Chapter 1: The first time we meet

116 5 0
                                    

 Naglalakad na ko papunta sa office ng school paper namin. May meeting kami ngayon para ma distribute na yung mga gagawin na articles

 "Uy jianne nandyan ka na pala upo ka dito."

 
Tumabi ako kay renz. Kaklase ko sya ngayon. Magkakilala na kami since elem dahil nakaka laban ko din sya sa mga contest noon. Matalino din sya at gwapo. Medyo maliit nga lang at may kapayatan pero okay lang bagay naman sa kanya eh tsaka matalino din to at matinik sa chiks hahahahaha.

 "Renz and jianne kayo na lang mag cover ng basketball championship ha? Mag share na lang kayo sa facts"

 

"Yes po maam"


sabay pa naming sabi ata tumawa kami parehas para kaming choir eh hahaha ang weird lang. Nag start na ko mag sulat at gumawa ng score sheet para mabilis ako makakuha ng facts. Nag stay muna kami dito ni renz, maya maya pa naman start nung basketball sa gym. At dahil medyo naiinip na ko sinalpak ko muna yung earphones na dala ko sa tenga ko para naman malibang ako ng konti..


 "Uy pre!"


 Rinig kong sabi ni renz. Dumating na pala best friend nya si vince. Magkaklase sila since elem kaya ayun...

 "Uhmm vince sumama ka na lang muna kay renz at jianne ha?"


Rinig kong sabi ni maam. Di naman ganun kalakasan yung volume nung music na pinakikinggan ko sapat na para marinig ko pinag uusapan nila. Biruuin mo nga naman. Pinasama pa samin yung masungit na to.

"Uy vinceee!!! Kamusta ka?"


Tanong ko with shining glimmering eyes pa. Pero jusko tinignan lang nya ko. At ni hindi manlang ako nginitian o sumagot manlang sa tanong ko. Shit. Is this kabastusan? Napaka sama nya. LUPA LAMUNIN MO KO! Nakaka hiya ang dami pa naman tao dito tapos dedma lang nya ko hayys.


"HAHAHAHAHAHAHA"


hagalpak naman tawa netong renz na to. Bwisit. Mga bwisit silang nilalang. Mag bwisit na sperm count! Sana di na lang sila nauna sa sperm race nung sperm pa lang sila eh! De sana di ako napahiya ngayon😥. Di ko talaga alam kung pano sila naging mag bestfriend eh? Kasi sobrang daldal ni renz ubod naman ng tahimik ni vince.


 "Jianne! Jianne? Ano ba kasama ka pa ba namin? Kinuha ka na ba ni lord? HAHAHA masyado mo naman ata dinamdam yung di pag pansin sayo ni vince"


 Ay teka? Ha? Ano daw? Ala na ko sa wisyo. Lalim na pala ng iniisip ko..


 "Ha? Eh ano? Tara na ba?"


 "HAHAHAHAHA oo tara na. Pre tara na din"

 Ang lakas talaga mang asar netong renz na to nakaka bwisit. Tiningnan ko si vince saglit. At nakatitig din pala sya sakin. Ang talim nya tumingin ha nakaka hiwa. Di ko alam kung jinu-judge na nya ko dahil feeling close ako sa kanya kanina o ano?? Ay basta ewan. Sasama na lang ako dito sa dalawa na to kahit feeling ko mao op lang ako sa kanilang dalawa. Sana hindi naman.. Lord help meee😭

Making you mineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon