Chapter 12: Ineffable

20 3 0
                                    

"Jianne galit ka ba sakin?"

 Ako sa sarili ko di ko alam kung galit ba ako sa kanya o hindi. Ala naman kasi akong karapatan na bulyawan sya sa di pagkausap sakin. 

 "Bakit naman?" 

Tanong ko na lang din sa kanya ayokong sagutin yung tanong nya di ko kasi alam kung anong ibig sabihin nun. 

 "Tinatanong kita tapos sumagot ka din ng tanong. Sorry." 

Tiningnan ko lang sya dun sa huli nyang sinabi. Nakayu ko sya at ngayon parang nakikita ko ulit sa muka nya yung bakas ng lungkot. 

 "Ikaw ba kamusta ka! Kamusta kayo ni gwen?" Tumingin lang sya diretso sakin. 

 "Nagkamali ka jianne. Nagkamali din ako." Yun lang yung sinabi nya. At hindi ko maintindihan yon. 

 Vince's POV 

 Malapit na yung liga samin ala pa din kaming makuha na muse. Meron naman silang suggestions kaso di ko naman gusto. That's why i texted mia if pwede nyang tanungin si jianne. Baka sakali kasing pumayag sya. At di naman ako nag kamali dahil pumayag nga sya.. Nung nag text sakin si mia na nandito na sila. Medyo kinakabahan pa ko nun. Pero nung nakita ko sya halos di ako makapaniwala. Di ko sya makilala. Sobrang ganda nya. 

 "Ah jianne.. Wag mo na intindihin yun" sabi ko na lang. 

Siguro di nya na gets yung sinabi ko na yun sa kanya. 

 "Akalain mo yun panpan. Nung unang beses na magkita tayo sa gym din. Tapos ngayon dito din ulit tayo nag kita HAHAHAHA" 

 "Oo nga no? Long time no see and talk HAHAHAHA" buti naman ngayon tumatawa na sya maya maya pa dumating yung mommy nya 

 "Mija! Congrats anak ang galing galing mo!" 

Sabi ng mommy nya tapos nag beso sila. Then she look at me with her usual smile kagaya lang din ng dati. 

 "Vince hijo! Kamusta ka na? Hindi ka na ulit napapasyal samin ha? May gagawin ka ba ngayon?"

 "Ahm okay lang po ako tita. Ala naman po akong gagawin ngayon bakit po?"

 "Mabuti naman. Samin ka na ulit kumain. Join us?" ayoko naman tanggihan yun. Ayokong sabihin nya na bastos ako or what. Tsaka isa pa gusto ko talagang makausap si jianne.. 

 "Ah sige po tita na miss ko na din po luto nyo eh" 

 Jianne's POV 

 "Ah sige po tita na miss ko na din po luto nyo eh" sabi ni vince ng nakangiti. Gusto kong sumingit sa usapan. Ako ba hindi nya na miss? Hays. Mommy drive us home. Pero si mia nag pahatid na sa kanila may gagawin daw sya. Siya kasi yung nakasakay sa passenger seat tapos magkatabi kami ni vince ngayon. Tahimik lang ako tapos tahimik lang din sya. Minsan nahuhuli ko syang tumitingin sakin. Pero di ko na lang pinapansin. Hanggang sa makauwi na kami. Pagbaba ko ng kotse tinawag kami ni mommy dun sa may bench na lagi kong tinatambayan.

 "Jianne! Vince upo kayo dito!" Tapos hawak hawak nya yung polaroid. 

 "Ngiti kayong dalawa ha? Okay 1,2,3" then the flash flickered. 

Wala naman kaming magawa kung hindi ang ngumiti na lang. Tatlong beses inulit ni mommy yung picture. Binigay nya yung isa sakin. Tapos yung isa kay vince at yung isa naman sa kanya. Ilalagay daw nya sa photo album yun.Tapos inaya na kami ni mommy sa loob para maka kain na. Tinulungan ko sya mag hain. Gaya lang din ng dati tahimik pa din si vince. Ang pagkakaiba nga lang nito sa una eh hindi ako yung nag aya sa kanya n dito kumain.Habang kumakain kami sila lang ni mommy nag uusap. Di ko ba alam. Para kasing nahihirapan akong mag salita ngayon. Ayoko na lang silang pakiealaman. Siguro kung di nila ko kakilala pagkakamalan pa nila akong pipi. Pagkatapos kong kumain di ko na sila pinansin at umakyat na ko sa taas. Naghilamos at nagbihis na din ako. Nahiga na lang ako at nanood ng movie. 50 first dates. Ang ganda talaga nung movie na yun kahit ulit ulitin hindi nakaka sawa. Dun mo talaga makikita kung gano ka effort ang isang lalaki. Halos dalawang oras na din ang nakalilipas. Alas singko na. Siguro naka uwi na si vince. Kinuha ko yung journal at gitara ko. Pumunta muna ako sa kusina para uminom ng tubig tsaka ako lumabas.Laking gulat ko lang na nandun si vince at naka upo. Nakatingin lang sya sa kawalan. 

 "Vince? Bakit di ka pa umuuwi?" Tanong ko sa kanya. 

Sa mga oras na to yan lang yung nag iisang tanong na gusto kong sagutin nya. 

 "Hinihintay kita" sagot nya. 

Simpleng simple lang pero ang bilis ng tibok ng puso ko. 

 "Hinihintay kita kasi alam kong pupunta ka dito. Diba sabi ko gusto kitang makausap? Umiiwas ka ba?" 

Medyo na guilty ako dun sa sinabi nya. Siguro nga iniiwasan ko sya. Iniiwasan ko yung posibleng mangyari. Minsan na kong nasaktan ayoko ng maulit pa yun. 

 "Umiiwas ka ba sakin jianne? Galit ka ba? Gulong gulo na kasi ako." Bakit naman sya maguguluhan? Sakin ba? 

 "Hindi ako galit" tanging salita na lumabas sa bibig ko." 

Nung huling gabi na nag usap tayo nun naalala ko lang na sinabi mo sa akin na wag akong sumuko kay gwen. Gusto ko sanang sabihin sayo na ayaw ko na talaga dahil balewala na lang naman ako. Gusto ko sanang sabihin na matagal na akong may gusto sa sayo. Pero dahil sa sinabi mo na yun parang okay lang sayo na parang ala ka din pake sakin. Kinaumagahan nun pag pasok ko sa school balak ko sanang kausapin ka kaso hinarang ako ni marc at sinabi nya sakin na iwasan na daw kita tapos inabot nya sakin yung sulat na to' Nagulat ako sa lahat ng sinabi nya. Pero never kong inutusan si marc para magpabigay ng sulat sa kanya. Pagkakuha ko nung sulat mas lalo lang akong nabigla. Yun yung sulat na binigay ko kay marc! Nakalagay dun na 'Layuan mo na ko please' at hindi para kay vince yun kundi para kay marc! 

 "Alam kong sulat mo yan. Nakabisado ko na yung sulat mo simula nung nakita ko yang journal mo." Dagdag pa niya 

 "Pero vince. Akala ko ikaw ang umiiwas sa akin. Etong sulat na to. Ito yung binigay ko kay marc. Para sa kanya to hindi sayo. Akala ko pa nung una umiiwas ka sakin dahil kay gwen."

Masyado ba akong naging judgemental agad? Dapat pala kinausap ko sya. Sana di na tumagal pa ng ganito. 

 "Akala ko ayaw mo na akong kausap." 

Di ko alam pero umiiyak sya? Bakit naman siya iiyak? 

"Okay ka lang ba?" Tanong ko sa kanya.Pero wala akong nakuhang sagot. Niyakap lang nya ko. Hinayaan ko lang sya. Baka masyado lang syang madaming iniisip ngayon tapos dumagdag pa ko. Hinagod ko yung likod nya. Hahayaan ko munang humula lahat ng lungkot nya.

"Sorry" sabi ko. Di ko kayang iexpress sa salita lahat ng nararamdaman ko ngayon. Di ko alam pero nakaka guilty. Pinaghintay ko siya ng sobrang tagal. Akala ko ako lang yung nasasaktan. Akala ko lang pala lahat.. Tama siya. Nagkamali nga ako.  

Making you mineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon