Chapter 2: The basketball championship

46 4 0
                                    

Naglakad na kaming tatlo papunta sa gym. At syempre ano pa nga ba ang ieexpect ko edi eto. Nasa likuran nila kong dalawa. Nag uusap sila samantalang ako parang hangin lang dito. Hays. Nakarating na kami sa gym. Pag pasok pa lang namin naririnig ko na yung hiyawan ng mga fangirls nung mga basketball player dito. Puro naman sila pa pogi. Naupo kami malapit dun sa score board. Medyo nahihilo talaga ko. Di ko alam kung dahil ba yun sa di pa ko nakaka kain or dahil sobra talagang ingay dito sa loob? Ah ewan basta nakakahilo. Naupo ako sa gitna nilang dalawa. Pano yun na lang yung space na pwede kong upuan. Wag kayo assuming no kung di lang no choice at kung di lang din masyadong seryoso si renz sa panonood ng championship eh di ako tatabi at papagitna sa dalawang bwisit na to.

 "Uhmm jianne? Penge nga akong papel hehe"


 Bwisit matapos mo ko pagtawanan at asarin kanina eh hihingi ka sakin ngayon! Manigas ka dyan! Yan gusto ko sabihin ka renz ngayon pero..


"Oh!"

At inabutan ko syang papel. Para manahimik na sya. Ayoko syang kausap nakaka bwisit sya! Maya maya pa nag start na yung game. Napaka ingay ng mga tao dito. Lalo na yung mga babae halos pumasok na sila dun sa loob nung mismong court para mayakap mga idol nila. Tsss. Poor people. Kung ako papipiliin mas pipiliin ko mag stay sa loob ng class room kesa kasama tong vince at renz na to! Akala ko talaga kanina ako yung hangin dito eh. Pero nag kamali ako. Si vince yon. SI VINCE! Para syang hangin dito sa tabi ko ni hindi sya umiimik. At dahil sa busy ako sa kaiisip di ko napansin. Palapit na pala sakin yung bola putek! Wala na kong oras para iwasan pa yun kaya ayun! Sapul ako sa muka. Kumurap kurap pa ko ng konti. Teka ala naman tumama sakin ah? Dumilat ako. At pag kakita ko nasa harap ko si vince. Omyyyyy ano ba to?


 "Ano ba? Sa susunod wag mo na kasi pinag nanasahan mga basketball player dyan at tsaka pwede ba? Tumutok ka sa game di yung kung ano ano iniisip mo dyan!"


Aba teka bat sya nagagalit? Ang tapang talaga ng hiya netong lalaki na to. Inisnob na nga ako kanina eh nagalit pa. DE SANA DI MO SINANGGA YUNG BOLA! gusto ko sya sigawan. Pero naalala ko dahil sa kanya di tumama yung bola sa pag mumuka ko at dahil sa kanya kahit papano di na ko nagkaron pa ulit ng panibagong kahihiyan ngayon. Pero kahit na sya pa din dahilan kung bakit ako napahiya kanina.. Hmmmp!


 "Ah eh sorry! Medyo nahihilo kase ko. Tsaka pwede ba? Wag mo ko sigawan. At paki bawasan lang yung kasungitan mo no?"


Aiissh. Napaka sungit nung lalaki na to. Bumaling na lang ako sa kaliwa ko. Kitang kita ko kung pano kumunot noo ni vince nung sinabi ko yon. Bakit ako mag papasalamat sa kanya eh napaka sungit nya!


"Kagwapo mong tao napaka sungit mo.." Bulong ko.


"Ano? Ano jianne? Nagagwapuhanka kay vin--" tinakpan ko bibig ni renz dahil baka makatawag atensyon pa sa masungit dine sa tabi ko kung ano ano nanaman masabi sakin. ano ba trip netong renz na to at kanina pa ko inaasar.

 "Ano ba renz itikom mo nga bibig mo nakaka asar ka"

 "HAHHAHAHAHA sorry na jianne pero sabi mo kase nagagwapuhan ka sa bespren ko"


 Ay jusko. Kunwari ko pa sya pinag sabihan. Ala din. Ala. Lord konting mercy naman. Kanina pa ko napapahiya dito😭 lupa lamunin mo ko😭 ayoko na dito😭 waaaaah😭

Making you mineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon