Chapter 3: New Headquarter

317 4 1
                                    

Kinabukasan ay maagang binulabog ng cellphone nya si Maycko.

Linggo ngayon at naka-schedule syang matulog buong araw kaya naman nagpasya syang isnabin kung sino man ang tumatawag sa kanya.

Naka-ilang ring pa ang cellphone nya bago ito tuluyang manahimik. Hindi naman natinag ang binata.

Maya-maya pa ay napabalikwas ng bangon si Maycko dahil sa tunog ng pagsabog mula sa labas.

Patakbo syang lumabas ng silid. Nasalubong pa nya si Meyn na pababa na rin ng hagdan.

"What the hell is that?" kunot-noong tanong ni Maycko.

"Ewan ko, nagising lang din ako eh" sagot namn ni Meyn.

Pagbukas nila ng pinto ng bahay ay halos sabay pa silang napamura.

Tumambad sa kanila ang isang malaking hukay sa gitna ng front lawn. Umuusok pa ito dahil sa bombang inihagis doon.

"Redjinald Monteclaro" sigaw ni Maycko "Papatayin kita ng paulit-ulit hayop ka!!"

"Hey, hindi ako may-gawa nyan" kalmanteng tanggi ni Redj habang tila balewalang naglalakad palapit sa kanila. Kasunod nya ang iba pa.

"Who did it then?" kunot-noong tanong ni Meyn.

"I did" walang ekspresyong sagot ni Reiko saka ito nagdere-deretso ng pasok sa loob ng bahay at nilampasan ang magkapatid.

"You should have seen what she did to my vegetable garden" naiiling na sumbong ni Fince sa dalawa.

Sumunod na sila kay Reiko na ngayon ay prenteng naka-upo sa single sofa. Nagkanya-kanya na rin silang upo. As usual, sa sahig nanaman ang iba.

"Ano bang nagawa sayo ng bakuran namin, Rei?" napapakamot sa batok na tanong ni Meyn.

"Kanina pa ko tawag ng tawag sa inyo, ang hihirap nyo gisingin" balewalang sagot ni Reiko.

"You'll pay me bigtime" gigil na sumbat naman ni Merwin sa dalaga.

"What did she do to you?" tanong ni Fince "Is it worst than what happened to my vegetables?"

"She set my Ferrari on fire" nagngingitngit na sagot ni Merwin.

"Ta che xia wo de men" naiiyak na sumbong ni DaoZi "Ta kanjian wo zai wo de neiyi"

"Ano daw?" tanong ni Redj.

"She tore down my door and she saw me in my underwear" pagta-translate ni Ryusaki.

"Mukang hindi ka affected sa ginawa sayo ni Rei ah" puna naman ni Keisha "Ano bang winasak nya sa bahay nyo?"

"Nothing"

"Bakit?"

"Because he is the only one who answered my call in one ring" sagot ni Reiko

"Ano ba kasi talang problema mo?" tila bata namang maktol ni Maycko. Ganoon sya kapag naiistorbo ang tulog, mapag-maktol.

"We have a mission, remember"

"Ahh" sabay-sabay pang usal ng lahat, maliban kay Ryusaki.

"At talaga palang nalimutan nyo ah" sermon pa ni Reiko.

"Napagod kasi kami kagabi" katwiran ni Redj.

"Okay, simulan na natin tong mission" awat ni Fince "Kailangan muna nating alamin kung sino ang mga possible suspects"

"Ruel Gonzales, a well known jewelry collector" pahayag ni Ryusaki "He is one of the highest bidders when the Yellow Diamond was auctioned but was bitten by Gustavo Renon, the owner of the diamond, which appears to be our client"

We Are UnderCovers - ZoomUniversity Book2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon