Chapter 11: Missing you

14 1 1
                                    

"Ang ganda mo naman panpan!" Bati vince sakin. 

Di ko talaga alam kung pano ko sya haharapin. Di ko alam kung pano ba dapat ang isagot ko sa kanya. Kinakabahan ako. 

"Kamusta ka na nga pala?" Di ko alam kung dapat ko bang sagutin yung tanong nya ng 'hindi ako okay dahil pinili mo sya' o mag sisinungaling na lang ako.. 

"Pumila na po lahat ng teams natin dahil mag start na po ang parade!" Sabi nung announcer sa mic. Kaya hindi ko na nasagot yung tanong nya sakin. Nag umpisa na kaming maglakad at yung sa ibang team eh hawak ng escort ang kamay ng muse nila. Diretso lang ang tingin ko pero nakikita ko sa peripheral view ko na nakalahad na yung kamay nya sakin. Nakaka ilang pero inabot ko na lang yung kamay ko sa kanya. Nakakapag taka lang. Di kaya magalit si gwen dahil dito? Tsaka nandito kaya si gwen para panoorin si vince? At bakit kaya hindi na lang si gwen yung ginawa nilang muse? Nanlalamig yung kamay ko. Di ko alam. Pano bang gagawin ko ngayon? 

"Kinakabahan ka ba panpan?" 

Tanong nya ulit sakin. Tumango na lang ako bilang sagot.Naglalakad kami hanggang sa makarating na kami sa gitna ng gym. Ngumiti at nag feeling model na lang. Sulitin ang pag kakataon dahil minsan lang naman to.Isa isang pinaparampa at pinagpapakilala ng announcer ang muse ng bawat team dala dala yung banner nung team nila. Pamaya maya pa ako ng ang susunod. 

 "May we call on AND1 muse" 

the crowd was roaring and ofcourse my team. They cheering my name. I gave my widest smile as i bannered my team's name and logo. Nakita ko si mia and mommy they're both smiling at me. At ng makarating ako sa gitna ay may nag abot na saakin ng microphone. Actually kinakabahan talaga ko pero eto eh nandito na ko.

"Im Jianne Desiree O Briones representing AND1!"

At nag model pa ulit ako bago makabalik sa pwesto ko. May dalawa pang team na tinawag at ng matapos yun ay nagpasalamat na ang annoucer sa sponsors at maya maya pa ay iaanounce na yung nanalo para sa muse.Actually ala naman talaga akong pake dito eh. Gusto ko lang naman talaga sumunod kay mommy at syempre dahil ala na akong magagawa pa dahil eto na nga at biglaan din kasi. 

 "Miss Jianne Desiree Briones!

Nagulat pa ako nung biglang nag hiyawan yung mga players sa likod ko at nung bigla na lang nila akong hinatak sa gitna. Di ko akalain na ako yung mananalo..Inabot na sakin yung trophy at nag picture na kaming buong team. Pag katapos nun eh aalis na sana ako at babalik na dun kila mommy kaso hinitak ako ni vince. 

"Panpan congrats! Ang ganda mo ngayon you deserve the title! Pero sagutin mo naman yung tanong ko kanina. Okay ka lang ba?" 

"Ahm vince thank you ha? Sorry di ko din kasi alam kung anong isasagot ko sayo. Pero siguro okay naman ako hehe" sabi ko na lang sa kanya at ngumiti ng tipid.

"Pwede ba tayong mag usap Jianne?"

Ngayon bigla na lang naging seryoso yung tono ng boses nya. Syempre tumango ako. Pumayag akong makipag usap sa kanya. Kasi ganun ako karupok. Ganun ko sya ka miss. Diba nangako ako sa sarili ko nun na pag bumalik sya eh tatanggapin ko ulit sya. Kaya eto ako. Ginagawa ko yung pangako ko na yun. Gusto kong malinawan. At miss na miss ko na sya.. Sobra.  

Making you mineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon