C H A P T E R 13

156 3 0
                                    

Nilapitan naman ako ni koko.

"Parang di naman kayo naging mag kaibigan niyan oh." hindi nila naiintindihan yung nararamdaman ko ngayon. Oo alam kong hindi lang kami naging magkaibigan dahil bestfriend pa nga eh pero kase sino ang matutuwa sa mga pinagsasabi niya saken diba? Harap-harapan pa yun.

"Alam ko koko pero naririnig mo naman diba? lahat ng mga masasakit na salitang binibitawan niya sa harap ko pa mismo!" Naiyak na ako. Hindi ko na mapigilan eh. Ang sakit. Sobrang sakit na yung mga salitang ayaw kong marinig ay sa mismong bestfriend ko pa pala maririnig. Oo,nagagalit ako kay blaser ngayon. Lalo na sa sarili ko.  Dahil hindi kami magkakaganto kung hindi ko siya pinalayo saken. Pero kase hindi niya naman alam yung dahilan ko. Gusto ko ng sabihin sakanya na nahuhulog na kase ako sakanya at ayun ang pinakaayaw kong mangyari. Dahil kaibigan lang dapat yung turingan namen sa isa't-isa.

Niyakap ako ni koko. "Sorry felicity. Sorry kase nangeelam ako. Sorry rin kase inisip ko na madali lang na maayos 'to." Si koko yung taong ayokong namomoblema ng dahil saken.

"No. tara sa rooftop." Hinila ko siya paakyat sa rooftop. Wala na akong tinatago sakanya lalo na ng mga sikreto ko sinabi ko na sakanya. lalo na yung nangyari samin ni blaser kaya kami nagkakaganto ngayon.

"Sorry talaga ha? hindi ko alam ganyan pala nangyari sainyo. Pero wait? bakit mo naman kase siya pinapaiwas?" Dugdugdugdug. Ayan nalang ang tanging naririnig ko ngayon. Yung tibok nalang ng puso ko. Hindi ko alam kung pati ayan ay sasabihin ko pa sakanya? Pero bestfriend na ang turingan namin sa isa't-isa kaya hindi na ako nagdalawang-isip na sabihin sakanya.

Tingin sa kaliwa. Tingin sa kanan. Tingin sa likod. Walang tao. "Nagkakagusto na kase ako sakanya." Waaah! nasabi ko na.

"Whatttt?!" Sigaw nito kaya agad kong tinakpan yung bibig niya.

"Ano ba? Oa mo talaga kahit kailan!" Saka ko siya inirapan.

"Ulitin mo nga?" Umiling naman ako. "Pero seryoso talaga? nagkakagusto ka na sakanya?!" bat parang kinikilig pa siya? Kinwento ko sakanya yung lahat lahat.

"Bata palang naman kasi talaga kami crush pa lang yung nararamdaman ko para sakanya. Yung patanda na kami ng patanda dun ko na nalaman na hindi na crush 'tong nararamdaman ko kundi pag-ibig na." Jusq. Sana walang makaalam nito. Maingay pa naman 'to.

"So? pano yung isa?" Tanong niya saken.

"Sinong isa?" Balik tanong ko sakanya.

"Sino pa ba edi si r-raffy." Hala,nawala sa isip ko si raffy. Bat niya ba 'to kase tinatanong? opx. nauutal-utal sa pangalan ni raffy ha?

"Bat ka nauutal kapag binabanggit mo name niya? May something ba sa nararamdaman mo? hahaha. Hoy! sabihin mo na saken dahil yung mga sikreto kong simula bata palang ako ay tinatago ko na 'yon. sinabi ko na sayo kaya dapat sabihin mo na ren saken 'yan." Hindi na naman ako magugulat kapag nag umoo siya. Una palang ako na nakahalata eh.

"W-wag kang maingay ha? Oo kase nacute-tan ako sakanya k-kaya ayun." sabi na eh. ako yung taong wag na wag niyong pagsisinungalingan dahil hindi ka pa nagpapaliwanag alam ko na ang lahat.

"Una palang naman alam ko na hehe." Sabay umapir ako sakanya.

"So ayun nga kase? Pano si raffy?" Ano ba kaseng meron dun?

"Ha? bakit? ano bang meron sakanya?" tanong ko sakanya.

"Pansin ko kase na gusto ka niya." Nanlaki naman 'tong mata ko. Pinalo ko siya bigla.

"Hoy kaibigan lang turing ko sakanya. At ganon rin siya saken!" Totoo naman eh. Magkaibigan lang kami ni raffy tapos.

"Kaibigan? o ka-i-bigan?" tinalo si boy abunda sa tanungan ha?

"raffy is my close friend." Tumango-tango naman siya.

"Pero pano kapag siya na mismo nagsabi na gusto ka niya?" Naiinis na ako sa mga tanungan niya. Hindi yun mangyayari kase nga magkaibigan lang kami nun. Wag mo ng dagdagan 'tong isip ko koko. Naguguluhan na ako sa lahat eh.

"Hindi mangyayari 'yon koko." Basta close friend ko lang si raffy. Una palang si blaser na talaga kahit si cassy na yung sakanya.
"Masakit isipin na hindi na ako yung kasamang tumawa ni blaser." Sure ako na nasaktan ko rin yung damdamin ni blaser kanina sa mga pinagsasabi ko kay ma'am valdemoro kanina. Kapag may pagkakataon kaming mag-usap lahat ng mga hinanakit ko sakanya talagang sasabihin ko ng diretso.

"Pinakawalan mo eh,tapos ngayon magsisisi ka?" aba!--,

"Hoy! bakit hindi mo pa rin gets ngayon? lahat na naman sinabi ko sayo ha?" Slow.

"Felicity,kung hindi mo naman sinabi yun sakanya. Sana okay pa kayo ngayon?"

"Pinakamasakit na nagawa ko? yung makita kong nasaktan yung taong mahal ko dahil sa lumalabas dito sa bibig ko." Namimiss ko na si blaser. Kaso nakikita ko na namang masaya sya sa iba guguluhin ko pa ba?T_T

"Hindi pa naman huli ang lahat teh! Wag ka munang mag-drama jan. kanina tinignan ko si blaser habang sinasabi mo yung mga masasakit na salita sakanya? yung mata niya parang may gustong bumagsak na luha." O_O hindi ko nakita yun ha? pero kase nga diba? nakayuko siya.

"Masyadong malinaw 'yang mga mata mo." Sana totoo nga yung mga sinasabi nito. Kase umaasa nanaman ako na babalik si blaser saken bilang kaibigan niya.

"Sobrang lapit mo na nga sakanya hindi mo pa nakita? tapos yung mga malalayo sayo kitang-kita mo? kaya tignan mo nangyari sayo girl! kung kailan lumayo sayo yung tao dun mo lang nakita yung halaga niya! nako felicity." wth! parang tama siya eh.

"Pwede bang samahan mo ako dito hanggang mamaya?" Ayoko pa talagang makita si blaser. Dahil nagagalit ako sa sarili ko dahil sa mga nasabi ko sakanya kanina.

"Oo naman." Ang swerte ko. Si koko nalang at si raffy yung natirang mga kaibigan ko sa mundo. Alam ko naman na darating yung araw na magkakahiwalay kami. Pero at least naging part na sila ng buhay ko. Hanggang sa hukay hindi ko makakalimutan yung kabaitang binibigay nila sakin.

"Salamat." Isang oras kami dito sa rooftop. Yayayain ko na sana si koko na bumalik na sa classroom ng magkatalikod ko ay nasa harap ko na si b-blaser? nagulat naman si koko pati ako dahil hindi ko inaasahang pupunta siya dito ng  hindi kasama yung bago niyang bestffriend.

"Iwan mo muna kami koko." Malamig yung boses niya. Kanina sabi ko kapag nag-usap kami ilalabas ko sakanya lahat ng mga hinanakit ko sakanya pero bakit makita ko pa lang siya ay nanlalambot na ako. Para bang nanghihina ako kapag nanjan siya sa harap ko.

"S-sige felicity mauna na ako." Tinanguan ko nalang siya.

"Ano bang problema mo!" Hindi ko pinahalatang nagulat ako sa pag-sigaw niya saken ng kala mo sobrang layo namen sa isa't-isa.

"Ikaw? anong problema mo?" Mainis ka sana. Pero shet! Kailangan kong gawin 'to. Patawad blaser.

"Bakit nagbago ka na dude?" Wow? bilib talaga ako sakanya.

"Bakit hindi mo itanong jan sa sarili mo? May sasabihin ka pa ba? Mahalaga kasi yung oras ko? hindi ko sinasayang 'to sa mga walang kwentang tao." Tatalikod na sana ako sakanya ng hawakan niya 'tong braso ko.

"Ikaw pa rin ba yung felicity na kilala ko?" Buti nalang at nakatalikod ako sakanya. Hindi ko na kase kayang pigilan 'tong luha ko. Nung makita ko pa lang siya naiiyak na kagad ako buti nalang nakayanan ko yung sarili ko.

"Hindi mo dapat 'yan tinatanong saken bro sa sarili mo dapat 'yan itanong. Kase kung ako ang tatanungin? yes,ako pa rin yung felicity na c-classmate mo? hindi naman ako nagbago?" Sinabi ko yan ng nakatalikod pa rin at lumuluha. Masakit para sakin dahil sinabi ko yung word na classmate nalang at hindin na bestfriend.

"Sorry sa mga nasabi ko sayo felicity. Hindi ko gustong sabihin yun nadadala lang talaga ako ng emosyon ko." Dun niya na ako binitawan sabay alis. fck gusto kong tumalon dito. Hindi ko na kaya. Sabi ko na eh ako yung may mali at hindi si blaser. Sabi ko na nga ba na hindi niya ako kayang sabihan ng masasakit na salita ng dahil lang sa gusto niya. Naiinis ako sa sarili ko! sana mamatay na lang ako.

FALL INLOVE WITH MY BESTFRIEND.Where stories live. Discover now