The Blue Moon

284 5 2
                                    

Copyright © 2014 by Silvannus

All rights reserved.

*****

PROLOGUE

"Ysabelle, pwede ba tayong magkita bukas ng hapon dito rin sa ating tagpuan?" Tanung ni Frederico sa kanyang nobya habang ito ay kanyang yakap. Pareho silang nakasandal sa isang malaking puno na nasa tabi ng batis na siya nilang tagpuan.

Napatingin ito sa kanya ng nakangiti. "Oo naman, mahal ko. Ano bang meron bukas at parang napakaimportante pag-uusapan natin?"

"Magtatanan tayo. Mas magandang wag ka ng magdala ng mga gamit mo. Baka mahuli ka ng iyong kuya at tuluyan ka niyang ilayo sa akin. Ayokong mangyari yun." Sabi niya bago hinalikan ang noo nito.

"Tama ba ang narinig ko? Magtatanan tayo, mahal ko? Pero paano ang kuya Yldefonso? Siguradong magagalit siya. Alam mong alam niya ang lihim ng angkan mo.."

"Wala akong pakialam, mahal ko. Ang importante ay tayong dalawa. Magagalit nga siya ngunit nasisiguro kong maiintindihan niya rin tayo pagdating ng tamang panahon."

Yumakap ito ng mahigpit sa kanya. "Sumusulat ng isang libro ang kuya tungkol sa pagkatao niyo, mahal ko. Hindi ko pa nababasa yun dahil hindi pa niya tapos. Ang pagkakaalam ko lang nakapaloob dun ang mga kaalaman niya tungkol sa inyo."

"Isinama niya rin kaya doon ang ating pag-iibigan, mahal ko?"

"Maaari. Ngunit kung ganoon man, siguradong hindi maganda ang nakasulat tungkol sa inyo. Kilala mo naman si Kuya."

"Tama ka. Hanggang ngayon ay isinisisi parin niya sa aming lahi ang pagkamatay ng inyong ama." Napabuntong-hininga siya. "Ikaw ba ay nagalit din dahil sa nangyari sa iyong ama, mahal ko?"

"Oo, pero ang galit na yun ay para sa totoong pumatay kay ama at hindi sa iyo o sa angkan mo. Naroon ako ng mga panahong iyon, hindi ba? Iba ang lahi niyo sa lahi ng pumatay sa aming ama. Sagad sa buto ang kasamaan ng mga yun. Miski kayo ay gumawa ng paraan para mabigyang katarungan ang kanyang pagkawala."

"Ngunit hindi iyon matanggap ng iyong kuya. Para sa kanya pare-pareho lang kaming lahat."

"Sana ay maintindihan mo si kuya, mahal ko. Lubos lang siyang nasaktan."

"Alam ko, mahal ko. Pero handa ka bang sumama sakin bukas?"

"Oo naman. Sasama ako sayo kahit saan ka pa magpunta."

Mahigpit silang nagyakap habang wala silang kamalay-malay na may nakikinig pala sa kanila mula sa likod ng mga puno. Walang iba kundi si Zebrio. Ang kapatid ni Frederico na tuluyan ng umanib sa masamang angkan na pinanggalingan ng pumatay sa ama ni Ysabelle. Matagal ng minamahal ni Zebrio si Ysabelle ngunit ang kapatid nitong si Frederico ang pinili ng babae.

"Kung hindi ka mapapasaakin, Ysabelle, hindi ka rin mapupunta sa kahit na sino... Lalo na sa aking kapatid..."

*******

(Author'sNote)

Hi, there, readers! I hope you've enjoyed reading the prologue.

Kindly wait for the first chapter, sigurado nang may aksyon dun. Lol. It doesn't really matter if you wouldn't vote every chapter of my story, what really matter is if you're enjoying my creation.

Don't hesitate to imagine that you are one of my character 'cause imagination mo ang limit! Lol.

The Blue MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon