magiging sagabal lamang iyon sa kanila.


"Keish, kailangan mong tumuntong kay Griff" wika ni Fince nang makalapit sila sa barko "Abutin mo yung bintana tapos humanap ka ng pwedeng pagtalian ng lubid para maka-akyat kami"

"Alright" sagot ni Keisha.

Sumampa na sya sa balikat ni Griff. Inalalayan naman sya ni Maycko at Meyn. Sumilip muna sya sa bintana upang masigurong walang makakakita sa kanya.

Nang masigurong walang tao sa paligid ay mabilis syang pumasok at itinali sa railings ng bintana ang lubid. Isa-isa namang nagsi-akyatan ang iba. 


"Okay, sundin lang natin ang plano at siguraduhin nyong buhay ang leader" paalala ni Maycko.

"Pwesto na guys" wika ni Fince sabay alis kasama sina Rinoa at Redj.

"Maghahagis ako ng sound bomb kapag naibaba na namin ang mga life boats" saad ni Redj mula sa comunicator dahil nakalayo na sila.

"Griff, let's go" yaya ni Meyn saka sila umalis na rin at dumiretso sa upper deck.


Nagsenyasan na lang ang iba bago naghiwa-hiwalay.

.

.

.

"All clear na dito sa upper deck" imporma ni Griff habang naka-apak sa isang naka-handusay na lalaki. 

Apat na kalaban ang sumalubong sa kanila ni Meyn nang marating nila ang upper deck. Mabuti na lang at mabilis na nakapag-hagis ng darts si Meyn.

"Nandito na rin kami sa labas ng function hall" imporma ni Reiko.

"Okay mag-ready na kayo" sagot ni Fince "Naibaba na namin ang huling life boat"


Tinadyakan pa ni Redj ang isang nangingisay na lalaki nang matapos sila sa task. May tatlong nangingisay na kalaban ang nakahandusay ngayon sa harapan nila. Hinagisan sila ni Redj ng electric bomb pagkakita pa lang nila sa mga ito.



"Naka-pwesto na rin kami sa labas ng control room" pahayag naman ni Ryusaki habang tinatapos ang pagtatali sa dalawang kalaban na katatapos lang nilang gulpihin.

"Alright everyone, mas malakas ang isang ito kaysa kanina" wika ni Redj.

"Just drop it" inip na sita ni Keisha.


Pagkarinig ng sinabi ni Keisha ay bigla na lang inihagis ni Redj ang mahigit sampung sound bomb. Sunud-sunod na tunog ng pagsabog ang nilikha noon.


Nataranta naman ang mga nasa function hall. Nakita nilang nagsilabasan ang ilang kalaban kaya naman sinamantala na nila iyon.


Pumasok na sa loob sina Reiko, DaoZi, Merwin at Keisha. Naiwan naman para magbantay sa labas si Maycko.

Agad humiwalay si Keisha upang hanapin ang mag-asawa.


Rinig na rinig nila ang pakikipag-barilan ni Maycko sa ilang kalaban sa labas.


"Violet!" tawag ni Keisha "I found them"

"Good, pink. Take them to Blue now" sagot naman ni Reiko.


We Are UnderCovers - ZoomUniversity Book2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon