Pag tapos nung laro humiwalay na ko dun sa dalawa. At baka maasar lang nila ko sayang beauty ko sa kanilang dalawa. Balita ko ala pang nagiging girlfriend yung vince na yon. Buti nga! Ubod sya ng sungit eh parang pinaglihi sya sa kasungitan ng matandang dalaga eh. Grabe talaga daig pa nya babaeng may pms. Naglalakad na ko papuntang cafeteria ngayon ng biglang may humigit sa kamay ko.
"Ano!?" Paangal kong tanong. Pano ba naman kanina pa ko badtrip. Hays.
"Uhmm.. Jianne kumain ka na ba? Gusto mo sabay na tayo mag lunch?😅"
"Oy marc ikaw pala yan. Akala ko naman kung sino. Ah sige tutal di pa naman ako kumakain. By the way nakita mo ba sila mia? Kanina ko pa hinahanap eh?"
"Hindi din eh.."
Umaasa pa naman ako na baka nakita nya sila mia no choice sa kanya na lang ako sasabay mag lunch.
"Ah sige tara na gutom na ko eh"
Vince POV
Sinundan ko si jianne bigla na lang sya nag walk out kanina dun sa gym naiwan nya yung wallet nya sa upuan nya. Babae talaga na yon laging lutang. Kanina di ko alam kung ano nasa isip nya siguro kung di ko sinagga yung bola baka tinamaan na yon sa muka at baka kung nangyari man yon eh humagalpak nanaman sa tawa si renz. Lagi nya inaasar si jianne pano ang cute nya tingnan pag nabibwist. Tsss para kasi syang bata. Isip bata😪
"Vince! Tara let's eat lunch na? Ala ka naman na gagawin diba?"
Nakasalubong ko si gwen habang naglalakad ako. Hinigit nya yung kamay ko at ala na kong nagawa. Hindi ako nabigyan ng pagkakataon na humindi. Hindi ko sya pwedeng tanggihan. Crush ko na sya since 1st year. Kilala sya sa school namin dahil maganda sya. At simula nung nanligaw ako sa kanya hangang ngayon umaasa pa din ako sa kanya. Himala na nga ata ng diyos at nag aya sya kumain ng lunch ngayon.. Sabay na kami nag lakad papuntang cafeteria. Diretso lang tingin ko sa daan. Napansin ko naglalakad din pala sa unahan namin si Jianne. Lalapitan ko na sana sya para ibigay yung wallet nya kaso hinitak naman sya ni marc. Kaya naisip ko na wag na at mamaya na lang iabot baka maka abala ako sa kanila tsaka isa pa naka kapit na sakin ngayon si gwen. Ayoko naman maging rude kung aalisin ko yung kamay nya. Nakarating na kami sa cafeteria. At kasunod din namin dumating sila Jianne. Naupo kami malapit sa gilid. Magkaharap kami ni gwen kaya nakikita ko sila jianne. Medyo magkalapit din yung inupuan namin na table sapat na para marinig ko yung pinag uusapan nila. Ala akong balak makinig sa dalawa na yon pero dahil kakaunti lang tao dito dahil nanonood sila sa gym at dahil na rin sa sobrang ingay nila. Si Jianne parang di babae kung kumilos eh. Pero kung tutuusin naman pwede na. Maganda sya. Sobra. Di nga lang sya sanay mag ayos pero makikita pa din sa muka nya yung ganda. Simple lang sya. At sobrang daldal.
"Uhmm vince ano oorderin natin?"Ay nawala na sa loob ko kasama ko nga pala si gwen
"Ah sige gwen umorder ka na ng kahit ano yun na lang din sakin tapos ako na magbabayad"
Jianne's POV
Kakapasok lang namin sa cafeteria ni marc "Oy marc umorder ka na! Ano ba sayo? Yun na lang din akin sige na gutom na ko eh"
"Oh sige tara na" at hinitak na nya ko dun sa counter.
"Ate pa order nga po ng dalawang kare-kare with rice"
Binuklat ko yung bag ko at hinanap ko yung wallet ko. Nandito lang yon eh teka.. Asan na nga ba? Wallet ko? Shet yung wallet ko nasan na? Kinakabahan na ko nawala pa ata juskooo.
"Ah.. Eh.. Marc uhmm ano kase eh😅 nawawala yung wallet ko hehe. Kahit tingnan mo pa. Nawawala talaga eh. Pwede ba ikaw muna magbayad nung inorder natin? Ano babyaran ko naman sayo eh sige na pleaseee"Ano ba meron sa araw na to at piro kahihiyan na nangyari sakin? I hate this day nakaka asar talaga. Nasan na ba yung wallet ko? Alam kong dala ko yon eh. Hays.
"Ah sige jianne okay lang. Ako na magbabayad"
"Uy marc thank you ha?"
Buti na lang pumayag sya jusko kung hindi baka namatay na ko sa gutom. Pag upo ko napansin ko na nandito din pala yung bwisit na sperm count! Yung masungit na vince na yon magkalapit yung table namin bale magkaharap kami ngayon. Grabe biruin mo nga naman. Yung babae pa talaga pinaorder nya. Sya naka upo lang don para nanaman hangin don. Ay may naisip ako! Kung isa syang hangin. Masamang hangin sya! Isa syang utot! HAHAHAHAHAHA char lang. So yun na nga ngayon ko lang nalaman na bukod sa napaka sungit nya eh ni hindi manlang sya nabahiran ng pagka gentleman. Kawawang gwen.
"Ganun ba talaga manligaw tong si vince? Parang ala lang eh" Lumingon sa likod nya si marc
"ahh.. Eh sa pagkakaalam ko matagal na nililigawan ni vince si gwen eh? Tapos parang pinapaasa lang sya"
Ay ganun? Eh bakit pinapaasa din nya si gwen? Siguro kaya di sya sinasagot eh dahil sa kasungitan nya! Bat ko ba pinapakealaman love life netong dalawa na to? Hayaan ko nga sila! Kakain na lang ako dito mabusog pa ko..
BINABASA MO ANG
Making you mine
RomancePrologue College.. "Hoy sungit naka kunot nanaman noo mo HAHAHAHA" Tapos titignan lang nya ko pabalik. Ganyan sya eh nakaka asar napaka snobbero nung lalaki na yon palibhasa gwapo. Ni minsan sa buhay ko di ko nakitang ngumiti yon eh ni hindi ko pa n...