Chapter 7: Talented

18 2 0
                                    

 Nag aalarm na yung phone ko kaya naalimpungatan na ko. Umaga na pala. Ewan ko pero feeling ko ang daming magagandang mangyayari ngayong araw. Sana. Bumangon ako sa higaan ko, naligo at nag bihis na para maaga ako makapasok ngayon sa school. Nagsusuklay na ko ng buhok ko ngayon sa salamin ng biglang tumunog yung notification tone ng phone ko at may nag pop up na message don. It was vince.

V: Hey! Good morning. See you at school.

Napangiti naman ako dun sa message nya. Ewan ko ba di ko alam kung anong pakiramdam to pero feeling ko buo na yung araw ko. Pagkatapos ko mag suklay bumaba na koay dumiretso sa dining table. Nakahanda na yung almusal namin ni mommy as usual sabay kami nag aagahan. Pero nakapanlakad sya ngayon san naman kaya sya pupunta? 

"Mija. May aasikasuhin lang akong papers ngayong araw pupunta ako sa cavite. Gusto kitang isama kaso alam ko naman na di ka aabsent baka gabihin ako ng uwi alam mo naman na traffic so better text mia para may kasama ka dito okay?"

 "Yes mommy mag ingat ka po" then sabay na kaming kumain. After we eat mom drove me to school. I kiss her in cheeks and wave good bye.

 "I love you mija take care!" She said with big smile in her face. Nag lakad na ko papunta sa first class ko ngayong araw. Pag dating ko sa classroom nandun na si mia. Buti naman at nakita ko sya ngayong araw.

 "Mia! Ala si mommy ngayon gusto mo ba mag movie night? Or sleep over samin?" Nginitian ko sya umaasa na papayag sya tsaka gusto ko din kasi ikwento sa kanya yung nangyari sakin kahapon dahil hindi siya nag pakita sakin.

 "Bes sorry. Aalis kasi kami mamaya eh. Sayang naman gusto ko din kaso di naman ako pwede"

medyo nalungkot ako ng konti dun sa sinabi nya. Feeling ko maiinip lang ako samin mamaya pano dadalawa na na lang kami ni mommy sa bahay tapos umalis pa sya ngayon ala tuloy akong kasama. Maya maya pa dumating na yung teacher namin. And as usual ala naman pagbabago sa klase. Normal na araw lang. Mabilis natapos yung araw ko ngayon. Di kagaya kahapon. Pero okay na din yun para magkaron ako ng time sa mga gusto kong gawin. Maaga lang natapos lahat ng klase ko kasi hanggang 2 lang naman ako ngayon. Kaya after ng lahat ng class schedule ko ngayong araw uuwi na ko. Nag lakad na ko palabas ng gate. Nasalubong ng mata ko si vince at si gwen.. Di ko alam? Pero masakit. Di ko na lang sya pinansin tsaka isa pa ala naman akong karapatan. Nakipag kaibigan lang naman sakin yung tao. Di ko dapat sya pakielaman. Erase. Erase. Di ko na napansin parang bigla na lang akong lumutang nandito na pala ako sa gate. Nag abang na ko ng masasakyan gusto ko ng umuwi. Nung nakasakay na ko sinabi ko na lang agad sa driver kung san nya ko ibababa. Diretso lang tingin ko sa daan ewan ko ba pero di talaga maalis sa isip ko yung kanina. Ang gulo gulo mo vince! May pa text text ka pa ng see you at school! Baka naman na wrong send ka lang sakin kaya ganun. Hays. Ayoko ng umasa. Nung una naman okay lang sakin na friends kami. Nothing more nothing less. Kaya okay na din siguro yun? Pumara na ko kay manong at inabot ko sa kanya yung bayad ko. Pumasok na ko sa bahay at kumain ng mac and cheese na niluto ni mommy. Ininit ko na lang sa microwave para naman masarap kainin. Habang kumakain ako di pa din mawala sa isip ko. Ang gara naman! Pag katapos ko kumain umakyat na ko sa kwarto ko at nag bihis. Nag facebook lang ako saglit ng maisipan kong matulog na lang tutal nakaka bored at nakaka antok tong hapon na to. Nakaka panibago pag wala si mommy walang maingay hahahahaha... Nag unat unat pa ko ng konti. Di ko namalayan nakatulog na pala ko kaiisip. Tiningnan ko kung anong oras na. 5 pm na pala! Tapos wala pa din si mommy kasi wala pa yung kotse sa grahe. Tama sya gagabihin nga sya. Nabobored na talaga ko ngayong araw kaya naisipan kong kuhain yung journal ko at yung gitara ko. Papractice-sin ko na lang muna yung ginagawa kong kanta. Bumaba na ako at pumunta sa harap ng bahay namin. May upuan at lamesa din don para syang mini-garden yun lagi ang tambayan namin ni mia pag ala kaming magawa. Umupo na ko dito sa bench at tumugtog na..

Vince's POV

Di ko manlang nakita si Jianne maghapon. Kaya pagkauwi ko galing school pinag iisipan ko na talaga kung pupuntahan ko ba sya o wag na lang? Alas singko na nung napag pasyahan kong puntahan sya. Nag bike na lang ako tutal malapit lang naman bahay nila. Kanina ko pa sya tinetext di naman nya ko nirereplyan. Kaya pupuntahan ko na lang sya. Bumili ako ng pizza dito sa pizza parlor sa labas lang ng subdivision namin. Sana magustuhan nya to.. Pagdating ko sa kanila may naririnig ako nag strum ng gitara. Di na muna ko dumiretso. Para kasing si jianne yung kumakanta kaya pinakinggan ko na muna. 

"Oh your eyes They shine so bright Wanna see them every night I'm drowning.."

 "Love is easy, if we're all free but they always make it hard. They always make it hard.." 

Maganda pala ang boses nya at sanay din pala syang magitara ang galing nya! Pero di ko alam kung ano yung kinakanta nya.. Gawa nya kaya yun? Pumalakpak ako habang papalapit ako sa bahay nila. 

"Jianne! Ang galing mo pala kumanta!"

 Mukang nagulat sya di nya siguro ineexpect na pupuntahan ko sya. Nag text naman ako na pupunta ako ah? Di nya siguro nabasa abala sya sa pag kanta eh.

 "Uy? Vince nandyan ka pala? Nakakahiya.. Di naman ako ganun kagaling😅" 

"Oh eto may dala akong pizza! Nandyan ba mommy mo?" 

"Ako lang nanito vince eh umalis kasi si mommy"

Jianne's POV

Nagulat pa ko nung biglang sumulpot na lang dito si vince. Di ko napansin madami pala syang text sakin.

"Jianne ikaw ba sumulat nung kanta? Ang galing mo!"

 Nakakatuwa naman. Ngayon pa lang kasi may nakarinig ng kanta ko bukod kay mommy 

"Ah oo vince kaso di ko pa sya tapos eh"

 "Pwede ko bang mabasa? Gusto mo tulungan kita try ko gawin yung kalahating part" bumabawi ba sya? Nakita kaya nya ko kanina? 

"Ahm sige" at ngumiti lang ako sa kanya.

 "Ang talented mo pala jianne. Ang ganda nung gawa mong kanta" di ko alam pero bigla na lang naglaho yung pakiramdam ng lungkot sakin. Kung kanina nalulungkot ako dahil sa kanya ngayon sya naman tong nagpapangiti sakin. Ang sarap sa pakiramdam na mapuri yung gawa ko. Nagulat ako kasi bigla na lang tumunog yung gitara ko hawak na pala nya. Tinitipa at iniistrum na nya yung mga chords na nilagay ko dun sa kanta na gawa ko. 

"Tama ba yung tono?" Tanong nya sakin. Pero ang galing nya kasi unang beses pa lang nakuha na nya kaaagad

 "Ah oo vince tama!"

 "Sige nga kantahin mo.." Tapos sinunod ko na lang yung gusto nya

 "Oh your eyesThey shine so bright Wanna see them every night I'm drowning

Oh we tried Tried to make it last Tried to give a good fight Ended up drifting apart

Maybe you're up there and I'm down here Maybe we're not together I guess it's not yet clear Maybe you're from Venus and I am from Mars Maybe we're just allowed to love from afar 

Love is easy If we're all free But they always make it hard They always make it hard" 

Tapos nginitian nya ko at nag thumbs up sya!

 "Sige kumain na tayo.. Susubukan ko dugtungan tong nagawa mo"

 "Sige vince aasahan ko yan ha?"

 Tapos ngumiti lang sya at tumango. At inabot na nya sakin yung isang slice ng pizza. Kumain na kaming dalawa. Sana magtagal pa lalo yung ganito kami. Kahit ganito lang. Kahit magkaibigan lang kami okay na ko. 

(A/N: Hi guys! Pakinggan niyo po yung kanta entitled Love is Easy by Maris Racal! Maganda po yung kanta and ginamit ko lang po siya sa story.. Hope you like it! Lovelots and leave comments po!! Thank you!)

Making you mineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon