NICA P.O.V.
ohhhh my gosshhhhh......so creepy.... Nakatingen lang kami kay lolo, na parang baliw ito kung makangiti. midyo awkward nga yong mga tingen nya eh, Actually I really don't no kung ano ang kelangan namin sa matandang to.but I'm pretti sure na may kinalaman ito sa mga aswang na naincounter namin.
gusto nyo ba ng maiinom? Basag sa katahimikan nung babaing buntis,
Ah...eh...hindi na ho..may mga itatanong lang naman po kami kay lolo.... alanganing sagot ni rona bebe....
Wag kayong mag-alala hindi namin lalagyan ng lason.... nakangiting sagot ni lolo...
Mas mabuti na pong nakakasigu----------- arayy..... hindi na naituloy ni mike kung ano man ang dapat nitong sabihin dahil alert si rose sa pagsiko dito. Tinignan naman ito ng masama ni rona kung kayat nanahimik nalang ito.
Ang huling punta nyo dito ay nung mga bata palang kayo. Ang akala namin dati ay mailalayo na kayo sa nakatakda sa into...ngunit sino nga ba ang makakatakas sa itinakda? Kwento nito na nakatingen sa kambal.
Mawalang galang na po... ano po ba talaga ang nangyayare? Tanong ni john, na hindi na nakatiis.
Ang pilar capiz ay sagana sa ibat-ibang uri ng pananim. Merong palayan, niyugan, at taniman ng tubo. Ang mga tao dito ay tahimik at simple lamang ang nakagawiang pamumuhay. Hanggang sa dumating ang isang trahedya. Ayon sa mga nakasaksi sa pangyayare,meron daw mag-asawang pinakamayan sa lugar na ito. Ngunit sa kasamaang palad ay hindi sila magkaron ng anak. Mabait daw ang mag-asawang ito, ang babae ay napakagiliw sa mga bata.
Ngunit makaraan ang ilang taon ay nabuntis ang babae, sa subrang ingat ng kanyang asawa ay hindi ito pinapayagan lumabas o magtrabaho. Pag-umaalis ang asawang lalaki ay kalimitang nakikita ang babae nakadungaw sa malayo. Nung una iniisip ng mga nakakakita na subrang saya lamang ito kung kayat ganon na lamang ang reaction nito.
Lumipas ang buwan ay malaki na nga ang tyan ng babae, at ang mas ikinagulat ng lahat ay pagsapit ng gabi ay halos walang tigil sa pag-alolong ng mga aso.
Nagkataon namang merong mga tanod na rumoronda sa lugar na yon ,at dun nila nasaksihan ang isang asong may tatlong ulo na nakatanaw sa bintana kung saan palaging nakikita ang babae.
Isa daw itong kulay puting aso na makapal ang mga balahibo, katumbas ng kalabaw ang kanyang laki, meron daw itong malagintong mata at napakaamo ng kanyang mukha.
Lumipas pa ang buwan at dumating ang araw ng panganganak ng babae. Sabi ng mga nakasaksi namatay ang babae pagkatapos nitong manganak.
Naging mahirap para sa asawang lalaki ang mabuhay pa at alagaan ang bata, isang magandang batang babae ang kanilang anak.
Ang mas ikinagimbal ng lahat ay ang kumakalat na usap-usapan galing mismo sa nagpaanak sa babaing buntis. Ang bata daw ay kasing puti ng nyebe, meron itong kulay pilak na buhok at malagintong mata.
Dahil sa usap-usapang iyon ay naging marahas ang mga tao dahil gusto nila itong makita. Nang dahil narin sa kapabayaan ng ama nito, ay walang kahirap hirap sa mga tao na mapasok ang bahay nila.
Walang nakakilos isa man sakanila hinayaan nilang makaalis ang isang aso kasama ang batang babae.
Nakatanaw lamang sila dito hangang sa tuloyan na maglaho ito sa paningin nila.
RONA P.O.V.
Tulad ng inaasahan ko, ang bawat lugar ay may kanya kanyang kwento. Tahimik lamang kaming nakikinig kay lolo pedro na nagkukwento tungkol sa alamat ng "trio" .Tulad nga ng sabi nya wala pa ni isa sakanila ang nakakakita dito. Nagpapasalin-salin lamang ang kwento sa mga sumunod na hinirasyon. Pero ang hindi ko inaasahan ay ang sinabi nyang may isa pang tao ang nabubuhay,at makakatulong samin para makita ang hinahanap namin.
Eh lo,san ba namin makikita si lolo damaso? Tanong ng kambal ko na nagpatango saming lahat.
Si damaso ay nakatira sa plantasyon ng niyog, pwedi kayong dumaan dyan sa likod bahay. Sagot nito sabay turo sa likuran nito.
Tay baka naman nasa kweba si tiyo... singit naman ng anak ni lolo pedro.
Kweba? As in cave? San po yon? Tanong ni elaine.
Nakita nyo ba yong kweba dun sa may highway? Yong kabilaan? Minsan kasi dun din sya nagpupunta.
Ah...so san ba ang gusto nyong unahin natin? Tanong ni john.
Ayaw nyo bang munang magpalipas ng gabi? Hapon narin, bukas na kayo lumakad, mahaba haba ang lalakarin nyo, isa pa umuulan pa. Suhesyon ni lolo..
Hindi na kami kumuntra kay lolo, palagay narin naman ang loob namin, isa pa mukhang mahaba habang lakaran nga ang gagawin namin bukas.
Napag-alaman namin na si lolo pedro at ate nina lang pala ang nakatira dito. Kaming mga babae including nica ay tumulong sa paghahanda ng hapunan.
Kumakain kami ng hapunan ng mapagpasyahan naming pagkwentohin si lolo, pero tumangi ito at sinabing mag iingat kami sa mga lugar na pupuntahan namin. Dahil bukod daw sa mga aswang maaaring makakaincounter din daw kami ng mga malignong mapaglaro.
Pagkatapos ng maingay na haponan ay nagpasya na kaming matulog, iisang kwarto lamang kami, at ang masasabi ko lang ay napakasikip. Mabuti nalang at maulan malamig kung kayat okay lang na magkakadikit kami.
Good night guys.... be ready for tomorrow's adventure... mag ingat tayo.. kasi paniguradong hindi lamang isa o dalawa ang makikita natin.... sambit ko sakanila bago ko ipinikit ang aking mga mata..
A/n:
Hurrrrayygyyy.......omooohhhh.... hahatiin daw ang grupo.... so dalawa....
So pano ba yan guys?... ano ano kaya ang makikita nila?
Abangan!!!!!!!!!
See yahhhhh!!!!!!!
Don't forget to vote, comment,,, and share...
Teynksss guys...

BINABASA MO ANG
ASWANG
Terror"JOURNEY TO THE PLACES OF VISAYAS" ----->Pitong magbabarkada na mahilig sa adventure,na napadpad sa isang liblib na lugar sa VISAYAS.<------ Genre...