C H A P T E R 15

166 3 0
                                    

"Nak? Kumain ka na muna dito." hindi ko pinagbuksan si mama. Nagkunwari akong tulog.

Dati sobrang saya ko kapag alam ni mama yung problema ko. Pero ngayon sobrang nahihiya na akong magsabi sakanya lalo pa at tungkol sa love. Hindi naman nagagalit si mama pero feeling ko imbis na ako lang yung nasasaktan pati rin siya nadadamay pa.

Bakit ba kase kay blaser pa ako nagkagusto? Bakit hindi nalang kay thomas? Childhood friend rin namin. Kaso kase ang sama-sama ng ugali nung thomas na yun. Pero sobrang alaga kami dun nila zayen yie naalala ko nanaman.

Ako kase yung may mali eh. Alam ko naman na kahit hindi na kami mag-kaibigan. But for me blaser is still my bestfriend. No one can replace you   in my heart dude.

Inaantok na ako. Onti nalang at makakatulog na rin ako.

"Nak? May bisita ka." Ha? Bisita? Sino naman 'yon.

"Sino po yun ma?" Tanong ko.

"Buksan mo daw muna yung pinto." Agad ko namang itong binuksan dahil baka si blaser 'to. Kinilig muna ako bago ko buksan yung pinto.

Pagkabukas na pagkabukas ko ay si koko agad ang bumungad saken. Pero wait? Umiiyak siya?!

"Maiwan ko muna kayo nak." Tinanguan ko nalang si mama. Bakit parang naluluha rin si mama?!

"Koko? Anong nangyari?" Sobrang nag-aalala ako sakanya. Pinalayas ba siya? Wala akong maisip na dahilan para humagulgol siya ng ganito.

''F-feli-felicity?" naiiyak na rin ako nahahawa ako sakanya grabe yung iyak niya. Ano ba talagang nangyari sakanya.

''Ano ba talagang nangyari koko?" Mangiyak-ngiyak kong sabi.

"Ka-ka-kase." Seriously naiinis na ako ng sobra.

"Koko? Ano ba kase 'yon?!" Hindi ko na napigilang sigawan siya. Ayoko ng pinuputol-putol yung sasabihin fck! I hate that sh*t.

"W-w-wala."

"Koko ano ba kase 'yon?!" Naiiyak na ako. Actually patulo na talaga yung luha ko. Pinipigilan ko lang dahil ayoko maging mahina sa harap ng mga kaibigan ko lalo na at baka ako lang ang pinagkukunan nila ng lakas tapos iiyak ako?no way!

"S-si blaser." Dun na tuluyang nagbagsakan lahat ng mga luha ko. Ewan ko ba pero pakiramdam ko may nangyari kay blaser.

"Koko! Ano bang nangyari kay blaser!" Yung pag-sigaw ko kay koko akala mo nasa malayo kami sa isa't-isa.

"W-w-wala n-na s-siya f-felicity."koko ano bang pinagsasabi mo! Anong wala na si blaser eh kanina lang magkasama kami? Pinagloloko ata ako neto eh.

"Nak gising ka na ba?" Nagulat ako sa boses ni mama. Yes isa lang 'yong panaginip. Agad kong hinanap yung cellphone ko at tinext ko kagad si blaser. "Nak?" Katok ni mama. Nakaramdam naman siya na tulog pa ako kaya bumama na siya.

"Are you okay?" Hindi ako mapakali. Nagbihis kagad ako ng mabilis.

"Kailangan kong masigurong okay ka lang blaser." Yan nalang ang nasabi ko habang naghahanap ako ng maisusuot.

FALL INLOVE WITH MY BESTFRIEND.Where stories live. Discover now