C H A P T E R 14

179 3 0
                                    

Sorry blaser! alam ko naman na hindi mo gustong sabihin yung mga yun saken eh. Ako dapat ang mag-sorry dahil kung mas masakit lahat ng sinabi mo mas masakit pala talaga yung mga sinabi ko sayo. Patawad talaga dude. Hindi na ako gaganti sayo.

Unti-unti ng nawala si blaser sa paningin ko. "Ako pa rin naman yung felicity na nakilala mo dude.'' para akong tanga dito na nagsasalita mag-isa habang umiiyak. Kanina pa ayaw tumigil nitong luha ko ha? bumaba na ako at talagang binabagalan ko lang sa paglalakad. Nawawalan na ako ng pake sa lahat. Wala na rin akong pake kahit ipatawag yung parents ko dahil 3 teacher ang hindi ko pinasukan. Nung makababa na ako sa floor namin ay lalo ko pang binagalan hindi dahil natatakot akong mapagalitan. Binabagalan ko dahil baka pag nakita ko nanaman siya maiyak nanaman ako.

Eto na tatlong hakbang nalang at baka muli na naman akong maiyak. Bigla akong pumasok sa room. "Anong nangyari sayo felicity?" tanong ni koko. Tinignan ko lahat ng kaklase ko at lahat sila nasa akin ang paningin. Bat wala pa dito si blaser? nauna siyang bumaba sakin ha? Ah,oo nga pala pinagsasabut-sabunutan ko 'tong sarili ko kanina.

"Pls? I'm okay." Tama na muna. Ayoko na munang may kausap. Ayoko na munang makulit. Pagkasabi ko nun ay diretso na kagad ako kung nasan yung bag ko sabay kuha nito at labas ulit. Gusto ko ng umuwi eh.

Tumatakbo ako habang nakayuko. Nasa 2nd floor na ako ng mabangga ako sa dibdib ng lalaki. "S-sorry." Hindi ko na siya tinignan.

"San ka pupunta?" yung boses na yun. Ayun ang dahilan kung bat nagkakaganito ako! Oo,tama si blaser nga. Wag kang titingin felicity wag. Sinabi niya 'yan saken habang nakatalikod kami sa isa't-isa.

"Kung saan wala ka." Sabay ng pagtulo ng mga luha ko.

Nung pababa na ako ng 2nd floor ay sumulyap muna ako sakanya. Nagtaka naman ako bakit hindi siya umaalis sa pwesto kung saan ko siya iniwan. Gusto ko siyang puntahan ulit. Gusto kong magsorry sakanya! Ano na bang nangyayari sa sarili ko? Hindi ko na siya pinansin at tuluyan na akong nakababa. Nakahinga na naman na ako dahil walang guard na nagbabantay. Tumakbo ako palabas sabay para ng jeep.

Ayoko ng mapagod. Baka hindi na muna ako makapasok ng ilang araw. Magpapahinga muna ako. Masyado na akong napapagod.

Cassy's POV

"Saglit lang cassy ha? may importante lang akong pupuntahan." Sabi saken ni blaser. Tumango naman ako sabay ngiti.

Alam ko naman na alalang-alala na talaga siya dun kay felicity. Dahil ilang subjects na ang hindi niya napasukan. Kung ako kay blaser aamin na ako kay felicity dahil halata naman kasi na parehas silang may nararamdaman sa isa't-isa. Ayaw pa akong paniwalaan nung lalaking 'yon. Dahil kaibigan lang naman daw tingin sakanya ni felicity. Nung nasa rooftop kami. Ngayon lang ako nakakita ng umiiyak na lalaki na naglalabas talaga ng problema lalo pa sa babae. Kaya sobrang humahanga talaga ako kay blaser. Biruin mo? kaya lagi siyang may komento kapag may sinasabi yung mga teacher namin. May dahilan pala siya. Hindi alam ni felicity na sa 'bawat salitang binibitawan ni blaser ay siya rin mismo ang nasasaktan'. naawa ako kay blaser dahil lagi ring may sinasabi na mas masasakit na salita si felicity sakanya. Ayun yung dahilan kung bakit araw-araw siyang umiiyak. Lalaki yun ha? lalaki. Ang swerte naman ni felicity dahil may lalaking umiiyak dahil mas okay ng siya yung masaktan wag lang yung taong mahal niya.

Gusto ko sanang sundan si blaser. Kaso inisip ko na ayun nalang yung oras na meron sila,guguluhin ko pa ba? Oo,nagagalit ako kay felicity dahil hindi niya alam na mas masasakit na yung mga binibitawan niyang salita. Pero naaawa rin ako sakanya dahil nakita ko yung mga luhang pumapatak sa kanyang mga mata nung time na sinabihan siya ni blaser na hindi niya ito kaibigan. Pak! Grabe,sobrang natuwa ako dahil may pag-asa pang maging magkaibigan sila ulit. Dahil nasasaktan pa rin si felicity kapag may sinasabi siya. nahuhuli ko rin na madalas kami tignan ni felicity.

Gusto talaga ni blaser si felicity. Lagi niya itong pinapaalala saken. Lagi niyang sinasabi na si felicity daw yung babaeng hindi niya kayang mawala. Hinihintay ko lang talaga na siya mismo magsabi saken kung bakit kahit ayaw niya 'tong umalis sa buhay niya ay gumagawa siya ng ikakagalit ni felicity. Ano ba kaseng dahilan yun blaser? T'wing naglalabas siya saken ng problema lagi ko nalang siyang pinapatawa kase alam ko hindi niya na kaya yung mga naririnig niya. Pinipilit niya nalang maging masaya kahit na nasasaktan na siya.

Felicity's POV

Bumaba na ako at nandito na ako sa tapat ng bahay.

Kailangan kong mag panggap na okay lang ako. Inayos ko na yung buhok ko. Lahat inayos ko muna saken para hindi halatang nagdrama ako sa school.

"hi mama kong maganda tulad ko!" pakshet. Ang hirap magpanggap na masaya habang may tutulong luha.

"Anyare sayo? bakit ang aga mo?" Dahilan. Dahilan. Dahilan sunapi ka sa utak ko. Ngayon na please.

"Mama sobrang pagod na po kase ako sa school eh."

"Sige na't kumain ka muna dito."

"Okay lang ako ma!" masigla kong sabi. Plastik.

"Basta bumaba ka dito ha? kapag nagugutom ka." Pwede bang bumaba nalang ren kapag nasasaktan. Charot.

"Okie mama!" sabay kiniss ko siya sa pisngi. waah! kaya ko 'to. Papanindigan ko talagang hindi muna ako papasok. Ayoko. Ayoko. Ayoko. Tapos.

"Hay salamat." Nakaligtas kay mama. Huminga na kagad ako sa kama ko. Inantok ako bigla dun ha? Wag na sana akong magising. Iwas problema.


FALL INLOVE WITH MY BESTFRIEND.Where stories live. Discover now