ROSE P.O.V.
Ahahahhahahahhahaha----lahat kami ay nawala ang takot ng makita namin kung sino ang nasa pintuan.Hindi ko rin napigilan ang pagsaboy ng asin kung kayat mas naging nakakatuwa ang mga mukha nila.
Akala ko pa naman natatakot kayo? nakaismid na tanong ni mark.
Hehehhehe--nawala nga ek...di ko mapigilang tumawa,dahil nga ang dami ng asin sa mga buhok nila.
Baka gusto nyo pumasok? tanong ni rona,nag give way naman kami para makapasok sila.Natigil narin yong pagngawa nung tik-tik,na sa tingen koy kanina pa nangigil samin.
Safe naman silang nakarating,nakasimangot nga lang si mike.Ang huling pumasok ay ang isang babaing tingen koy kaedaran lang ni mama.So ito siguro ang hilot.Akala ko pa naman,pagsinabing hilot ay isang matanda ....lolss...:)
Ahmmm...ate pwedi na po kayong pumasok..puna ni nica sa hilot.Tila natauhan naman ito at naglakad na diretso sa papag,kung nasaan ang buntis.Pero hindi nakaligtas sa tingen ko ang tingen nya samin ng kapated ko.Tingen na nagtataka at parang may ibig ipahiwatig.
arrrggghhh....hindi ko na kaya,lalabas na...reklamo ng buntis at kasunod nito ay ang pagwawala narin ng mga aswang sa labas.Nakakatakot,nakakapangilabot ang bawat tunog nila.Na para bang sinasabi nila na kayang kaya nilang makuha ang gusto nila.
May mainit ba kayong tubig? tanong ng hilot,agad naman kinuha ni tata yong palangana na may mainit na tubig.
Huminga ka ng malalim at umeri..instruct ng hilotdun sa buntis.
Kami naman ay nasa sala lang nila,nakikinig lang sa luob ng kwarto nila.Andon din ang asawa nito at si tata para mag-asist sa panganganak nito.
quack-quack..agad kaming napatingen sa pinto ng kusina nila.Isang bebe na kulay itim.hinayaan nalang din namin ito.Hindi naman kasi ito umaalis sa kinatatayuan nya.
aarrggghhhh....sigaw ng buntis sa luob kahit hindi ko nakikita ay alam kong nahihirapan ito sa pag-eri.Tumayo ako para sana kumuha ng tubig sa kusina.Dumaan ko sa my gilid ng bebe,pero hindi manlang ito natinag o tumabi..
*weird*
Naabutan ko ang kakambal ko at sila mark sa kusina na nainom ng kape.Si elaine naman ay andun pari sa sala nakaupo.Napalingon kami sa pumasok si tata..
ayaw lumabas ng bata..saad nito at uminom ng tubig.
panong ayaw?di ba sabi kanina lalabas na? nagtatakang tanong ng kambal ko.
ahhhh....huhuhuh....isa pang daing ng buntis,nakakaawa naman di biro ang panganganak.
shittt....sissy...nagulat kami sa biglang sigaw ni elaine,kung kayat dali-dali kaming pumunt sakany.Bigla kaming napahinto dahil sa nakita namin..
*yong bebe na kanina ay nasa pintuan ng kusina ngayon ay andun na sa pintuan ng kwarto at nakasilip sa buntis.*
umeri ka....malapit na...rinig naming utos ng hilot.Ngunit tulad ng inaasahan namin,parang takot ang sangol na lumabas sa sinapupunan ng ina nito.
Hindi,kaya may dahilan ito.?Sa di inaasahang pagkakataon ay sinipia ni mike ang bebe,ngunit lalo kaming nagulat at nagtaka ng tumingen laman ito samin at di natinag sa pagkakatayo.
taena!!tabi:, sigaw ng kambal ko sabay saboy ng asin sa bebe.Hindi nga kami nagkamali.Dahil ng nadapatan ito ng asin ay agad itong nangisay.
Walang nakakilos samin.Shock,takot,at kung ano-ano pa ang naramdaman namin.Walang kisap matang tinignan namin ang bebe na parang kinokumbulsyon.
ahhhhhhh...aswang..pinasok tayo..agad na sigaw ko.Ngunit bago pa kami nakaaksyonay agad hinataw ni manong ng buntot pagi ang bebe.Agad din itong umusok na parang nasusunog.Habang hinahampas ito ni manong ng buntot pagi ay pinipilit parin nitong tumakbo papalabas ng bahay,
Ang mas nakakatakot na nakita namin ay nung magpalit ito ng anyo mula sa bebe naging anyong tao na ito,isang babae,kaya pala ang mga kuku nito ay parang may mga kulay.
gwoooosshhhhh....tiktiktik tiktiktik........malakas na tunog ang naririnig namin sa labas.Isa lang ang naiisip ko,galit ito galit na galit ito...
Ang babaing pinaghahampas ni manong ng buntot pagi ay hinang hina narin.Hindi parin kami makakilos sa mga nangyayare at nakikita namin.
ipasom nyo sa sako at balutin nyo ng lambat..sigaw ni manang manghihilot.
Agad namang kumilos si manong at si brayan.Itinali nila ang kamay at paa nito.Nakakatakot ang itsura nito,madulas na katawan ,magulong buhok,may mahahabang kuku,na pagkinalmot ka ay paniguradong tatagos sa laman mo.Mga pangil at mapupulang mata,naglalaway din ito na parang ulol na aso.hinang hina na ito dahil sa asin at buntot pagi na ginamit sKanya.
Pinalibutan din namin ng asin ang lugar kung saan sya nakatali,.Nakayuko lamang ito..
uwwaahhh.....uwaaaahhh....uwaahhhh....napatingen kaming lahat sa kwarto kung saan nanggagaling ang iyak.Nakahinga kami ng maluwag.Isa lang ang ibig sabihin nun,nailabas na nito ang anak nya.
tiktik tiktik tik....humina narin ang tunog ng asawang sa labas.Napatingen naman kami dun sa nakataling aswang.Unti-unting inangat nito ang kanyang mukha.Lalo kaming kinilabutan dahil sa matatalim na tingen nito at ngiti nito.
Lumabas ang hilot sa kwarto at pumunta ng kusina..Kumuha ito ng abo at sinaboy ulit sa aswang..
ahhhhhhhh.....sigaw nito na namimilipit sa sakit.
Muli itong yumukona para bang sinasabi nito na hindi sya lalaban.Napatingen naman ang hilot samin at nagsalita.
sa ginawa nyong pagtulong sakanila,ay maging handa kayo sakalalabasan nito,hindi pa matatapos sa ganito. saka sya tumingen samin ng kambal ko....lalo na kayo!pag-isipan nyong mabuti ang pagbabalik nyo dito..saka ito tumalikod samin at naupo paharap dun sa aswang na nakatali.
Nagtinginan naman kaming lahat na bakas sa mukha ang pagtataka at takot..
(a/n)
lame or not guyzzz?hmmmmm pang-ilang attempt ko na to heheheh hope na naiintindihan nyo sana...hmmm sana hindi lame..hehhen
p.s.comment naman kayo guys..gusto ko marinig feedback nyo...para alam ko kung ano pa yong mga dapat kong ayosin para mas lalo kayong ganahan magbasa..
salamat guyss.,.,

BINABASA MO ANG
ASWANG
Horror"JOURNEY TO THE PLACES OF VISAYAS" ----->Pitong magbabarkada na mahilig sa adventure,na napadpad sa isang liblib na lugar sa VISAYAS.<------ Genre...