"THE FACE OFF"

3K 90 6
                                    

3rd PERSON P.O.V.

       Walang nagtangkang gumalaw o nagsalita sa kanila.Ramdam na ramdam ang takot at galit na aurana nakapalibot sakanila.

     

        Napahigpit naman ang hawak ni Rona sa sangol na hawak nito.Maging ang mga lalaki ay ramdam ang takot.Si Nica na hawak hawak ang camera ay hindi naitago ang panginginig.


       nagkita ulit tayo Patring.....nakangising sambit ng lalaking kaharap nila.

        Hindi nila alam kung pano ididiscribe ang mga nilalang na nasa harap nila.Mga katawan na madudulas,mapupulang mata,mahahabang pangil at kuko,nakakatakot na tingen at boses...pero hindi sapat ang mga salitang yan para idiscribe sila...at hindi nila gusto kung pano ang nararamdaman nilang takot.


         akalain mo nga naman noel ano....dito pa talaga kayo napadpad ng mga kampon mo sa lugar na to?...baliwalang sagot ng hilot sa pinuno ng mga tiktik..


         akin na ang anak ko,  galit na singhal ng pinuno ng mga tiktik sakanila.Napatingen naman sila sa hawak ni manang.

        pagkakataon nga naman ,anak mo pala to?..ang hilot naman ngayon ang napangisi.Ibalik mo ang buhay ng bata,kapalit ng buhay ng anak mo... diritsong pahayang ng hilot ngumunot naman ng nuo ng pinuno ng aswang,at napatawa.

       hahahhahahha...patawa ka talaga patring.hingen mo sa dyos nyo,diba sya naman ang nagbibigay ng buhay nyo?  nakakatakot na turan nito..

      galing din sa dyos yang buhay mo,buhay nyong lahat ng kampon mo.at wala kang karapatang kumuha ng buhay ng kahit sino,para lang sa pansarili nyo. galit na sambit ng hilotat mas lalo pang hinigpitan ng hilot ang pagkakahawak nito sa buhok ng babaeng aswang na nahuli nila...

       uulitin ko noel,,buhay ng bata o buhay ng anak mo......?  tanong ulit ng hilot.

      wag mo akong takutin....at sino yang mga kasama mo?estudyante mo?..nagpipigil na din  ito  sa galit.

      hindi mo ba naaalala ang walong  bata na gusto mong patayin? nagulat ang pinuno ng mga aswang sa tinuran ng hilot maging ang mga magkakaibigan ay naguluhan din sa sinabi ng hilot.

     hindi,hindi hindi maaari napatay namin sila. halos pabulong na sambit ng panuno ng mga tiktik,pero di iyon nakaligtas sa pandinig nila...

        sa tingen mo hahayan namin na mangyare yon?ngayon noel ibabalik mo ang kinuha mo,kapalit ng anak mo,o gusto mong malaman kung sino tong mga batang kasama ko?


       Hindi alam ng pinuno kung ano ang magiging disisyo nya.Palipat lipat ang tingen nito sa bata ,sa magkakaibigan,sa hilot at sa anak nito....masamang tinitigan nito ang hilog bago nagsalita.


      maswerte ka hilot...sa oras na magkita tayo ulit,hindi lang ang bata ang kukunin ko sayo....saka nito tinitigan ang babaeng katabi nito na para bang may sinasabi ito.

       Rona pakiramdaman mo yang bata...maging alerto kayo....saad nito sa mga magkakaibigan.Nagulat sila sa iyak ng bata,at sa pag galaw nito.Niyakap ito ni Rona at pinakingan ang tibok ng puso nito.

       Nakahinga ito ng maluwag ng masiguro na ligtas na ang sangol.Napangiti naman ito sa mga kaibigan nya,senyales na okay na ang bata.


      akin na ang anak ko patring........ nangigigil ng turan ni noel..napangisi naman ang hilot at itinayo ang babaeng hawak nito...

       maglakad ka na...utos nito sa babae..at wag na kayong bumalik pa sa lugar na to...matigas na sambit ng hilot na ang mata nito ay nakatingen sa babaeng naglalakad palapit sa angkan nito..


     maswerte ka patring,at may mga kasama ka..sa susunod na magkita tayo,hindi na kita palalagpasin pa...tumingen ito ng masama sa hilot...at kayo hindi nyo alam ang gulong pinasok nyo..maaaring ligtas kayo ngayon,pero sa bawat oras na meron kayo sulitin nyo na....baling naman nito sa magkakaibigan


      Takot,subrang takot naman ang naramdaman ng bawat isa.Aba hindi biro ang bantaan ka ng pinuno ng mga asawang nuh.....


       Nakahinga sila ng maluwag ng dahan-dahan ang mga itong umalis,  pero sa bawat umaalis ay ramdam nila ang galit at masang titig sakanila..

       Walang halos ang nakagalaw sakanila habang minamasdan lang nila ang unti unting pag alis ng mga asawang,....pasikat narin ang araw...ibig sabihin nakasurvive sila .....

       nakaya nila,,,,,oo nakaya nila........ngunit?.......ligtas na nga ba sila?marami silang gustong malaman,na ang tanging makakasagot lang ay ang hilot.....




         (a/n)

                 I dunno if nagugustohan nyo o nadidisapoint kayo sa daloy ng storya....hehehehheh I want to know your feedback ,........commment naman dyan pls......teynnnnkkkkzzzzzz guyzzzz...

ASWANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon