Sana wala pa si ma'am sa room shet. pero hindi naman ata ako inabot ng 1 oras dun sa rooftop? Hindi na naman mawala yung nakita ko sa rooftop. Sila na ba? Masaya na ba sila sa isa't-isa. Takbo na ginagawa ko para makababa na ako sa rooftop na 'to. Simula ngayon hindi na ako pupunta dito. Sana wala pa si ma'am valdemoro. Oa pa naman nun. Yung tipong 1 minuto ka palang late ipapatawag na kagad parents mo? diba sarap ibalibag.
Nasa tapat na ako ng room at dun lang ako nakahinga ng maluwag dahil naunahan ko si ma'am.
"Wtf! Math time pala ngayon." Nakakainis. kay koko ako tatabi ngayon. Naalala ko nga pala magkatabi kami ng upuan. tinabi siya saken kase natututo daw siya at nakikinig kay ma'am kapag ako yung katabi. Yung dati gustong-gusto ko pa siyang makatabi pero ngayon ayoko na. Dun siya sa cassy niya pwe!
"oh? Asan si raffy." Nagugulat nalang talaga ako kay koko kung sino talaga samen ni raffy yung kaibigan niya. Hindi na rin ako magugulat kapag nalaman kong may gusto siya dun.
"Koko? Hindi na ako magtataka kapag nalaman kong may gusto ka sa lalaking 'yon." Nanlaki naman yung mata niya. Dun ako natawa. Totoo kayang may gusto siya? Okay lang kase bestfriend lang naman turing ko kay raffy eh.
"H-ha? Ano ba 'yang sinasabi m-mo." Tinawanan ko nalang siya sabay lagay ng earphone sa tenga ko. Ayoko muna ng maingay. "Hoy,bawiin mo yun felicity!" Ang ingay naman ng babaeng 'to.
Tinanggal ko yung isang nakasalpak sa tenga ko. "Oo na koko. Kunware di ko alam na crush mo siya." Sarap niya asarin. Kaso maingay yung bibig.
"H-hindi ko nga siya c-crush eh." nako. Wala ka ng maloloko dito koko. Mamaya nga pagtrtripan ko 'to. "Felicity wag mo akong maasar-asar dun ha." Tinanguan ko nalang siya. Sabay salpak ulit ng earphone sa tenga ko. Tumingin ako sa labas ng room. Sakto naman na nandun na sila cassy at blaser. Tinanggal ko yung earphone ko at nagpanggap na may kinukuha ako sa bag. duh! ayoko silang makitang dalawa.
"Okay class,stand-up." Patay. Pasalamat sila naunahan nila si ma'am.
"Good morning ma'am valdemoro!" Bati namin sakanya. Sabay senyas na umupo na kami.
Nagchcheck naman si ma'am ng attendance. "Pag wala sa upuan absent okay?" Kinilabutan naman ako dun. Dahil nga ayokong maabsenan ay bumalik ako sa upuan ko na katabi ko yung asungot pero iniwan ko yung bag ko sa tabi ni koko. Magpapaattendance lang ako.
Nakakalungkot kase parang okay lang kay blaser na absent siya kay ma'am wag niya lang akong makatabi.
"Wag mo na nga silang tignan felicity." Bulong ko sa sarili ko habang nakapikit.
napamulat ako ng mata ng may maramdaman akong may tumabi sakin. Si blaser nga yung tumabi sakin. Dahil nga maarte ako inusog ko ng unti yung upuan ko palayo sa upuan niya. Tinignan niya naman yung ginawa ko at saka ngumisi. Nakakapang-init ng ulo 'to duh.
"Ms. Peri?" Tawag sakin ni ma'am.
"Yes ma'am?" Kabado bente na ako. yung mapapa-isip ka na kagad kung ano yung ginawa mo.
"Bagsak 'yang bestfriend mo! Baka naman pwedeng turuan mo?" Ayoko ng sumagot. Natakot na ako na kapag may sasabihin ako putulin niya at ulitin yung sinabi niya kanina. Tama na yung isang beses ko lang narinig 'yon. Masyadong masakit sa tenga lalo sa puso.
Yumuko nalang ako. Ayoko ng sagutin si ma'am. Habang nakayuko ako ay biglang tinawag ni ma'am si cassy.
"Why Ms. Salvador?" Tss. ano nanaman ba 'tong sasabihin nitong pabidang 'to.
"Ako nalang po ang magtuturo kay blaser." Pfft.
"Ms. Salvador mas matututo siya kay felicity." Boom. Natuwa ako sa sinabi ni ma'am. 95 grade neto saken. Dapat kung pwede silang mambagsak dapat kami rin eh. Unfair ha?!
"Ma'am? Si cassy nalang po magtuturo sakanya,mas makakatulong po yun kay blaser." Sa bawat salitang binitawan ko sobrang sakit. Yung tipong gustong-gusto ko pero sobrang taas ng pride namin pareho.
"Mrs? Si cassy nalang po magtuturo saken mas makakabuti po yun saken." What?! so ako hindi nakakabuti sakanya? Tinignan ko naman si cassy at nakangiti na siya saken na para bang nang-iinggit siya. Gusto kong sumigaw na si cassy lang ang makakarinig. Tapos mabibingi siya. Wait? Bat parang sobrang sakit na niyang magsalita ngayon? Naiiyak nanaman ako. Tumayo ako sabay punta sa tabi ni koko.
"Hindi ikaw ang na susunod dito? Sino ba ang teacher dito? diba ako? Kaya kung sino yung sinabi ko,yun na'yon okay!" Wag Mrs.
"Ma'am? Marami na po akong ginagawa? Sakit lang po sa ulo 'yan." Tinignan ko si blaser pero nakayuko siya. Gusto ko lang naman ibalik yung mga ngisi nila saken kanina. Kaya si cassy ang tinignan ko sabay ngisi na talagang maiinis siya.
"Bakit ganyan ka sa bestfr--." Bastos kung bastos pero pinutol ko yung sasabihin sana ni mrs. valdemoro.
"Ma'am valdemoro naman hindi ko siya b-bestfriend. classmate ko lang po siya." Sabay tumawa ako. Nangunot naman yung noo ni ma'am. Alam ko naguguluhan rin siya sa mga nangyayari. Pero hindi,ayokong magmukhang kawawa sa paningin nila. Hindi pwedeng lagi nalang si blaser ang magsasabi saken ng masasakit.
"Basta,ikaw ang gusto kong magturo sakanya. Kung hindi,tutuluyan ko ng ibagsak 'yan." No! Ayoko siyang makasama. bakit pa kase ako? "Malapit na yung exam niyo,kung hindi man kayo magkaibigan magturingan kayo bilang magkaklase okay? Magtulungan kayo!" Sabay nagpaalam na siya. What? ganon nalang 'yon? Naiiyak ako ng dahil sa galit na nararamdaman ko ngayon! Tinignan ko si blaser at nakayuko pa rin siya? tss. galing umarte ha? para siya pa yung mas nasaktan sameng dalawa. kahit na siya yung lagi may komento sa mga sinasabi ng teacher. Ibagsak ka sana ni ma'am na lalaki ka!
YOU ARE READING
FALL INLOVE WITH MY BESTFRIEND.
Teen FictionNahulog ako sa lalaking hindi pwedeng mapunta sakin.