FELICITY POV
nalulungkot ako sa mga nangyayari di ko alam ano bang lumalabas sa bibig ko para syang kusang nagsasalita at hindi ko alam bat sa bawat salitang binibitawan ni blaser ay nadudurog ako. Hindi na rin naman sya yung blaser na nakilala ko</3
"Felicity." sa pag tawag nya palang sa pangalan ko ay halatang wala na syang ganang bigkasin. Hindi na ko sumagot dahil babagsak na talaga tong mga luha ko."anong dahilan mo para paalisin sa buhay mo nagkulang ba ko bilang bestfriend mo? Sorry kung ganon ha?"
"Stop. First of all hindi kita pinapaal--!"pinutol nya ang sasabihin ko. Naglakad na sya palayo. Pero kailangan ko ng magandang paliwanag kung bakit ko sya papalayuin muna.
Tumakbo ako para maabutan sya.
"Hindi kita pinapaalis sa buhay ko okay? Pinapalayo lang kita. Magkaiba ang pinaalis sa pinalayo blaser!"
"Ganon na rin yun felicity."
"Magkaiba yun dude!"
"S-simula ngayon..."gusto kong tumakbo o magtakip ng tenga ko para di na marinig ang sasabihin nya alam kong hindi ko ito magugustuhan tono palang ng pananalita nya. "Wag mo na... akong ituring na bestfriend. Umarte tayo na di tayo magkakilala okay? Wag na wag mo... na kong tatawaging d-dude.
p-paalam felicity"hindi ko na napigilan tong mga luha ko. Sobrang sobrang sakit hindi ko na alam kung anong nararamdaman ko.Hinayaan ko na syang lumayo habang ako ay nakatingin lang sa kanyang likuran. Hindi pa rin ako umaalis sa kinatatayuan ko. Lalong di pa rin tumitigil tong luha ko. Bakit ganun?!!! Bakitttt!!!? Mas okay ng ganto. Pero hindi pa rin ako makapaniwala sa mga narinig ko mula sakanya.
Nagpaulit-ulit sa tenga ko yung sinabi nya.
oo naiintindihan ko na madali talaga akong palitan. pero si blaser na lang talaga yung taong inaasahan kong mag sstay sa buhay ko pero pati siya iniwan na rin ako? para akong baliw dito na umiiyak habang tumatawa.
"ganon nalang talaga ako kadaling palitan." yan nalang nasabi ko sa sarili ko sabay alis na dun.
sarap pala maglakad mag-isa. simula ngayon hindi na ako makikipagkaibigan. miski kay raffy. iiwasan ko muna lahat ng tao. masyado na akong nasaktan sa kaibigan ko palang.
naiiyak pa rin ako pero pinipigilan ko dahil malapit na ako sa bahay. tatlong hakbang nalang nasa tapat na ako.
"Hi po!" sabay niyakap ko si mama.
"Kumain ka na anak."
"Hala ma,kakakain lang namin."
"Nila blaser ba anak?"
"O-opo ma hehe."
"Basta bumaba ka nalang dito kapag nagugutom ka ulit."
"Okay ma iloveyou." tumakbo na ako ng mabilis para makaiyak na ulit sa kwarto. dati kapag may nagpapaiyak saken inaaway ni blaser pero ngayon siya na nangaaway saken hahaha. nakakatuwa lang kase kahit pala matagal na yung samahan niyo mabubuwag at mabubuwag pa rin. thankyou nga kase dumating si raffy pero hindi ko na muna kailangan ng karamay.
natulog na ako at ewan ko pero excited na excited akong pumasok. ewan ko ba anong nangyayari saken hahaha. pagkagising ko halatang may ngiti sa labi ko. tapos ganadong-ganado akong maligo at kumain. kaya nagugulat saken si mama ngayon eh.
"Wow anak anong nakain mo?"
"hotdog po ma at saka friedrice."
"lagi na ngang ganyan iluluto ko. kung ganyan ka naman kalakas kumain haha."
YOU ARE READING
FALL INLOVE WITH MY BESTFRIEND.
Teen FictionNahulog ako sa lalaking hindi pwedeng mapunta sakin.