Past lunch na ng magising ako. Agad akong bumaba at hinanap si mommy.
"Mommy! Anong lunch?"
"Mija mabuti naman at gising ka na. Kumain ka na dyan may pagkain dyan sa lamesa pagkatapos ay maligo at magbihis ka na aalis tayo" sabi sakin ni mommy habang sinasalubong nya ko galing sala. Nagtaka tuloy ako kung san kami pupunta pero baka mag grocery lang? Tutal ala naman na din kaming stocks dito sa bahay eh.
Ginawa ko na lang yung sinabi ni mommy kahit di ko alam kung san ba kami pupunta. Tapos ibebenta pala nya ko no? HAHAHAHAHA Grabi ti!
Pagkatapos kong kumain ay naligo na ko at nagbihis. Nag suot na lang ako white na sando at black pencil cut na skirt at kulay beige na cardigan na pinarisan ko ng white rubber shoes. Casual at magandang tingnan. Para muka naman akong tao kahit di ko alam kung san kami pupunta. Hinayaan ko na lang din na nakalugay yung buhok ko. After nun ay bumaba na ko sakto naman at nakasakay na si mommy sa kotse at hinihintay na lang akong lumabas. Ni lock ko ang pinto namin at sumakay na sa sasakyan.
"Mommy san ba ang punta natin?" Tanong ko sa kanya. Eh sa totoong lang kanina pa ko nag tataka eh kasi bigla na lang syang nag aya ng lakad.
"Sa gown designer at event planner" mas lalo lang akong nagtaka sa sinagot sakin ni mommy.
"Ha? Mommy? Bakit naman tayo pupunta dun? May ano ba?"
"Ay Mija! Ano ka ba? Syempre debut ko na. Ay este debut mo na pala. Paghahandaan natin yun sa ayaw at sa gusto mo!" I just rolled my eyes somewhere pero napangiti ako. Syempre lahat naman ng babae nangangarap na magkaroon ng larty para sa debut nila. Pero wish ko lang naman eh umuwi si dad at kuya. I really do miss them.
Maya maya pa nakarating na kami sa isang resto. At pagpasok namin dun ay may sumalubong agad kay mommy na dalawang babae. I think they are mid 40s yet they still look young.
"Hi maam good morning. So start na po ba natin?" Tanong nung babaeng naka white na dress.
"Oh. Yeah sure" sagot naman ni mommy. Sa tingin ko sila yung sinasabi ni mommy na designer at event planner.
"So by the way Im Ellaine and i will be your designer" sabi nung babaeng naka white at nakipag shake hands sa akin at kay mommy. Nginitian ko sya. She's so beautiful.
"And I'm Lea. Event organizer" sabi naman nung babaeng naka blue. And yeah maganda din sya. At eleganteng tingnan. At yun na nga pinag usapan na namin yung gusto kong maging team ng debut ko.
Pinili ko yung kulay maroon na gown. Balloon gown sya na may mga gold na beeds at naka burdang design sa pinaka ilalim ng gown na kulay gold din. Backless at medyo mababa yung pagka v-neck sa harap. Bukas baka pumunta kami sa shop ni maam ellaine para masukatan na nya ako at matahi na nya yung design ng gown na gusto ko. Sunod ko naman na pinili ay yung theme na gusto ko. Ayoko nung mga nakalgay dun sa brochure na dala ni maam lea so nirequest ko na lang na gusto ko na maging 'Enchanted Flight' ang theme nung debut ko. Gusto ko sana na mag mukang fairytale na medyo may dating ng interior design ng eroplano yung pinaka venue at ibat ibang trade mark ng mga bansa. I want to take my guest to different countries and make them feel na they are a real life prince and princesses na magagawa ang gusto nila. Because that's what i want. And syempre pinili ko yung theme na yon para para kahit paano eh maalala ko si kuya and dad kahit di sila makaka uwi para sa debut ko. At syempre pinili ko din yung passport style na invitation.
Pagkatapos namin mag usap tungkol sa party ay umorder na din si mommy ng makakain namin at medyo nag usap na muna sila bago tuluyang magpaalam.
"Oh pano Anjie? Mauuna na kami ha? See you na lang sa susunod na araw for the other details and preparations" then nakipag beso sila sa amin ni mommy at tulyan ng umalis.
"Ahmm mommy uuwi na ba tayo?" Medyo naiinip na din kasi ako dito.
"Yes mija uuwi na tayo. Nakaka lungkot lang talaga na di makakauwi si Kuya at daddy mo sa bday natin" alam kong miss na din ni mom si kuya at si dad. Ako man nalulungkot dahil di nila ako maisasayaw sa araw ng ikaw labing walong kaarawan ko. Lumabas na kami ni mommy sa resto after nyang bayaran yung nakain namin.
Tapos sumakay na kami sa kotse at umuwi na. Pagdating na pag dating namin sa bahay ay umakyat na muna ako sa kwarto at naghubad ng sapatos. Ng may narinig akong nag gigitara sa labas. Dali dali akong bumaba ng hagdan at bumungad sa akin si vince. May dala syang gitara. At tinutugtog nya ang pamilyar ba himig sa akin. Ito yung melody nung ginawa kong kanta.
"Close your eyes
I'm not saying goodbye
Together we will fly
It's only a matter of timeBaby you're all I see despite this misery We're loving in silence 'cause that's supposed to be
Maybe after all this mess you can put your heart to rest
Cause we're meant to be free"Di ko alam pero halos mangiyak ngiyak ako sa kinakanta nya. Ngayon ko lang napansin na nasa tabi ko na pala si mommy ngayon. Nakaka overwhelm yung ginagawa nya para sa akin.
"Love is easy
If we're all free
But they always make it hard
They always make it hard" Tinapos na nya yung kanta. Hindi ko mapigilang ngumiti dahil sa sobrang saya."Jianne. Matagal ko ng natapos yung pinangako ko sayo na itutuloy ko yung ginawa mong kanta. At eto na yun. Sana naging masaya ka" sabi nya sakin at inabot ang 3 puting rosas.
"Gusto kong malaman mo na di na ako aalis sa tabi mo. Na wag kang matakot na mahalin ako at mamahalin din kita ng buong buo. Di man sayo nag umpisa yung buhay ko pero sisiguraduhin kong sayo ito matatapos. Jianne. Gusto kita. At handa akong patunayan sayo yun. Pumayag ka man o hindi. Liligawan kita. Gagawin ko lahat hanggang maging akin ka na" Di na ako nagkaroon ng pagkakataon para sumagot pa. Dahil kahit hindi na nya tanungin. Mamahalin ko din sya.
BINABASA MO ANG
Making you mine
RomancePrologue College.. "Hoy sungit naka kunot nanaman noo mo HAHAHAHA" Tapos titignan lang nya ko pabalik. Ganyan sya eh nakaka asar napaka snobbero nung lalaki na yon palibhasa gwapo. Ni minsan sa buhay ko di ko nakitang ngumiti yon eh ni hindi ko pa n...