Chapter 6: Message

19 2 0
                                    

Pag pasok ko sa kwarto ko kumuha na ko ng damit na pantulog sa cabinet ko tapos nag shower na ko para naman mawala yung lagkit sa katawan ko saka isa pa amoy kalabaw na din ako eh. Pag tapos kong mag shower may nag pop up sa phone ko na message.

- Hi jianne! This is vince. Thanks for the dinner save my number and please reply-

 Si vince pala! Gusto ko man sya replyan ala naman akong load. Kaya pagkabihis ko tumakbo pa ko sa malapit na tindahan para makapag paload. Nung magbabayad na ko binukasan ko yung wallet ko nagulat ako may nalaglag na papel mula don. Ala naman akong maalala na may inipit akong papel dun or something pero yun na nga. Pinulot ko na lang. May naka sulat dun sa papel.

'Hoy! Naiwan mo yung wallet mo sa gym!' -vincegwapo.

Tapos may pirma pa nya at amoy pabango din niya. Jusko effort naman nya sulatan ako at ipamuka sakin na lutang na lutang ako kanina. Naglakad na ko pauwi samin. Umakyat na ko at nahiga sa kwarto ko. Nireplyan ko yung text ni vince at sinave ko na din number nya.

J: hello vince! Thank you din sa pag soli ng wallet😁 Ala pang isang minuto nag reply na sya di ko akalain kasi iniisip ko baka nakatulog na sya o kaya may ginagawa sya sa kanila.

V: Welcome! Di ka pa ba matutulog? Gusto kong sagutin yung text nya ng 'oo hindi pa kasi ka text pa kita' pero syempre dalagang filipina tayo..

J: Ahmm di pa naman ako ganong inaantok kaya siguro pamaya maya pa. Ikaw?

V: Pamaya maya na din siguro pag matutulog ka na. Mmm btw accept mo ko sa fb ha? Tsaka maganda pala buong pangalan mo 'Jianne Desiree O. Briones' ano middle name mo?

Grabe ang daldal pala nya. Ano to? Getting to know each other stage? Binuksan ko laptop ko at inaacept friend request nya.

J: okay na na accept na kita. Oquendo yung middle name ko😊 Anjielyn kasi si mommy binaliktad ginawang Jianne tapos yung Desiree nakuha sa name ni Daddy na Dennis. Kaya ayun😅

Inistalk ko pa sya saglit. Gusto ko makita pinagkaka abalahan nya..

V: Ang galing naman! Pwede ba ko tumawag sayo?

Shitttt! Ano to? Tatawag sya? Bat parang kinikilig ako. Or dapat wag muna ko mag assume? Tatawag lang naman diba? Casual talk lang ganun? Ano ba tong lalaki na to? Pakboy? HAHAHAHHA dami ko ng tanong gulo kasi netong si vince eh! 

J: sige!

Maya maya pa ang ring na yung phone ko. Agad ko naman sinagot yung tawag dahil alam ko naman na sya yun.

"Uhmm hello? Jianne?"

"Hi?"

"Gusto ko lang sana sabihin na good night"

grabe tinawagan nya ko para lang sabihin sakin yung good night? How sweet it is.. Nakaka lusaw ng puso. Kaso di naman pwede dahil kay gwen. Hays.

"Ah eh sige good night din! Matutulog na ko bye"

Hindi ko na hinintay na makapag salita pa sya. Nahihiya na ko eh tsaka baka kung ano pa sabihin nya eh himatayin na ko sa kilig. Eto ako ngayon nakatitig lang sa ceiling yakap yung phone ko at naka plaster ang ngiti sa muka ko. Iniisip ko lang kung magugustuhan din nya ko.. Dati isang side lang ng pagkatao nya ang nakikita ko. Puro yung masungit at bwisit lang na side. Pero ngayon di ko lang akalain na magkakaron pala ko ng pag kakataon para makikala sya lalo. Di ko akalain na sa dinami daming kamalasan ang nangyari sakin ngayong araw may kapalit naman palang mabuti. Good night vince.

Making you mineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon