Ika-apat na Kabanata

209 6 1
                                    

Ika-apat na Kabanata
Suspicions


IT'S been a week since that incident happened. Nakatulog na lang ang dalaga sa bisig ng binata dahil sa pag-iyak.

Ng magising naman siya ay nakahiga na siya sa kama. Kinabahan pa nga siya ng una pero ng makita ang binata ay kumalma siya. He explained everything and they are still in his office. Nasa hidden room lang sila.

One week na rin since gumugulo sa kanya ang mga bagay na nasaksihan niya sa opisina. Ang mabilis nitong pagkilos, ang pag-angil nito at ang paraan ng pagsigaw nito. Nakita rin niya kung paano pumula ang mga mata nito. Nakakapagtaka pang ni hindi man lang siya natakot. Mas lalo pa siyang naakit niyon.

"Haisst!" Ginulo niya ang buhok kaya naman nagmukha na siyang bruha. Wala siyang magawa lalo na at weekend.

She almost fell when her phone rang. Her forehead knotted when the caller is unknown number. Hinayaan lang niya iyon ng unang ring dahil baka wrong dial. Pero naulit iyon.

"Hello!" Bungad niya ng mapagpasyahang sagutin iyon. Baka kasi importante.

"..."

Napasimangot siya ng walang sumagot. "Hello? Who's this?" Ulit niya. Ng wala ulit sumagot ay nainis na siya. Balak na sana niya iyong ibaba ng marinig ang baritonong boses ng lalaking kani-kanina lang ay nasa isip niya.

"Sweetheart..."

Kumabog ng husto ang dibdib niya. Marinig pa lang niya ang boses nito ay nagririgodon na ang kalmado niyang puso. "B-bakit?" She asked stuttering. Bigla na lang kasing para siyang kakapusin ng hininga.

"How are you there?"

"H-huh?" Maang niyang tanong. Sa tanong kasi nito parang napakalapit lang niya at nakikita siya. Napaayos pa siya ng upo dahil doon. Nilibot pa niya ang mata sa loob at labas ng kanyang kwarto.

She heard him chuckled in the other line. "I'm just want to make sure you're okay..." Ani nito sa malambing na tinig.

Napalunok siya. Tila hinaplos ang kanyang puso sa sinabi nito. Wala na tuloy siyang masabi pa.

"Sweetheart?..."

"Ah...e-eh..."

"Why, sweetheart? Why are you stammering?" Bakas sa boses nito ang pagka-amused.

"W-wala,ah..." Depensado niyang sagot dito bago tumikhim upang mawala ang bara sa lalamunin. "Ayos naman ako. Ikaw?" Natutop niya ang bibig ng mapagtanto ang tinanong. Iisang salita lang iyon pero biglang nag-iba ang temperatura ng paligid.

"Are you really asking me that? Of course I am! As long as you're okay..."

Napalabi na lang siya sa naging sagot nito. Para na siyang kumain ng maasim sa sobrang kilig na nararamdaman. Kailangan pa niyang takpan ang bibig para lang hindi makalikha ng ingay.

Demons Love (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon