Chapter 4: Prejudiced thief

23 2 0
                                    

"Uy marc salamat talaga sa pagbabayad nung lunch ha? Pasensya ka na nawawala talaga wallet ko pero babayaran na lang kita bukas no? Una na ko ha?"

At akmang aalis na ko sa cafeteria. I waved my hand to him. Buti na lang at binayaran talaga nya yung kinain ko ngayon. At buti na lang din ay inaya nya ko kumain. Siguro kung ako lang kumain mag isa eh mapapahiya nanaman ako. Thanks to marc and thank you lord atleast nabasawan ng konti ang mangyayari pagkapahiya sakin ngayong araw

"Sige jianne. Kahit wag mo na bayaran libre na lang sige uuwi na din ako ingat ka" 

We waved good bye's to each other. Kanina ko pa talaga iniisip kung pano ko makakauwi ngayong araw eh. Di ko kasi makita sila mia ala naman ako makakasabay pauwi samin. Tsaka medyo malayo din yung school sa bahay kaya mukang no choice pa ko at mukang kailangan ko pa lakarin ngayon yun. Ayoko naman manghiram ulit kay marc at nakaka hiya sya na nga nagbayad nung lunch eh. Bago ko umuwi dadaan muna ko sa library para mag basa basa tutal ala din naman akong pagkaka abalahan pag uwi ko. Papunta na ko sa library hanggang ngayon iniisip ko pa din kung pano bang nawala yung wallet ko. Kinapa ko yung phone ko sa bulsa ko try ko hanapin sila mia. Dinial ko na yung number nya kaso potek ang narinig ko lang eh " sorry you have insufficient balance" nakaka bwisit expired na din pala load ko. Ano bang kamalasan ang meron sa araw na to at puro yun na lang ang nangyari sakin maghapon? Ala din naman akong pera pampaload😭 pag alang load alang data huhu😭 kaya ayon nag lakad na lang ako papuntang library.

Vince's POV

Nasan na kaya yung babae na yon? Pagtapos nila mag lunch ni marc eh umalis na sya kagad sa cafeteria di naman ako makasunod sa kanya at kasama ko pa si gwen. Nasan na kaya yon?

"Uhm vince pano? Una na ko ha? Baka kasi nandyan na yung sundo ko eh ala na kasi akong klase ngayong hapon😅 thank you sa lunch" 

Tinanguan ko na lang sya at hinayaan ko syang umalis. Di ko talaga alam kung ano pang pakay sakin ng babae na to. Sa pagkakatanda ko kase eh may klase pa sya sa math ngayon kaya bakit uuwi na sya? Uuwi o umiiwas? Naglakad na lang ako palabas ng cafeteria. Nagtungo na lang ako sa gate baka sakaling di pa nakakalabas ng school si Jianne dahil nakita ko pa si renz kanina na galing sa office kaya baka sakali lang. Aabagan ko sya dito sa gate para iabot sa kanya tong wallet nya at para na din makapag sorry ako. Naawa ako sa kanya binubully sya ni renz eh napaka mapang asar talaga nun... Nilibang ko na lang sarili ko para di naman ako ganong mainip at naupo na lang ako dito sa waiting shed. Mag aalas kwatro na. Malapit na din maglabasan yung mga may klase pa ngayong araw. Unti unti na sila nag lalabasan at narinig ko na din na tumunog yung bell. Akalain nyo nga naman oh, tama ako nag sinungaling nga lang sakin si gwen. Di ko na tinawag atensyon nya tinignan ko na lang sya makalabas. Pag labas naman nya nakita ko na sumakay sya dun sa sasakyan nung basketball player.. Nawawalan na talaga ko ng pag asa. Masyado na nya kong naabuso. Di ko na lang sya pinansin at hinayaan ko na lang.. Ang tagal naman ata ni jianne? D kaya naka uwi na yon? Maya maya pa nakita ko na sya kasabay nya lumabas yung iba pang estudyante medyo malayo sya sakin at di nya ko naririnig. Para kaming nasa dalawang isla na nasa magkabilang dulo ng dagat ng mga estudyante. Pano ko ba mabibigay sa kanya to??

Jianne's POV

Nung narinig ko na yung bell sumabay na ko dun sa mga estudyante na ngayon pa lang maglalabasan. No choice ako kundi maglakad. Nakaka bwisit na buhay to buti na lang eh ala akong dalang sandamakmak na libro kung hindi baka lupaypay na katawan ko pag dating samin. Naglalakad na ko ngayon pauwi medyo dumidilim na din maaga ang dilim ngayon dahil ber months na. Nasa kalagitnaan na ko ng daan pauwi samin. Ala ng ganong nag dadaan sa kalsada bale ako lang ngayon dito. Bukas na din lahat ng ilaw sa daan kaya may liwanag naman akong nakikita. Ala din ganong nagdadaan na sasakyan kasi malayo naman to sa highway. Kanina habang naglalakad ako may naririnig akong kaluskos. Baka hangin lang yon? At hinahangin yung mga halaman kaya ganun? Pero hindi eh feeling ko kase talaga may sumusunod sakin. Naisip ko na din naman na baka naglalakad din sya kagaya ko o kaya dyan lang bahay nya at may pupuntahan lang dya dyan lang din? Pero hindi eh may sumusunod talaga eh. Lumingon akonsa likod ko ala naman akong nakitang tao? Di kaya multo yon? O kaya baka holdaper tapos rarape-in nya ko. Tapos cho-chopchopin nya ko tapos isisilid nya ko sa sako tapos itatapon nya ko sa ilog. NOOOOOO!!! marami pa kong pangarap sa buhay please lord iligtas nyo po ako. Wag nyo po ako pababayaan. Binilisan ko lakad ko. Tapos tumakbo ako. Jusko tumatakbo din sya. Ayan na malapit na sya. Sisigaw na lang ako malakas pag naabutan nya ko. Papalapit na sya jusko napakabilis nya tumakbo eto na.. 

"WAHHHHH!! ALA NA KO MABIBIGAY SAYO! MAAWA KA SAKIN. NAWALA WALLET KO KANINANG UMAGA CELLPHONE NA LANG MERON AKO NGAYON GUSTO KO PA MABUHAY PLEASE MAAWA KA SAKIN MARAMI PA KONG PANGARAP😭" 

"HAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHA" 

Isang malakas na hagalpak ng tawa narinig ko mula dun sa holdaper? Teka holdaper nga ba? Dinilat ko mata ko. Jusko nakakahiya para pala kong tanga dito naka hugis cross pa yung daliri ko HAHAHAHA tapos yun na nga pag mulat ko eh bumungad sakin ang gwapong gwapong muka ng holdaper. Wait what??? Teka VINCE!?

 "HAHAHAHA nakaktawa itsura mo Jianne muka kang moon" 

"Ha? Anong moon?"

 "MOONtanga! HAHAHAHAHAHA. Tsaka ano bang pinag sasabi mo ha? Kanina mo pa ko pinapagod. Kanina pa kita sinusundan ayaw mo ko pansinin tapos tumakbo ka pa. Isosoli ko lang sana yung wallet mo eh naiwan mo kasi kanina dun sa gym tsaka an-"

 "ANO? NINAKAW MO TO NO? ALAM MO BA KUNG BAKIT AKO NAGLALAKAD NGAYON KASI DI KO MAKITA WALLET KO AT ALA NA KONG PERA PAMASAHE!"

"Uy ano ba easy ka lang tiger HAHAHAHA masyado kang hyper eh😂 naiwan mo nga to kanina ano ba! Tsaka anong magnanakaw ka dyan eh isosoli ko nga. May magnanakaw bang sinosoli yung nanakaw nya ha? Tsaka isa pa sorry kung inakala mong holdaper ako ngayon. Kanina pa kasi kita inaantay eh bigla ka naman nawala tapos kabilis mo pa tumakbo. At sorry din dun sa kanina yung inaasar ka ni renz wag mo na lang pansinin yun ha?"

 "Ah eh salamat vince ha? Pasensya na din kung nasigawan kita natatakot lang talaga ko hehe" 

Ngayon ko lang narealize na mabait pala talaga sya. Na di naman pala sya ganun ka sungit at gentleman din pala. Mali talaga ang mag judge ng tao. At mali ang judgement ko sa isang kagaya ni Vince. Maling mali. Ngayon feeling ko unti unti ko ng makikilala ang tunay na sya.

 "Hatid na kita sa inyo jianne. Baka may manghold up sayo eh HAHAHAHA"

 "Nakuha mo pa talaga mag biro ng ganyan no? Sige hatid mo na ko samin. Samin ka na lang din kumain ng dinner, pasensya na talaga sa kanina" 

Sabay na kami naglakad papunta samin. Ngayon ko lang naisip na masaya pala sya kasama. Ang swerte ni gwen sa kanya. Sana akin na lang sya. Sana ako na lang nagustuhan nya. Sana..

Making you mineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon