Chapter 16: Goodbye Pierro

291 4 0
                                    

Wala ni isa sa kanila ang nagawang kumilos pagkarinig sa tunog na nagmula sa heart rate monitor. Lahat ay napabaling sa nakahimlay na si Jazz. Para bang maging ang mga puso nila ay tumigil na rin sa pagtibok.

Naiiyak na napayakap si Rinoa kay Redj samantalang si Keisha naman ay tila tinakasan ng lakas at napa-upo na sa sofa.

Hawak parin ni Reiko si Pierro at ngayon ay wala nang mababakas na emosyon sa muka ng dalaga. Mas lalo pang humigpit ang pagkakahawak ni Reiko sa kwelyo ng doctor. Akmang ibabalibag na sya ng dalaga nang maagap na maawat ni Merwin ang kamay nya.

"Look" pigil ni Merwin sa tangkang pagpiglas ni Reiko. Itinuro nya ang heart rate monitor.

Ang kaninang flat line ay unti-unting tumataas-baba. Sa umpisa ay mabagal iyon hanggang sa bumilis at maging stable.

Agad nilapitan ni Reiko at Pierro si Jazz. Sinuri ng doctor ang pulso at mata ni Jazz.

May ngiti sa labing hinarap ni Pierro ang lahat.

"It worked" mangiyak-ngiyak na imporma ni Pierro "We did it"

"Jazzie!" bulalas ni Rinoa sabay yakap sa wala paring malay na si Jazz.

.

.

.

.

.

.

.

Tinanggal na ang life support ni Jazz. Inilipat na rin sya sa isang simpleng private room. Hinihintay na lang nila ang pag-gising nito.

Si Reiko ang naka-tokang magbantay ngayon kay Jazz kaya naman hindi sya pumasok at sa ospital sya dumiretso. Inabutan nyang naka-upo sa tabi ni Jazz si Pierro.

"Any signs na magigising na sya?" tanong ni Reiko pagkasara nya ng pinto. Lumakad sya papunta sa kabilang side ng kama.

"Maganda ang naging epekto sa kanya ng RA. Maayos na ang daloy ng dugo nya at malakas na rin ang katawan nya." sagot ni Pierro "Anytime ay magigising na sya"

"When he wakes up, you'll die" sabat ni Kanjiro na bigla na lang sumulpot sa paanan ng kama ni Jazz.

Hindi naman nagulat ang dalawa dahil naramdaman na nila ang preensya nito. Tumayo lang si Pierro at yumuko bilang paggalang kay Kanjiro.

Si Kanjiro ay yumuko kay Reiko.

"Osashiburi, Jiro-san" seryosong bati ni Reiko.

"Osashiburi, Reiko-ojuosama"

"What brings you here?"

"Just checking up on Pierro. Gusto ko lang masiguro na napapakinabangan mo sya ng maayos"

"He's very much efficient"

"So, paano mo sya papatayin?" walang paligoy-ligoy na tanong ni Kanjiro.

"Jazz hasn't woken up yet so I'm not thinking about it at the moment"

"Goodluck" baling ni Kanjiro kay Pierro bago ito walang paalam na umalis.

Ilang saglit na natahimik ang dalawa. Maya-maya ay nagkatinginan sila at sabay na napangiti.

Nakita nilang gumalaw ang mga daliri ni Jazz.

"Jazzie?" napa-upo si Reiko sa tabi ni Jazz. Pigil ang hiningang nakatingin lang sya dito.

Maya-maya pa ay unti-unti nang nagdilat ng mga mata si Jazz.

"Oh my Jazz!" bulalas ni Reiko "Gising ka na!"

"Hindi Rei, nananaginip ka lang" pamimilosopo ni Jazz kahit pa hirap pa syang magsalita.

We Are UnderCovers - ZoomUniversity Book2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon