C H A P T E R 16

154 4 0
                                    

"Daming problema." Baliw na nga talaga ako. Sarili ko na kinakausap ko eh. Pero okay lang at least sarili ko pa rin yung kailangan kong palakasin dahil alam kong wala akong mapaglalabasan ng problema.

Tinignan ko yung oras mag 7:00 na pala kailangan ko ng bumalik dun sa play ground.

"wala pa siya." Deserve ko naman atang paghintayin ng matagal.

Hindi ko pa dala cellphone ko. Kaboring naman. Tagal naman nun san pa ba siya nag punta? 7:00 daw? Lagpas na nga. Inaantok na tuloy ako.

Matutulog muna ako dito. Gisingin niya na lang ako.

"Hoy.'' panira naman. iidlip palang sana ako.

"O-oh blaser?" Gulat na gulat bes? Feel ko sobrang nakakatawa yung naging reaction ko pagkakita sakanya.

"Hindi ako multo." Sabay ginulo niya yung buhok ko. Omggg!!! Sobrang kinilig ako. Namiss ko yun. Hindi na ako naiiyak sa sakit. Naiiyak na ako ngayon sa tuwa. Waaah i miss him so muchhh!!!!

"B-baket pala?" Kumunot naman yung noo niya. Ay oo nga pala ako nga pala gustong makipag-kita sakanya kanina. Pero sabi ko wag na ah? Pero pinapunta niya pa rin ako dito. "May sasabihin k-ka?"nyek. Try again later. Parang nag sink in na sa utak niya na FO na kami kaya ayun feeling masungit nanaman.

"D-diba ikaw tumawag saken?" Cute ng reaction niya with matching utal-utal.

"Sabi ko diba wag na?" Pang-aasar ko sakanya.

"E-edi aalis na a-ako." Bakit ba siya nauutal? Napapaghalataan eh. Pasalamat siya napipigilan ko pa 'tong tawa ko.

"Sige ingat." Nanlaki naman yung mata niya. Siguro inaasahan niyang pipigilan ko siya. Di yan aalis,masyado ko na siyang kilala. Nagpapapilit lang ganon.

"Ano ba kase dude?" Ayie dude daw? Dati hindi ako masaya kapag tinatawag niya ako niyan kase sabi niya sa mga kaibigan niya lang yan sinasabi pero ngayon masaya na ako kase magiging okay na kami.

"Ha?dude?ako ba yun?" Sarap mang-asar tapos susuyuin ko sa dulo duh.

"Tss! Bakit ka umuwi ha?! Sabi mo pa pupunta ka kung saan wala ako? Tapos tawag tawag kapa saken ha? Miss mo ko?" Yehey. Siya na si blaser na bestfriend ko dati. I'm happy rn but later i'm cryin' again and again. Oo sobra na kitang namiss.

"Iw." Yung reaction ko talaga jan na parang diring-diri ako. Naiinis na siya yehey.

"Seryosong usapan na 'to. Sasabihin ko na yung gusto kong sabihin sayo.'' Wag na please halatang iiyak nanaman ako nito mamaya. Sabagay may bago pa ba? Nagbago yung itsura niya kanina para bang hindi na ulit si blaser 'tong kausap ko ngayon.

"K-katakot ha?" Pagbibiro ko. Pero hindi pa rin nagbabago yung itsura niya.

"Hindi ko gustong saktan ka gamit yung mga salitang binibitawan ko,patawad kung nasasaktan kita. Sana maintindihan mong hindi na tayo pwedeng bumalik sa d-dati." Ngumiti naman ako. Oo masakit hindi lang pala masakit sobrang sakit. Umasa nanaman kase akong magkakaayos pa kami hindi na nga pala.

Nakayuko siya saken. "Shh! Umiiyak ka ba? Ay wala 'to. Bakla ka talaga hahahaha." Yes ganyan ako kalakas. Like i said napapagod na ako kakaiyak. Imbis na iyak,itatawa ko nalang siguro 'to. I know darating yung panahon na babalik kami sa dati and i know rin naman na not now but soon.

"Hindi ko ginusto patawad dude patawad talaga." Bakit ba siya umiiyak? Okay lang naman na saken.

"Kung saan ka magiging masaya,masaya na rin ako doon." Inner me. Bakit bawal. Nagsawa na siguro saken.

"Hindi dude hindi.'' Hindi ko siya maintindihan sa totoo lang. Hindi niya daw ginusto pero sinabi niya saken? Tapos ngayon hay ano bang nangyayari sakanya.

"May tanong lang ako blaser." Sumeryoso na rin ako. Ayoko ng patagalin pa 'to.

"A-ano yun dude?" Hinarap ko siya saken. Para tignan niya ako sa mata at malaman ko kung nagsasabi siya ng totoo.

"H-hindi ba ako naging mabuting kaib--!" Yes,pinutol niya yung sinasabi ko. Bastos naman ng bestfriend ko lol.

"Hindi ko gusto 'yang mga iniisip mo ngayon. Darating yung panahon na malalaman mo rin ang lahat." Akmang tatayo na siya. Pero pinigilan ko siya.

"Sagutin mo muna." wala na akong luhang nagbabalak bumagsak ngayon. Hindi na ako naiiyak. Siguro naubos na kakaiyak ko sa mga nagdaan nitong araw.

"Kailangan ko ng umalis dude." Dahil mahal kita,kung saan ka masaya kahit masaktan na ako para sayo lalaban ako.

"Sige mag-iingat ka ha?" Kailangan pa nating magkaayos dude.

"Ikaw rin." Mag-iingat talaga ako ikaw nagsabi eh. martir felicity.

Nagtalikod na kaming dalawa. Nakakaproud naman sarili ko dahil hindi ko nagawang umiyak sa harap niya. Sa mga gantong sitwasyon ako dapat umiiyak eh? Pero hindi. Okay baliktad pala. Hindi na ako masyadong nasaktan kase alam ko na sa sarili ko una pa lang na yung mga sayang nararamdaman ko ngayon lungkot ang kapalit.

Malapit na ako sa bahay pero ayoko pang umuwi. Ngayon gusto kong umiyak pero wala ng luha sa aking mga mata.

"Kahit hindi na ako,basta masaya." Nagsasalita na talaga ako mag-isa. Baka sa susunod na araw manapak nalang ako bigla.

Ewan bakit kahit malapit na ako sa bahay ay bumalik pa rin ako sa playground. Hindi ka na iiyak diba felicity? Diba hindi na? Naupo ulit ako sa duyan. Pakanta-kanta nalang.

"Are you okay?" nagulat ako sa biglang pag-sulpot nitong lalaki sa harap ko. Akmang tatayo na sana ako ng mag-salita pa siya. "Wala akong gagawin sayo." Sabay tumawa siya. Nakakaoffend yung pag-tawa niya ha.

"I don't care." Sabay alis. Hindi ba pwedeng kahit isang araw lang maging masaya naman ako? Wala naman akong balat sa ano,pero bat ang malas-malas ko!

"Ano palang name mo miss!"sigaw niya kaya lalo kong binilisang mag-lakad. Wag na sana tayong mag-kita grr. Sino ba yun? Duh.

Salamat at nasa tapat na ako ng bahay. Pag-pasok ko wala si mama. Galit pa rin siguro saken. Hindi ko masisisi sarili ko kung bakit hindi ko masabi sakanya.

Dumiretso ako kagad sa ref. Nauhaw ako bigla dun. Sino nanaman ba yung lalaking 'yon? Panibagong pang-gulo sa buhay ko? Hay.




FALL INLOVE WITH MY BESTFRIEND.Where stories live. Discover now