Chapter 9: Cliche

17 2 0
                                    

2 months later..

Pag katapos nung gabi na nag punta samin si Vince di na kami ulit nakapag usap pa. Minsan nakikita ko sya sa school na kasama nya si gwen. Muka naman silang masaya lagi nga silang magkasama eh. Siguro natauhan na sila pareho na di nila dapat sukuan ang isat isa.. Siguro naisip na ni vince na baka tama nga yung mga sinabi ko sa kanya. At siguro sa ngayon ay sila na ni gwen. May minsan pang pagkakataon na nakikita ko silang kumakain sa labas bago ako umuwi. Nung minsan naman na nag punta ako sa mall ay nandun din sila at magkasama... Maybe. Just maybe. Im just a cliche. Hoping a love story from the classics. Siguro nga isa lang akong tulay sa pagmamahalan nila. Siguro nga ako ang nag tulak sa kanya palayo. O di kaya masyado lang akong naging assuming na magugustuhan nya ko. Nakalulungkot man na isipin pero baka ito talaga ang tadahana ko. Kinuha ko ang journal ko at binuksan ang pahina kung saan nakasulat ang kanta na ginawa ko. Isinulat ko talga ang kanta na to para kay vince. Dito napapa loob kung pano kami magkalayo. Naalala ko tuloy yung huling gabi na nagkausap kami. Naalala ko na nangako nga pala sya saakin na itutuloy nya yung kanta na ginagawa ko. Hanggang ngayon ay umaasa pa din ako dun. At hanggang ngayon di pa din nawawala sa isipan ko yung mga sumunod pang araw na nagkasama kami. Halos isang linggo lang din yun pero di ko maikakaila na sa loob ng isang linggo na yun dun ako naging masaya. Di ko napansin na tumulo na lang yung luha ko.. Bakit nga ba ako nasasaktan? Kaibigan lang naman nya ako. Kaibigan lang. Diba nga? Ala ng hihigit pa dun. Masaya na sya at di ko na sya guguluhin pa. Pinahid ko ang luha ko at sumulat na lamang ng tula. Itatabi ko yung journal ko na to para sa pagbalik mo. Kung sakaling babalik ka. Ipapabasa ko sayo lahat. Na minsan, minsan akong humiling pero nagkamali ako. Naalala ko lang nung una. Ang hiniling ko lang kasi eh mas makilala pa kita at makita ko yung ngiti mo. Masakit pala. Masakit pala sa pakiramdam yung nahulog pero hindi sinalo. Wala naman akong karapatan magalit sayo. Dahil alam ng lahat ng tao maging ikaw at ako na kahit kelan di nabuo ang salitang tayo. Pero siguro kahit isang linggo lang yun masasabi kong mahal na kita. Simula pa nung una. Mahal na kita. "Im so into you vince!" Bulong ko na lang sa hangin. Na baka sakalin dalhin nya sayo itong munting mensahe ko. Sana dumating yung araw na ako naman ang mahalin mo..  

Making you mineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon