Habang naglalakad kami pauwi nung una madaldal sya tapos nung malapit na kami medyo natahimik sya. Madami din kayang iniisip tong lalaki na to? Di nga kaya?
"Oh nandito na tayo. Pag pasensyahan mo na yung bahay namin ah?"
"Bakit? Eh ang ganda nga ng bahay nyo. Sino nakatira dito?"
"Ah kami lang ni mama. Si papa tsaka yung kuya ko eh nasa abroad seaman sila hihi" sabi ko habang binubuksan yung gate. Tahimik lang sya hanggang sa nakapasok na kami sa bahay. Nililibot nya paningin nya. Siguro naninibago sya?
"Mommy! Nandito na po ako"
"Oh? Mija. Mabuti naman at nandyan ka na" bebeso sana sakin si mommy kaso di nya tinuloy pano pinanliitan na nya ng mata si vince
"y quien eres tu?"
"Ah mommy sya si v-" Hinarang ni vince sa muka ko yung kamay nya. Kaya naputol ako sa pagsasalita.
"Let me introduce myself. Madam Im Vince Mendoza" namangha ako sa kanya. Kasi ibig sabihin nakakaintindi sya ng spanish! Wow!
"Ang gwapo mo bata hijo! Just call me tita anjie. Im Jianne's gorgeous mother hahaha nice meeting you"
Lakas din talaga bumuhat ng upuan ng nanay ko eh no?
"Nice meeting you din po" sabi ni vince. Bait nya ah?
"Mija? Bakit di mo sinabi sakin na may bisita ka pala ngayon? Bisita? Manliligaw? Boyfriend? Asawa? Dont tell me anak na buntis ka?"
"Ano ka ba mommy! Napaka oa mo naman nakakahiya kay vince! Tsaka isa pa ka schoolmate ko yan. Eh naiwan ko kase yung wallet ko sa gym kanina kaya inabot nya sakin tapos ayun dahil ala akong wallet ala akong pamasahe naglakad ako. Ala din akong load eh. Tapos kanina sinoli nya sakin sinundan nya ko hanggang dito kaya inaya ko na sya mag dinner dito"
Namumula na talaga ko sa hiya! Manang mana talaga ako sa nanay ko ang oa grabe.
"Ah okay, sige kumain na tayo"
Habang kumakain kami ineentertain naman ni mommy si vince. Alam nyo yon? Para kong nasa stage. Si mommy ang judge at kami ni vince ang candidate na sasagot para sa question and answer portion! Grabe nakakaloka talaga tong araw na to. Di naman friday the 13th diba? Bakit parang minamalas ako😭
"So yun vince san ka natuto mag spanish?"
Tanong ni mommy actually kahit ako gusto kong malaman kasi na amaze talaga ko kanina dahil bihira ang pilipino na mag aaral ng ganung lengwahe.
"Ah. Nagbasa basa lang po ako tita. Tsaka di naman po ako ganun ka fluent sakto lang"
Ano ito? Pa humble ka te? Totoo ba? Pero ang galing nya ah.. Ibig sabihin masipag pala talaga sya. Ang dami pang tanong ni mommy sa kanya kung ano ano na lang. Yung iba mema na lang. Ganun talaga sya sa lahat ng bisita namin dito. Ang lively nya kausap tsaka gusto nya kasi maki join samin mga bagets hahaha! Di naman sa pag mamayabang pero maganda si mommy. She's half spanish kaya ganun. Kung tutuusin madami nag sasabi na muka lang kami magkapatid dahil sobrang maalaga sa katawan si mommy muka lang syang early 30's kahit ang totoo eh mid 30's na sya. Still makikita mo pa din sa kanya yung figure nya. Di na ko umimik pa habang kumakain kami. Hinayaan ko na lang si vince at si mommy. Hanggang sa natapos na kami kumain. Tumayo ako para magligpit ng pinagkainan namin. Pinag sama sama ko na yung mga plato para mabilis ko silang mabuhat. Bubuhatin ko na sana kaso binuhat agad ni vince lahat
"Ako na. Tulungan na kita" di na ko nag salita at nginitian ko na lang sya ng tipid. Mali pala talaga pagkaka kilala ko sa kanya. Ngayon mas unti unti kong napapatunayan na ang gentleman nya pala. Hindi lang yon! Tinulungan din nya kong mag hugas ng pinggan.
"Okay lang naman kung di mo na ko tulungan vince ano ka ba! Bisita ka kaya maupo ka lang dun"
"Eh sabi kasi ni mommy mo kanina eh 'feel at home daw' eh ganito ako mag feel at home eh. Ako kasi ang ang uurong samin. Ayokong nahihirapan ang mama ko lalo na at puro lalaki kaming magkakapatid"
I was amazed. Iba talaga tong lalaki na to. Okay binabawi ko na yung sinabi ko kanina. Hindi sya bwisit dahil super duper bait nya! Sobrang swerte talaga ni gwen sa kanya no? Ideal man tong lalaki na to. Mabait, matalino, masipag.. Ano pa kayang katangian nya? Hmm.. Pagkatapos namin mag hugas ng pinggan nag paalam na sya sakin at kay mommy na uuwi na sya tutal gumagabi na din naman na.
"Uuwi na po ako tita! Maraming salamat po sa dinner ang sarap po ng luto nyo. Sa uulitin po" ang ngumiti sya ng malaki kay mommy. Wow ha? Talaga bang gusto pa nyang umulit? Ibig sabihin babalik sya dito? Dapat ba kong matuwa don dahil babalik sya dito samin?
"Sige hijo mag iingat ka" nginitian din siya ni mommy pabalik.
"Mommy hatid ko lang si vince dito sa may labasan no?" Then she said 'okay' tapos hinatid ko na si vince sa may labas. Di sya nag sasalita kaya binasag ko na yung katahimikan na kanina pa nangingibabaw samin. Parang ang awkward lang kasi😅
"Uhmm vince taa san ka nga pala?" "Dyan lang ako sa kabilang subdivision. Sa susunod ikaw naman dadalhin ko samin" medyo kinilig ako dun ng konti pero ayokong umasa dahil alam ko naman na si gwen talaga ang gusto nya.
"Btw jianne? Ang sarap kausap ng mommy mo ah! Dun ka pala nag mana parehas kayong madaldal at maganda" hahaha napangiti ako ng palihim don. May pagka bolero din pala tong si vince akala ko pusong bato sya eh.
"Uhm jianne? Pwede ko ba mahingi number mo? Tsaka ano nga pala name mo sa fb?" Tapos inabot nya sakin yung phone nya. Tinype at sinave ko dun yung number ko. Tapos inopen ko na din yung app ng fb dun tsaka ko tinype pangalan ko.
"Ah sige jianne thank you ah? Balik ka na dun sa inyo okay na ko dito. Salamat sa dinner! Usap na lang tayo mamaya" ang lapad ng ngiti nya ngayon. Malayo sa muka nya sa araw araw na nakakasalubong ko sya sa hallway. Unang beses ko syang nakitang ngumiti ng ganito. Sana palagi. Ang cute nya pala lalo pag naka ngiti. Sana palaging ganito. Sana ako lagi yung dahilan kung bakit sya masaya.
"Ah sige vince! Ingat ka ha? Salamat din sa kanina and sorry ulit" tumago lang sya sakin at pinag masdan ko sya maglakad papalayo. Umuwi na din ako samin. At pag pasok ko ang lapad din ng ngiti ni mommy. Akala ko nanonood nanaman sya ng favorite nya na kdrama eh. O diba bagets talaga? Pero hindi eh nakatitig siya sa direksyon ko. Lumingon pa ko sa likod tiningnan ko kung baka may ibang tao syang nginingitian pero wala naman. Di kaya nabaliw na nanay ko?
"Mija! Gusto ko yung vince na yon! Bagay kayo. Dalasan mo pag imbita sa kanya dito ha? Dalaga na ang anak ko hahahaha mana ka talaga sa nanay mong maganda at ako yun. Sige na mija matulog ka na. Good night vince! Ay este jianne pala hahaha love ka ni mommy!"
Hay nako nanay ko talaga no. Napa iling na lang ako at dumiretso sa kwarto ko.
BINABASA MO ANG
Making you mine
RomancePrologue College.. "Hoy sungit naka kunot nanaman noo mo HAHAHAHA" Tapos titignan lang nya ko pabalik. Ganyan sya eh nakaka asar napaka snobbero nung lalaki na yon palibhasa gwapo. Ni minsan sa buhay ko di ko nakitang ngumiti yon eh ni hindi ko pa n...