buti nalang at nakaalis na si raffy kase dumating yung principal at tinitignan yung mga hair nung boys at may mga kulay. kinabahan ako para kay blaser. Yung buhok niya kase may kulay sana di mahalata.
"Goodmorning Mrs. Perez." Bati namin sa aming principal.
"Maupo na." Nagsimula na siyang tumingin-tingin. Buti nalang talaga nasa dulo pa si Blaser kaya hindi na siya pinuntahan ng principal namin dahil napansin niya namang wala samin ang may kulay yung buhok.
tumabi sakin si koko pagkaalis nung principal namin. "Buti nalang at nakaligtas 'yang dude mo." nang-aasar nanaman -,-
"Isang-isa nalang talaga koko."
"Ano?" Kulit talaga ng babaeng 'to. Hindi ka nga maboboring pag kasama mo siya. Maasar ka naman.
"Kokotongan na talaga kita." tinarayan niya naman ako bigla sabay alis sa tabi ko.
Buti nalang talaga at hindi tinignan 'yang buhok mo blaser nako talaga. Isa pa buti nalang rin at umalis na nun si raffy baka maabutan siya dito.
"Ikaw?" Turo ni ms. kaye kay blaser "Anong balak mo?" patay. nakaligtas nga sa principal hindi naman nakaligtas sa adviser.
"Bukas na bukas po magpapakulay na po ako ng black-,-" Aba! Habang sinasabi niya 'yan ang taray ng mukha niya. Magkasalubong talaga yung kilay eh. Kung sa mga gangster tapos ganyan siya sumagot ay ewan ko nalang.
"Ikaw naman,alam mo ng bawal 'yan dito sa paaralan diba? hindi mo manlang sabihan 'yang kaibigan mo." nagulat ako sa biglang pagturo saken ni mam. ano isasagot ko dito.
"A-ah--." Pinutol ni blaser yung sasabihin ko.
"Hindi ko naman 'yan kaibigan mam." Sabay lumabas siya ng classroom. Wait? Totoo ba yung narinig ko? Totoo ba yung mga sinabi niya? Yung luha ko bigla nalang nagpaunahang bumagsak. Bigla nalang akong yumuko para di halatang napaluha ako sa sinabi niya.
"Aba! Bastos na batang 'yon ha?" Sabi ni mam. Saka nagpaalam na siya samin.
Lumapit naman bigla si koko saken. Kaya inunahan ko na siya. "I'm okay." Tapos yumuko na ako at dun ko na nilabas lahat ng luha ko. Niyakap ako ni koko ng mahigpit. Totoo ba talaga yung mga sinabi niya? bat ganon yung way nung pagkakasabi niya? 'Hindi ko naman 'yan kaibigan mam' bat parang di kami nagsama ng matagal na panahon.
Yun na ata ang pinakamasakit na narinig ko sa lahat. Yun ay galing pa sa bestfriend ko at sa taong Gustong-gusto ko. Yung mga luha ko nagpapabilisang bumagsak eh. Ayaw tumigil hahaha. Buti nalang at may isang oras kaming break-time. May oras pa ako para umiyak ng umiyak yey.
Ramdam ko na naman na naubos na lahat ng luha ko kaya pinunasan ko na ito at humarap na ako kay koko.
"Felicity? Kaya mo yan." Aw Parang naiiyak ulit ako kapag may nagsasabi sakin ng 'kaya mo yan' 'okay ka lang?' parang tingin ko sa sarili ko Sobrang hina ko. Oo matapang ako kung titignan pero sobrang hina ko talaga emotional. Like masabihan lang ako ng mga salitang di ko gustong marinig ay naiiyak na kagad ako. Hindi nila alam na yung akala nilang matapang,iyakin naman pala.
"Ha? yung ano koko? hahaha." Naks. Akalain mo,nagawa ko pang tumawa. omg! ang lakas ko naman hihi. like i said. "Magaling akong magpanggap"
"Ano ka ba naman eh! Pati ako naiiyak." Sobrang swerte ko pala na may kaibigan akong tulad ni koko.
"Ops! wala akong ginawa sayo ha?hahahaha." Ramdam kong nakatingin saken yung ibang kaklase ko. Dahil siguro iniisip nila na baliw ako kase pagkatapos kong umiyak,tumatawa na ng malakas.
