"Oh ano? Di ka pa ba lulubay ng kangangawa dyan sa vince na yan ha?. Eh pinaasa ka lang nun eh!"Hay nako eto nanaman ho sya. Eto nanaman si mia. Pangangaralan nanaman ako ng kung ano ano.
"Ano ba! Naka move on na nga eh ano pa gusto mong marinig?" HAHAHAHAHAHA ewan ko ba ang kulit din talaga nitong kaibigan ko eh.
"Mabuti naman. At siguraduhin mo lang. Baka mamaya iiyak iyak ka nanaman dyan!"Halos 6 na buwan na din ang nakakalipas. Bumalik lang sa normal ang buhay ko.. Ganun pa din. Im still a no one. And vince? Ayun gaya lang din ng dati. Pag nagkakasalubong kami parang ala lang. Di na ko nag habol pa sa kanya.. Ala na din naman akong hahabulin. Ala na din naman akong kailangan pang sabihin sa kanya. Okay na din siguro ako sa ganito. Kung kami naman eh kami talaga eh. Uunahin ko muna yung sarili ko ngayon. Kung ikaw vince sinabi kong wag mong sukuan si gwen. Ako susuko na ako sayo. Pero kung sakali man na babalik ka ay tatanggapin kita ulit. Nandito lang ako tinatanaw ka sa malayo at naghihintay lang.
"Bes! Alam mo ba may liga ang bayan ngayon. Inter-baranggay! At may kakilala ako naghahanap sila ng muse" sabi sakin ni mia tuwang tuwa naman sya siguro ay kinuha syang muse nun? Maganda naman sya eh.
"Ano nakuha ka ba?" Tanong ko sa kanya.
"Oo nakuha ka"
"Ah mabuti yan ng ma expose ka naman ng konti.." Teka ano daw sabi nya!?
"Anong sabi mo mia!?"
"Sabi ko oo nakuha ka!" Sabi nya sakin hindi lang basta sabi dahil sinigaw nya talaga sa muka ko yun.
"Jusko mia sinama mo nanaman ako sa kalokohan mo! Ayoko nyan. Ayoko ng ganun!"
"Ano ka ba sayo na nga din galing na okay yun para maexpose ng konti eh""Kelan ba yung liga na yan?"
"Mamaya na.."Tingnan mo nga naman siraulo talaga tong babae na to oh!
"Di ka na pwedeng umatras dun jianne nakakahiya naman sa kakilala ko."
"ANO!? Eh sakin di ka manlang nahiya! Ang sama mo"Nakakbwisit naman tong babae na to oo..
"Oo nga naman anak kaya halika na maligo ka na at pupunta na tayo sa parlor"
nagulat ako ng bigla na lang pumasok dito sa kwarto ko si mommy.. Nandito kasi si mia samin ngayon siguro magka kuntsaba sila dito. Kanina pa talaga ako nag tataka kung bakit bigla na lang nagpunta si mia dito ng walang dahilan eh. Ngayon alam ko. At dahil no choice ako. Eto napasubo na. Ala ng atrasan hayss..Pagkatapos ko maligo dumiretso na agad kami sa parlor ni mommy. Naka bihis na din ako ng jersey na dala din ni mia syempre. Bakit ba kasi di ako nabigyan ng pagkakataon na umapela ha!? Pag pasok namin ng parlor nakipag beso si mommy dun sa bakla na may ari ng parlor.
"Hi mamshie. Ngayon ka lang ulit nabalik sakin dito ah ano bang sadya mo?" Tapos nginuso na ko ni mommy siguro ay nag uusap na sila
"Ay ang ganda naman pala ng anak mo manang mana sa mommy!"
Ngumiti na lang ako sa kanya. Maya maya pa eh pinaupo nya ako sa isang parang swivel chair dun at tsaka nya ko inayusan.Ilang oras din ang nakalipas bago nya matapos na ayusan ako. Humarap ako sa salamin at halos di ko na makilala ang sarili ko. Malayong malayo ito sa simpleng ako lang pero masasabi ko na bagay at maganda ako ngayon. Kinulot nya ang bandang part ng buhok ko na bumagay naman sakin dahil may kahabaan ito. At umayon din sa mukha ko at sa suot ko ang nilagay nyang make up na medyo brown at inilabas nun ang mapupungay kong mata. Nakasuot ako ngayon ng itim at puti na jersey na pinaresan ko din ng high waist na puting short at brown na boots na bumagay naman sa medyo morena kong kutis.
"Napakaganda naman ng anak ko! Manang mana ka sa nanay mong nuknukan ng ganda!"
"HAHAHAHAHA mommy naman hano! Ikaw talaga!"
Ang nanay ko talaga kahit saan na lang..Binayaran na ni mommy yung nag ayos sakin at nag thank you na din sya.Sumakay na kami sa kotse at dumiretso na sa gym na pag gaganapan nung opening nung inter baranggay ngayon. Ni hindi ko nga alam kung sino yung pag mumuse-an ko eh. Biglaan naman kasi.Pag dating namin dun at pagbaba namin ng kotse sinalubong agad kami ni mia.
"Bessy! Ang ganda ganda mo naman ngayon! Tara na dadalhin na kita dun sa team mo!"
At hinatak nya ko. Childhood friends kami ni mia dahil magkaibigan mga magulang namin. Siguro nga kilalalang kilala na nya ako ngayon pero sadyang matigas lang ang ulo nya at madalas din nya ko pag tripan kagaya na lang ngayon bigla na lang akong naging muse.Pagkapasok namin sa loob nakita ko na agad yung sinasabi nyang teamates ko daw eh di naman ako kasali sa maglalaro. At sa di ko din inaasahan na pag kakataon. Kasama dun si vince.. Biglang tumigil mundo ko. Ang tagal ko na syang di nakikita at nakakausap. Di ko lang ineexpect na magkikita pa ulit kami.
"Surprise!" Sigaw ni mia.
"Si vince nga pala ang escort mo ngayon sa parade!"
Dagdag pa nya. Di ko alam kung anong dapat isagot at iasta ko. Minsan talaga di ko alam kung kakampi ko ba si mia o ano eh? Pero sa totoo lang. Na surprise talaga ako. Di ko lang alam kung dapat akong maging masaya o kung ano pa man. Pero isa lang ang sigurado ko sa ngayon. Na sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
BINABASA MO ANG
Making you mine
RomancePrologue College.. "Hoy sungit naka kunot nanaman noo mo HAHAHAHA" Tapos titignan lang nya ko pabalik. Ganyan sya eh nakaka asar napaka snobbero nung lalaki na yon palibhasa gwapo. Ni minsan sa buhay ko di ko nakitang ngumiti yon eh ni hindi ko pa n...