Chapter 28: HappyBirthday Jazz!

275 6 11
                                    

Isang linggo matapos ang party ay wala namang kakaibang nangyari sa kanila. Kasalukuyan silang nasa kani-kanilang klase at himalang lahat sila ay umattend.

Magkaka-klase noon sina Jazz, Keisha, Rinoa at AnJaeng.

"Class, Ber-months na" wika ni Ms. Patria "Ibig sabihin, malapit na ang semestral break nyo."

"Ma'am, birthday po muna nina Miss Keisha at Sir Jazz" sabat naman ngh isa nilang kaklase.

"Taray!" komento naman ni AnJaeng "Alam nila ang birthdays nyo"

"Ganoon talaga pag maganda" sagot naman ni Keisha.

"Okay, settle down class" pagpapakalama naman ni Ms. Patria sa klase "I'm sure, Miss Asakira ang Mr. Cortez will celebrate their birthdays privately, like they always do, so mag-focus na muna tayo sa up-coming event ng fashion department"

"Meron ba, Miss?" takang tanong ni Jazz.

"Yes, Mr. Cortez. Si Dean ang nag-suggest na magkaroon ng projects ang bawat department bago ang sem-break. Ang napili para sa atin ay Horror house, since holloween season ang sem-break. Tayo ang gagawa at magdedesign mula booth hanggang costumes."

Noon naman biglang pumasok sina DaoZi at Fince sa classroom.

"Good morning Ms. Patria" bati ni Fince sa guro.

Agad namang nagtilian ang mga babae pagkakita sa dalawang binata.

"Manahimek!" bulyaw naman ni Rinoa. Agad na natihimik ang buong klase.

"Thank you Miss Fortalejo" pasasalamat ni Ms. Patria "Pinapunta ko dito sina Mr. Serrano at Mr. Guo para tumulong sa project nyo. Si Mr. Serrano ang magiging planner ng buong event at si Mr. Guo naman ang cameraman dahil kailangan nyong i-document ang gagawin nyo mula preparations hanggang sa mismong event."

"Alright, here's the plan" simula ni Fince.

"Agad-agad, Sir Fince!" bulalas ng ilang estudyante.

"May nabuo ka na agad na plano, Mr. Serrano?" hindi naman makapaniwalang tanong ni Ms. Patria.

Nagkatinginan naman ang magkakaibigan. Kapwa mga nag-iisip ng magandang dahilan.

"Balak naman po kasi talaga ng LC na gumawa ng Horror house" sagot ni DaoZi "Naunahan lang po kami ng Fashion dept."

"I see. Please continue, Mr. Serrano."

"As I was saying, Jazz will lead the landscape team. Kayo na ang bahala kung anong magiging layout ng HH. Si AJ naman ang leader ng decoration team. Makipag-coordinate kayo sa landscape team para hindi mag-overlap yung mga furnitures na ilalagay nyo. Keish will be in-charge of the costume team. Dapat realistic at may originality ang design. Makipag-coordinate naman kayo sa Prostetics team, which will be lead by Noa."

"May isasama akong dalawang lalaki para sa video coverage ng buong event. Dapat walang maco-concious at walang over acting" paliwanag naman ni DaoZi "Natural lang ang kilos. Mas magandang wag nyong isipin na may camera sa paligid"

"Anong gagawin nung iba?" tanong ni Keisha.

"Well, the HRM dept. will open up a coffee shop. The IT dept. will have an illusion house" sagot ni Fince

"Si Meyn?" tanong pa ni Rinoa.

"Event supervisor"

"Kapal ng mukha !" sabay pang bulalas nina Rinoa at Keisha.

Matapos ang maigsing briefing para sa event ay pinag-break na sila ni Ms. Patria.

Dumiretso na sila sa canteen dahil naroon na rin ang iba maliban kay Meyn.

We Are UnderCovers - ZoomUniversity Book2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon