Chapter 47: Together At Last

317 3 0
                                    

Dahil sa kaba ay hindi naiwasan ni Rinoa na mapatingin sa direksyon ni Reiko. Napabaling naman ang isang tauhan sa lugar na tinignan ng dalaga. Nang makita nito si Reiko ay agad nya itong tinutukan ngunit naging mabilis naman ang dalaga kaya nalaslas na agad ang leeg ng kalaban.

Naalarma ang mga kalaban kaya nagsimula na silang magpa-putok ng baril.

"Hide" utos ni Ryusaki kay Rinoa sabay tulak dito papunta sa ilalim ng lamesa.

Nasasalag naman nina Reiko at Ryusaki ang mga bala ngunit hindi sila gaanong maka-ganti.

"Ryu-ge" tawag ni Reiko "Let's go Y-rank on these bakeros"

"Wakata"

Sa isang iglap ay naglaho ang anomang emosyon sa mukha ng dalawa. Naging mas mabilis ang kilos nila at ngayon ay nakakapagpa-bagsak na sila ng mga kalaban.

Si Ryusaki ang unang sumusugod upang idis-arma ang mga kalaban. Si Reiko naman ang tumatapos sa mga ito. Walang awang hinihiwa at pinuputol ng dalaga ang iba't ibang parte ng katawang ng mga ito. 

Maging si Ryusaki ay hindi rin nagpipigil ng sarili sa pag-saksak ng Kuraisu sa sinomang humarang sa kanya.

Tumagal lamang ng tatlong minuto ang laban. Nakita na lang ni Rinoa na nagkalat ang mga bangkay sa paligid. Nang balingan nya ang dalawa ay halos mapa-atras sya sa naramdamang takot.

Puno ng dugo ang buong katawan ng mga ito ngunit ang mas ikinatakot nya ay mga mata nilang walang buhay. Para bang wala na silang pakialam sa mundo.

"Ah, guys" lakas loob na tawag ni Rinoa sa dalawa "Okay lang kayo?"

"Never been better" sagot ni Reiko na ngayon ay may nakapskil nang malapad na ngiti sa labi.

"Hanapin na natin sila" yaya ni Ryusaki. Maging ito ay bumalik na din sa dati.


Samantala, hindi parin makakilos mula sa mga pwesto nila sina DaoZi, Fince at Maycko.

Dahil nasa unahan si DaoZi ay kita ni Maycko na naabot na nito ang wushu blades. Alam nyang naghihintay lang ito ng go signal nya.

"What's your confidence level, Zi?" tanong ni Maycko.

"Y-ranked level, Ayc-ge" sagot ni DaoZi na sa di malamang dahilan ay ikinakilabot ng dalawa.

Nakatayo lang sa harap nila si DaoZi pero para bang kinakabahan silang lapitan ito.

"Fince, why don't you go and find a nice place to hide" narinig nilang wika ni Ryusaki mula sa communicator. "Ayc, keep a bit of a distance from Zi"

"Why?" takang tanong ni Fince.

"A Y-ranked official is very different from a Y-ranked butler" seryosong sagot ni Reiko.

"Guys, just do what they say" sabat ni Rinoa "Trust me. I've seen it"

"Alright then"

Sinubukang umatras ni Fince ngunit halos mapa-upo sya nang magpaputok ang isa sa mga kalaban. Tumama ang bala malapit sa paanan nya.

"Meiyou ren judong!(nobody moves)" sita ng lalaki.

"Ni si dingle(you're dead)" usal ni DaoZi na umabot naman sa pandinig ng kalaban kaya tinutukan sya nito ng baril sa ulo.

Laking pagtataka ng lahat nang bigla na lang bumagsak ang lalaking lumapit kay DaoZi. Nakita na lang nila ang dugong umaagos sa wushu blades nya.

"Fince-ge, Ayc-ge! Take cover" sigaw ni DaoZi sabay sugod sa mga kalaban.

Sinusubukan ng mga kalaban na patamaan si Fince ngunit hindi sila nagtatagumpay. Sa tuwing may magtatangkang bumaril kay Fince ay agad itong dinidispatsa ni DaoZi.

We Are UnderCovers - ZoomUniversity Book2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon