Chapter 33: Lay

251 5 3
                                    

Kinabukasan ay maagang nagising ang lahat dahil sa mabangong amoy ng pagkain.


"Dajia zaoshang hao(good morning everyone)" naka-ngiting bati ni Luhan sa lahat.

Inabutan nilang nagluluto ang tatlong assistant.


"Maupo na kayo sa dining" wika ni Chen "Malapit na kaming matapos"

"Thanks sa pagluluto ng breakfast" pasasalamat naman ni Eros. 


Naupo na lang sila at hinintay na ihain ang pagkain.


Maya-maya pa ay lumabas na ang tatlo mula sa kusina at dala na ang mga pagkain. Magkakasabay na silang kumain.


Pagkatapos ay nagkanya-kanya na silang balik sa mga kwarto para maghanda sa pagpasok. Kailangan na nilang tapusin ang pag-aayos ng tatlong booths dahil tatlong linggo na lang ay closing event na.


Hanggang sa maka-alis sila ng bahay at makarating sa ZU ay hindi pa rin nila nakikita ni anino ni Merwin.

"Hindi pa ba ma-contact si Win?" tanong ni Maycko kay Ryusaki.

"Ewan ko" naka-ngiting sagot ni Ryusaki "Hindi ko naman sya tinatawagan eh"

"Bakit?"

"Wala naman akong kailangan sa kanya" pagkasabi noon ay lumapit na si Ryusaki kay Chen para i-check kung kumpleto na ang deliveries.


Napapa-iling na sinundan na lang ni Maycko ng tingin si Ryusaki.



Sa isang banda naman, nakatingin lang sina Chen at Luhan kay Lay na naka-tayo sa likod ni Reiko.


"Bakit ba kasi hindi pa nya hanapin amo nya?" tanong ni Redj nang mapansin ang dalawa.

"Wala kasing mag-uutos sa kanya, Sir Redj" sagot ni Luhan.

"Oo nga pala, eh bakit naman kaya ayaw pa syang utusan ni Rei?"

"Hinihintay nyang magkusa si Lay" sagot naman ni Chen.

"Ang gulo nyo kausap ah. Sabi nyo kailangang utusan si Lay para hanapin nya si Win. Tapos ngayon sasabihin nyo, gusto ni Rei na magkusa sya"

"Ganoon talaga, Sir Redj" nakangiting saad ni Chen "Minsan kailangan munang guluhin para mas madaling maayos"


Hindi na lang umimik si Redj dahil hindi nya talaga maintindihan ang mga batas nila.

.

.

.

Pagsapit ng hapon ay masayang naka-tunganga ang lahat sa labas ng coffee shop booth nina Reiko. Natapos na nila ang pag-aayos doon at sa dalawa pang booth. Ang kailangan na lang gawin ay hintayin ang araw ng event.


"Uuwi na ba tayo?" tanong ni Rinoa.

"Gusto mo ba mag-date muna tayo, bebe?" yaya ni Redj.

"Tara, wala naman tayong gagawin sa HQ eh"


Hindi man lang nagpaalam ang dalawa at basta na lang nila nilayasan ang mga kaibigan.

"Mga bastos!" pahabol pang sigaw ni Keisha sa dalawa.

"Una na din ako mga unnies, oppas" paalam naman ni AnJaeng "Magkikita kami ni Eros-oppa ngayon eh"

"Bakit? Hindi ba kayo nagkikita sa bahay?" kunwa'y panenermon ni Maycko.

"Oppa naman eh"

We Are UnderCovers - ZoomUniversity Book2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon