"opo naman po ate. gelfren ka po ba ni kuya?" natawa naman si felicity dahil sa sinabi ng bata.
Tumayo si felicity at kinausap ang mommy ni raffy.
"Hindi po ba niya alam ang nangyari kay raffy?" ang daya mo raffy. Iniwan mo kagad ako. Wala na akong bestfriend na kagaya mo.
Umiling ang mommy ni raffy. "Hindi namin kayang sabihin. Dahil si rafael lang yung lagi niyang kakampi sa lahat,masyado pa siyang bata kaya hindi naten alam baka kung ano pumasok sa isip niya." baket ganto? Hindi ko na alam mararamdaman ko ngayon. Walang kasing sakit ng nangyari ngayon raffy. Hinding-hindi ko makakalimutan 'tong araw na 'to. October 20 nung nawalan ako ng kaibigang kagaya mo. Sana ako nalang yung kinuha kase deserve mo pang mabuhay ng matagal. Naalala ko nung sinabi mo saken na gusto mo rin mag astronaut kaya lalo tayong naging close. Naalala ko yung mga panahong malungkot ako tapos nagmake-up ka para tumawa ako. Kaya pala nung una hindi mo ako nahatid dahil magpapatingin ka pala nun sa ospital. Sorry dahil hindi ko nahalata kagad. Sorry raffy.
Lumapit ako kay blaser at niyakap ito.
"Ayaw kang makita ni rafael na umiiyak. Binilin ka niya saken na ingatan daw kita at wag papabayaan. Kahit naman hindi niya na sabihin tungkulin ko na naman yun. Sabi niya rin diba? Ayaw ka niyang iiyak? So please.""Samahan mo ako dito okay?"
"Kahit di mo sabihin 'yan. Nandito pa rin ako." Ngumiti nalang si felicity.
"Iha,iho tara kumain na muna kayo." Tawag ng mommy ni raffy samen.
"T-tita okay lang po kame." Sambit ni felicity sa mommy ni raffy.
"Ay hindi,magagalit samen si rafael kapag nagutom ka." Ipapangako sayo raffy. Magiingat ako at hindi ko pababayaan sarili ko.
"Tita,ayoko na pong umiyak." Naiiyak nanaman ako.
"Hindi na tayo pwede umiyak dahil magagalit 'yon saten haha." Grabe eto na ata ang kilala kong mga taong sobrang tatapang.
"Tita,hindi ko po kaya." Buti naman at nakaclose ko si tita kagad. Dahil palagi pala akong kinukwento ni raffy.
"Kayanin naten." Nakita kong may luhang papatak sa mata ni tita pero nakita ko kung pano niya pigilan ito. Kaya agad akong yumuko dahil ayoko sa lahat yung may nakikita akong umiiyak.
Naiiyak nanaman ako dahil naalala ko siya sa kantang see you again. Favorite naming pakinggan noon.
"Ikaw nagugutom ka ba?"tanong ko kay blaser at agad namang umiling ito.
"Nakakainis si raffy argh! Mang-iiwan eh."
"Gerfren ka po talaga ni kuya ayi" natawa naman ako sa batang 'to.
"Ano bang pangalan mo baby?" Inasar naman ni tita yung kapatid ni raffy.
"Ay kinikilig siya oh." Ani ni tita sa kanyang bunsong anak.
"Mommy kase eh." Ang cute talaga nitong batang 'to.
"Tinatanong ano daw name mo." Pang-aasar ni tita dito.
"Carlo po." Kinurot ko yung pisngi niya ang cute niya talaga kamukha niya kuya niya.
"Ang cute cute mo." Sabi ko sakanya.
"Ikaw po ganda." Nako,naturuan ata to ni raffy ha?
"Mana ka sa kuya mo ha." Kinurot ko ulit 'tong pisngi niya. Namiss ko na kagad siya foc!
"Kamukhang kamukha si rafael." Sambit ni blaser.
"super haha." naramdaman kong nakatingin saken si blaser tinignan ko naman siya at agad siyang umiwas.
"Baka naman matunaw ako niyan." Pang-aasar ko dito.
Nagulat ako sa bigla niyang pagkurot sa pisngi ko. Wtf!
"Namiss kong gawin yan sayo eh." wah! Tama na please.
"Ayoko ng umiyak please." Ngumiti naman siya.
"Hindi naman kita papaiyakin dahil umiiyak rin ako." ewan ko ba kung matutuwa ako o maiinis eh.
"Che! Tumahimik ka. Naalala mo ba yung nagkita tayo playgr--." Pinutol niya yung sasabihin ko bastos eh.
"Past is past." Sabay ginulo niya yung buhok ko.
"Pero yung past na yun nandito pa rin." Sabay turo sa bandang puso ko. Natatawa ako sa sarili ko ang corny ko.
"la drama iw." tinarayan ko nalang siya at nakipaglaro na ulit ako kay carlo.
Sa gitna ng katahimikan. Dumating na si raffy. Bakit ganto? Sumaya lang saglit may kapalit na lungkot kagad? Binuhat na siya ng tao. Nagsisimula ng bumagsak ang mga luha ko. Ayokong malungkot siya dahil malungkot ako.
Lumapit bigla saken si carlo kaya lalo ako napa-iyak. Ano kayang mararamdaman ni raffy kapag nakita niyang umiiyak itong si carlo? Super close daw nila eh at never nag-away. n
niyakap ako ni carlo. "Ate ganda bakit ka po umiiyak." Wtf! Bakit hindi niya alam? Niyakap ko siya ng sobrang higpit.
"Baby laban lang ha?" nakita kong naguguluhan siya sa mga sinasabi ko.
"Ate ganda sino po yan?" Tinuro niya yung kabaong ng kuya niya. Gusto ko ng sabihin sakanya dahil nakakaawa siya kung titignan. Yung kaninang hinihintay niya nanjan na. Nakahiga nga lang.
Lumapit samen si tita at nakiyakap na rin. "Carlo tara?" Tinanguan ako ni tita at alam ko na ang ibig sabihin nun. Sasabihin na nila kay carlo. Gusto ko munang lumabas hindi ko kayang makita si carlong umiiyak. Ayoko. Ayoko. Ayoko.
isipin mo? sa araw-araw kuya mo lang yung kakampi mo. tapos kahit na pasaway kang bata imbis na pagalitan ka niya sasabayan ka pa niya sa kakulitan mo. Sobrang swerte ni carlo na may kapatid siyang kagaya ni raffy.
Tumayo na ako. Inalalayan ako ni blaser. "Hindi ko kaya." Sabi ko kay blaser.
"Baka maiyak rin ako." Iyaking blaser. Kala ko nagbago na eh hindi pa pala.
nung nakita naming binuhat na ni tita si carlo. lalabas na sana ako ng bigla akong tinawag ni carlo. Bumaba siya sa pagkakabuhat sakanya at niyakap niya ako.
"Ate ganda diba hindi po si kuya yun?" Foc! Kailangan kong maging malakas sa harap ni carlo. Umiiyak si carlo waah! Sa lahat ng iiyak itong bata 'to ang hindi ko kayang tignan o panoorin habang umiiyak.
tumingin muna ako kay tita at kay tito nakita ko silang pinipigilan yung mga luha. Kaya kailangan ko ring maging matatag. "Baby! Punta ka muna kay tita." Agad ng nagbagsakan yung mga luha ko. Hindi ko na mapigilan eh. Buti nalang at nakita kong pinapaliwanag na nila tita yung nangyari kay raffy. Wah! Thankyou raffy for making me happy always.
hindi ako makalabas dahil hindi ako papalabasin ni carlo. Tumingin ako kay blaser at nakita kong naiiyak siya dahil naiiyak ako. Nginitian ko naman siya at pinalapit saken.
"Ikaw ang masasandalan ko ngayon kaya please wag kang iiyak." Sabi ko kay blaser. Tumango naman siya.
"L-lalabas muna ako ha?" Tinanguan ko nalang siya.
yumuko ako para hindi ako makita ni carlo na umiiyak. Ayoko na siyang mahawa pa saken.
"A-a-ate g-g-anda w-wala n-na si k-k-kuya k-ko." Hindi ko na maintindihan si carlo dahil iyak siya ng iyak. Foc!
"N-nandito naman ako baby." tapos niyakap ko siya para hindi niya makita na umiiyak ako.
"Ate ganda silipin mo po kuya ko." wait! Hindi pa ako handa. Ayokong makita ako ni raffy na umiiyak ayun yung sabi niya saken!!!!
Wala na akong magawa dahil hinila ako ni carlo.
YOU ARE READING
FALL INLOVE WITH MY BESTFRIEND.
Teen FictionNahulog ako sa lalaking hindi pwedeng mapunta sakin.