"Tara nga dito." Niyakap niya ako ng mahigpit na mahigpit. "Nandito lang ako parati para sayo okay? Wag kang mahihiyang maglabas ng problema saken ha? Dalawa naman likod ko eh,kaya may masasandalan ka." Tignan mo nga naman,nagawa pang magbiro nitong babaitang 'to. Natawa naman ako sa sinabi niya. yung tawang hindi mo mahahalatang sobrang pilit lang. Hanggang ngayon nakatatak pa rin sa isip ko yung sinabi niya. Hindi ko na alam makakalimutan 'yon.
"Ayan,dapat smile ka lang palagi." Kahit fake,smile lang. Wag pahalatang mahina ka sa mata ng mga tao.
"Cute ko ba kapag nakasmile?" Naiinis nanaman ako. Kase naiiyak nanaman ako.
"Sobra ayie." Pinisil niya naman 'tong pisngi ko.
"Sumbong kita sa mama ko." Sige lang,gawa ka muna paraan para hindi bumagsak 'tong mga luha mo felicity.
Saan kaya nagpunta 'yon si blaser? Ano ba felicity,hindi mo na nga siya kaibigan diba? Wag ka ng magalala sakanya okay?!
"Uy nanjan na si mr. right oh." Turo niya kay raffy. Hay!
"Are you okay ayl?" Kakasabi ko lang na naiiyak ako kapag may nagtatanong saken niyan eh. Ewan bakit bigla kong niyakap si raffy at dun ako umiyak sa balikat niya. "Hey? anong nangyari sayo?" Naiiyak ako kase kahit anong pilit kong kalimutan siya, hindi ko kaya.
"A-ah,wala." Ayoko ng dumagdag pa sa alalahanin niya. kaya pinakita ko sakanyang okay lang naman talaga ako. Nagjoke ako sakanya kahit na alam ko naman na corny para lang hindi na siya magalala saken. Tumatawa ako ng malakas para hindi talaga halata. Alam ko na naguguluhan ko si raffael sa mga nangyayari. Alam ko rin na hindi siya naniniwalang okay lang ako. Ganyan si raffy kala mo okay lang sakanya pero hindi pala. tulad ko? kala ko mapapaniwala ko siyang okay lang ako pero hindi pala. "Gusto kong magpahangin raffy." Ngumiti naman siya.
"Nako ha? Aalalanin mo ba yung unang pagkikita natin? Wag ganon ayl." Pinalo ko naman siya sa braso.
"Iw!" Saka ako tumawa. Inalalayan niya akong tumayo. Grabe ha? nakakapanglambot ng paa yung sinabi niya.
pagbaba namin. Wala akong nakitang Blaser. Sa tambayan naman namin wala rin siya dun. Gumagawa na nga lang ako kay raffy para dumaan kami sa mga posibleng puntahan nun pero wala siya. Wala lang,gusto ko lang makasigurong okay siya.
"Iwan mo na ako dito pwede?" Gusto ko lang talagang mapag-isa.
"Bakit?" Tanong ni raffy.
"Gusto kong mapag-isa." Ngiti nalang ang sinukli niya saken. "Okay lang ako raffy." sinabi ko yun para hindi na siya mag-alala. Dito ko gustong umiyak ng umiyak. Walang tao dito sa rooftop. Lahat kase nasa klase. Iniyak ko na lahat pero bat ganon? meron pa rin talagang natitira. Aalis na sana ako dun pero may nahagip yung paningin ko. Tinignan ko sa bato kung sino yung mga 'yon. Nagulat ako dahil nakita kong magkayakap si cassy at si blaser.
Masasabi kong masaya na ako para sayo blaser. ayoko ng umiyak ng umiyak. Dahil sa sinabi niya mas magiging okay na ako. Dahil sakanya na nanggaling na hindi niya naman ako kaibigan. Mas magagawa ko na ang mga bagay na hindi ko nagawa dahil kasama ko siya. mas okay ng sakanya ko narinig yung mga salitang 'yon. Hindi ko kayang magbitaw ng mga salita na kagaya nung sinabi niya.
Tinignan ko ulit sila bago ako tuluyang umalis.
YOU ARE READING
FALL INLOVE WITH MY BESTFRIEND.
Teen FictionNahulog ako sa lalaking hindi pwedeng mapunta sakin.